Chapter 1

251 121 132
                                    

Nasa loob ako ngayon ng aming classroom. Mararamdaman mo na araw ng Valentines ngayon. May naghaharana sa ibang klase, may nagbibigay ng tsokolate at bulaklak sa mga babaeng napupusuan nila. Mayroon ding mga nagbebenta ng ampalaya sa mga bitter na tao.

May kumatok na naman sa pintuan, kanina pa 'di matapos tapos ang leksiyon ni Ma'am. Sumenyas naman si Ma'am na papasukin ang tao sa labas. Nang pumasok ang nakasalamin na estudyante.

"Ma'am, excuse me po. Nandito po ba si Alyanna?" tanong ng lalaki na may hawak na bulaklak at cupcake.

Hiwayan naman ng buong klase. Pati si ma'am napangiti.

Kainis akala ko pa naman ako na. Bakit walang nagbibigay ng bulaklak sa'kin at cupcake. Pati mga friends ko 'di man lang ako binilhan. Kainis naman. Sayang ang ganda at damit ko. Wala man lang natanggap na bulaklak.

Umalis na ang lalaki. At mababakas sa mukha ni Alyanna ang tuwa at kilig. Tss.

May kumatok na naman sa aming classroom. Tinigil na ni Ma'am ang pagtuturo dahil nadidisturbo na siya.
Binuksan naman ni Ma'am ang pintuan saka pinapasok ang mga kalalakihan. Mga apat sila, ang isa ay may hawak na bulaklak, at ang isa naman ay may hawak na gitara. Siguro 'yong dalawa ay kakanta.

"Ma'am, manghaharan po kami. Nandito po ba si Francheska?" tanong nila.

Ano ba naman yan. Akala ko kung ako na. Wala bang tatawag sa pangalan ko. Gusto kong itaas ang kamay ko. Kaso baka pagtawanan lang ako ng kaklase ko. Feeling ko naman na ako 'yong haharanahin, eh.

Nag umpisa na silang kumanta ng Photograph ni Ed Sheeran. Napakaganda ng boses ng lalaki. Siguro mai-inlove talaga sa kanya si Francheska at ang mga kaklase kong babae. Halatang kinikilig si Francheska nang binigay sa kanya ang bulaklak. Pagkatapos kumanta ng mga lalaki ay pumalakpak kami. At saka umalis na sila.

Hinintay nalang namin ang oras bago matapos ang klase dahil sa tuwing magtuturo si Ma'am laging may pumapasok sa room. Hinayaan nalang kami ni Ma'am na makipagkwentuhan sa katabi. Kaso ako wala akong ganang makipagkwentuhan. Hanggang sa narinig na namin ang bell. Umalis na kami sa room.

Pumunta ako sa mga booth ng mga organization. Makikita mo ang mga lobong hugis puso o kaya naman kulay pulang lobo. Meron naman nagbebenta ng mga pula at puting rosas. Gusto kong bumili kaso 'di kasya sa budget ko. Mayroon din kumukuha ng litrato o picture booth. Inalok ako ng nasa booth kaso umiling ako.

Ano 'yon mag isa ko lang na magpi-picture sa booth. Tapos hawak ang card na #single or #walangforever. Nahhh. I like it na 'di na ako lalahok sa mga booth na yan. Pero why not baka mahanap ko na ang the one ko. Malay ko hinahanap niya rin ako.

Kanina pa ako lumilibot sa iba't ibang booth halos mga lalaki ang bumbili ng bulaklak para ibigay sa natitipuhan nilang babae. Kaso nakaramdam na ako ng gutom. Kakain na lang ako sa labas. Mas nakakabusog pa ang pagkain doon.

Makikita mo sa daan ang mapupulang hugis-puso na lobo, mga magkasintahang magkahawak kamay, mga inaalok na bulaklak sa daan, mga tsokolateng binebenta. Damang-dama mo na Araw ng Puso ngayon.

Hay, naku! Valentines na naman. Wala man lang akong ka-date ngayon.

Makabili na nga lang ng paborito 'kong takoyaki sa Porta Vaga.

"Ate, pabili po ng takoyaki sampung piraso" sabi ko sa tindera.

Puno ng kakaibang kulay ang takoyaki dahil sa sauce na nilagay ko tulad ng ketsup, mayonnaise, garlic at mustard ang takoyaki.

Woah!! Ang sarap talaga ng takoyaki ni Ate. Pati sauce nakakatakam.

February 14 ngayon! Tingnan mo ang daming magjowa na nasa daan. Nakakainggit naman sila. Eh ako, nandito nakamukmok lang sa tabi kumakain.

Blessing In DisguiseWhere stories live. Discover now