Chapter 13: Face to Face

85 12 1
                                    

🌕

Michael's POV

"Hi besprend!

Baka late mo na mabasa ito. Ok lang. Enjoy kayo ni Fred. May bibigay sana ako sayo kaninang umaga kaso ayokong ma storbo kayo kaya umalis na lang muna ako. Sana nag enjoy kayo. Gusto kong masaya ka palagi, Jackie. Alam kong narinig mo yung sinabi ko kahapon sayo. Hindi naman ako naghihingi ng kung ano gusto ko lang talaga ilabas yun at ng malaman mo. Sasabog na eh ang tagal ko rin kasi itinago sayo. Sorry Jackie ah? Sasabihin ko na rin sana sayo kanina kung bakit ako nag transfer ng school. Kaso dito na lang muna. Ang totoo niyan Jackie alam kong hindi ka papayag na liagawan kita noon kasi nga mag best friend tayo. Kaya nung nagustuhan na kita...noong first year tayo naalala mo yun? Nung muntikan na kami ma aksidente. Grabe yung alala mo sakin. Ikaw talaga nag asikaso sakin noon. Dun ko nalaman na may gusto pala ako sayo. Kasi Jackie...ang sakit na kasi na marinig palagi na hanggang best friend na lang ako. Kaya ako na yung lumayo. Para malimutan na rin muna kita sandali. Patawad ah sorry kasi ang babaw nga rason ko... baka magalit ka pa nga... pero I can't blame you. Sabi mo kasi noon ayaw mo magpaligaw kaya I was enjoying na ako lang ang guy bestfriend mo na kasama mo araw araw. I became too comfortable na lahat ng gusto mo sinusunod ko. Hanggang sa gusto mong maging best friends lang tayo. Kahit masakit sa akin tinanggap ko yun.

Uy wag mong isipin na may kasalanan ka ha?..dahil wala. Wala Jackie. I just want to let this out. Bukas magpapa alam sana ako sayo. Anong oras kita pwede puntahan? Kung may pupuntahan kayo ni Fred ok lang dito na lang ako magpapa alam. Ma mimiss kita Jackie! Lalo na yung pag ubos mo sa mga tira tirang pagkain ko. Di ko to ginusto ah. Kaso ito yata ang tamang gawin...yung lumayo ulit ako. Para tuluyan ka ng maging masaya. I love you besprend! Ingat ka lagi ah?"

Pagkatapos kong sinend kay Jackie yung message ko hindi ko na napigilang maiyak. I know kasalanan ko. I know ang tanga ko bakit ko pa pinahaba ang time na sabihin sa kanya ang totoo. Ok lang na masaktan ako...basta masaya siya.

Kumuha ako ng patago ng isang lata ng beer at nag kulong ako sa kwarto at umiyak ng umiyak.

-------

Kinabukasan pagkagising ko I received a reply from Jackie

"Mike :( bakit ganito? Pumunta ka dito sa bahay please? Usap tayo?"

Hindi ko alam kung matutuwa ako sa nabasa ko. Damn Jackie lalayo na nga ako eh. Tanggap ko na nga na si Fred na ang magiging nobyo mo. Pero what's the point pa na mag uusap tayo? Hmm I guess she is still the same old Jackie that I know...binibigyan niya talaga ng importansya yung mga malalapit sa kanya. Di naman sumakit ulo ko sa isang beer kaya naligo na ako para pumunta sa bahay nila.

Fred's POV

Last night nakita kong may lalaki na kasama si ate Faye bago tuluyang pumunta sa room namin. Pero hindi ko na lang muna inisip yun dahil na ba bother pa rin ako sa Michael. Baka mabait naman yun why don't I give him a chance? Kaso...mukhang magpaparaya naman siya eh. I don't own Jackie after all. Tsaka narinig ko na mismo sa kanya na ayaw niya ng too much. Hindi na nga ako nakapag Facetime kagabi kay Jackie sa sobrang antok. I just sent her a goodnight message.

Nakatulog naman ako ng maayos. I got up and fixed myself na. I got a text message from her.

"Good morning palangga. Dito ka na mag breakfast. Jamie misses you na. See you!"

Aaahhh truly brightens my day.

Jackie's POV

"Jackie seryoso? Pinag isipan mo ba to ng mabuti? Baka mag suntukan yung dalawa dito ha."

Under the Same Moon [Book#1:Under The Same Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon