🌕
Jackie's POV
Pag dating namin sa bahay mag aalas kwatro na ng hapon. Ramdam namin ang pagod. Kaya nagpahinga na muna ang lahat. Si Jamie nga paglapag namin ng Manila nakatulog na agad eh. Lalo na ako. Ang bigat ng mata at katawan ko. Kaya nakatulog din ako.
Pag gising ko alas nwebe na ng gabi. Pag tingin ko sa kwarto nina mommy at daddy tulog pa rin sila. Nagulat akong sobrang dami ng missed calls at messages anh phone ko galing kay Fred.
Tinawagan ko naman agad ito kahit kakagising ko lang
"Fred?"
"Jackie?! Jackie naka uwi na ba kayo?"
"Oo sorry kakagising ko lang napagod kasi ako. Tulog nga pa rin si Jamie at mommy and daddy"
"Gosh its so nice to hear your voice again. Ah ganun ba...sorry sa storbo ha"
"Hindi kakagising nga lang. Kakain muna ako sa baba nagutom ako bigla eh."
"Ok. Jackie? Facetime?"
"Sige sige wait lang..."
"Hi friend! Baw gwapa kaayo bisan bag-o bugtaw."
"Ano ba yang pinagsasabi mo"
"Basta. Haha ok ka lang ba bakit ganyan ang boses mo"
"Uhmm uhmmm...ewan baka sa sobrang pagod lang"
"Di bale maganda ka pa rin eh. Gusto na kitang yakapin."
"Eto yakap oh. Bilis!"
"Hmmmmm"
"Ayan naka abot ba ng Cebu?"
"Abot na abot"
"Ikaw nakapag pahinga ka ba?"
"Ok lang ako don't worry about me."
"Kain tayo Fred"
"Ano yan?"
"Sandwich lang."
"Pakabusog ka ha"
"Oh subuan kita say aaahh"
"Aaaahhhh. Ang sarap ah. Sweet naman ng Jackie ko"
"Luh nang aangkin. Jackie mo?"
"Aba syempre sabi ko diba sayo hindi kita pakakawalan. Isang taon na lang official na yan"
Ngumingiti lang ako. Nakakapanibago yung video call lang pero ang sarap sa feeling na kausap ko siya. I'm sure mag a-adjust pa kami. Hindi pa naman kami enrolled so wala pa kaming schedules kaya this will do for now. Yung kamustahan at updates lang muna.
"Hi Jackie!"
"Uy hi ate Faye!"
"Fred tawag ka na sa baba. Nako Jackie hindi pa nakapahinga tong si Fred tsaka di pa naghahapunan."
BINABASA MO ANG
Under the Same Moon [Book#1:Under The Same Series]
Ficção AdolescenteTwo teen-agers who just turned seventeen (Fred and Jackie) meet in a beautiful island in the same hotel resort in a summer family vacation. Both from wealthy families, they found their "little conversations" every night as a wondrous escape from the...