Chapter 24: Heavy

97 9 3
                                    

🌕

Fred's POV

"Trixie please call daddy right now please!"

"Yes yes eto na"

"Kuya bilis po please"

"Ayan na po sa next na kanto ospital na"

"Jackie come on! Don't do this! Palangga ko gumising ka!"

Bumaba na kami sa ospital sa may emergency at nakita naman nila na bitbit namin na duguan si Jackie. Nilagay siya sa stretcher at pinasok.

"Ano pong nangyari?"
Tanong ng isang nurse

"Uhm...uhm.."

"Hit and run po" sabi ng driver ko kasi hindi na talaga ako makapag isip ng maayos.

I took my phone and I plan to call on tito Jonathan. Oh my gosh he will kill me he will kill me.

"Fred kausapin ka ng daddy mo"
Kinuha ko yung phone ni Trixie.

"Dad...." I cried. Wala ng ibang lumabas pa sa bibig ko.

"Papunta na kami ng mommy mo dyan don't worry"

"Dad I don't know what to say kay tito Jonathan."

"Sige ako ng tatawag. Just calm down anak it was an accident."

"But I feel its like my fault dad...I think I am responsible for this"

"Fred please, walang may gusto sa nangyari ok?. Calm down papunta na kami. Ok? Hang in there."

"Yes dad...thank you."

Pumasok naman kami sa ospital at nag stay sa labas ng emergency room. Iyak lang ako ng iyak. Dumating na rin si Mark.

"Tol..."

"Mark...jusko"

"Shhh...di mo kasalanan sabi ni Trixie aksidente ang nangyari."

"I could've protected her. Just one second na binitawan ko ang kamay niya ganito na agad ang nangyari."

"Tol hindi mo ginusto yung nangyari wag mong sisihin yung sarili mo."

Maya maya pa ay dumating na si mommy at daddy. Pagyakap nila sa akin ay iyak lang ako ng iyak.

Dumating na rin si tito Jonathan at kuya Kiko. Nag e-expect na ako ng suntok at mura. Ok lang kasalanan ko naman. Tatanggapin ko lahat.

"Tito...I'm sorry....I'm so sorry" lumapit ito at niyakap ako. Umiyak din siya.

"Wala kang kasalanan, Fred. Let's just pray my baby girl survives. I don't know how to tell Jocelyn." Tito Jonathan cried.

"Jo? Ako na tatawag may number niya ako." Mommy tapped him.

"Salamat, Farah.
Fred? Hindi niyo ba namukhaan ang sasakyan?"

"Sa sobrang bilis po tito hindi ko na maalala eh."

"Sir Fred, pulang pick up po Toyota Hilux po ata yun eh kaso di ko na maaala yung plate number." Sabi ng driver namin.

"Thank you kuya."

"Ok ganito na lang babalik ako sa studio kukunin ko yung cctv footage sa guard and I will ask help na sa mga pulis to trace all Red Toyota Hilux na pick up. Dito na lang muna kayo."

Under the Same Moon [Book#1:Under The Same Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon