Chapter 22: First Love

117 13 16
                                    

🌕

*Pasensya na po talaga sa mga typo nung mga last chapters...inayos ko na po 🙈✌️

***

Jackie's POV

I forgot to tell Fred that kuya Kiko is here and is working in the company. Alam kong may something at medyo awkward para kay Fred na pag usapan. But I think ito na ang araw na malalaman ko why.

"Magkakilala kayo?"
Tanong ni dad kay Kiko at ate Faye.

Lumabas si ate Faye sa taxi.

"Ate..."
Lumapit naman si Fred para gumitna sa kanila.

"Hoy Kiko kinakausap kita! Diba nag usap na tayo? Wag ka na lumapit sakin! Teritoryo ko tong Cebu nakalimutan mo?"

"Uhm...ate Faye" hindi ko na napigilang mag butt-in ang intense kasi kahit wala naman kaming alam bakit sila magkakilala.

"Pinsan ko si kuya Kiko. He is working in our company as dad's assistant."

"Ha?! Pinsan mo siya, Jackie?!"

"Opo ate...how do you both know each other ba? May dapat po ba kaming malaman?"

Still, no response. Galit na galit pa rin tingnan ni ate Faye si kuya Kiko. Yumuyuko lang si kuya.

"Uhm tito Jonathan, mauuna na po kami. Susunduin ko na lang po si Jackie dito bukas. Ate Faye tara na please!" Fred finally said.

"Sige Fred, Faye...mag ingat kayo."
Sabi ni dad sa kanila.

"Salamat po tito.
Palangga goodnight! See you!"

"See you!"

Umalis din ang taxi agad pagkapasok nila dito.

----

"Ah...tito photocopy ko lang...
balik lang po ako agad."

"Sandali lang Kiko"

Napatigil naman si kuya.

"What was that?
Can you at least explain it to us?"

Halatang kabado siya.

"Well...lalabas din naman ang katotohanan. Might as well say it now. Naghiwalay po kasi kami ng asawa ko tito that is why nahihirapan akong buhayin si baby mag isa. Ang totoo niyan, Faye is my ex-girlfriend. Muntik na po kaming magkabalikan noong nagbakasyon siya sa Manila kasama si Fred. Kaso matagal na rin pala silang engaged ng boyfriend niya. Bigla niya na lang sinabi sa akin na ayaw niya na makipagkita sa akin. Pero ang totoo niyan tito, Jackie, kitang kita ko sa mga mata ni Faye...mahal niya pa rin ako."

"Oh my God this is a lot to process."
Sabi ko.

"So what are you trying to imply, Kiko? Gusto mo sanang balikan si Faye?"

"Gustong gusto po. Pero napapaisip ako na mas mabuti na wag na lang kasi nga diba...mayaman sila eh baka hindi ko pa kayang buhayin si Faye."

Under the Same Moon [Book#1:Under The Same Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon