Chapter 10

82 25 41
                                    

Kinabukasan maaga akong nagising. Dumiretso ako sa banyo para maligo. Inihanda ang aking damit at saka umalis na ng kwarto.

Tumungo ako sa buffet para kumain. Maraming mga masasarap na pagkain. Halos mataas sa fats and carbs ang mga ito. Paano na ako makakapag-diet?

Ilang minuto ang nakalipas, ay biglang nag-ring ang aking phone. Nakalagay na unknown number. Sinagot ko ang tawag.

"Hello! Sino 'to?"

"Hello, Carla. It's me Jeremy." sagot niya.

"Oh, hi. Bakit ka napatawag?" tanong ko.

"'Di ba sabi ko sa'yo. I'll keep in touch." tugon nito.

"Sinabi mo ba?" sabay tawa.

"Oo nga. So I am here para yayain ka."

"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko.

"Kahit saan basta punta ka muna rito sa bow." utos niya.

"Ha? Saan 'yong bow?" naguguluhang tugon ko. Ni hindi ko alam kung saan yon.

"Dito sa may deck. Alam mo yong scene nina Rose at Jack sa barko, doon 'yong bow na sinasabi ko."

"Bakit gano'n din ba ang gagawin natin?" natatawang tugon ko.

"Yeah, if you want." sabay tawa niya

"Ahh, wait mo lang ako. Ibaba ko na yong phone. Pupuntahan na kita diyan." saka binaba ang phone at dumiretso sa taas.

Kaunti palang ang mga tao sa deck dahil maaga pa siguro tulog pa ang mga pasahero. Madali ko siyang natunton sa sinabi niyang puwesto. Pinuntahan ko siya agad.

"Hi, nakauniporme ka ah. Wala ka bang duty ngayon?" kumaway ako at napangiti ako.

"Hindi, off ko ngayon. Katatapos lang ng duty ko. Napatawag ako kasi wala akong ginagawa." sabay titig sa akin.

"Saan naman tayo pupunta? Wala naman mapapasyalan dito" natatawang sabi ko.

"Anong wala, mayroon. Napunta ka kasi sa upper deck kaya nasabi mong wala. Atsaka bawal passengers doon" sambit nito

"Sorry, naman 'di ko alam. Gusto ko lang naman mamasyal eh. Eh doon 'yong magandang puwesto na nakita ko."

" Okay na. Buti ako 'yong nakakita sa'yo. Baka mapaano ka pa."

"Oo, nga. What a small world. At nagkita pa nga tayo." sabay titig sa malalim na dagat.

"Tara na. Punta tayo sa first class deck. May mapapasyalan doon." nag-umpisa na siyang naglakad.

Sinundan ko siya. Napadaan kami sa isang mini bar. May mga kaunting tao rito. Kaso wala pang mga kumakanta. Bigla siyang pumasok sa isang cafe. Leiana's Cafe ang nakalagay.

Ahh, dito lang pala niya ako dadalhin akala ko pa naman kung saan na eh.

Umupo na siya sa gilid ng cafe. At sinundan ko siya.

"Dito mo lang pala ako dadalhin. Akala ko pa naman kung saan."

"Dito lang naman may matinong place eh. At saka ferry ship ito, hindi cruise ship. Kung sumakay ka sana sa cruise ship. Marami kang mapapasyalan." pagpapaliwanag nito

"Kaya nga ako rito sumakay para makatipid ako tapos may promo kaming nakita." sambit ko.

"So, may kasama ka pala?" nakakunot noo ito.

"Oo, katrabaho ko. Pupunta kami sa seminar."

"Ilan kayong sumakay rito?" tanong ulit niya.

"Dalawa lang kami."

Blessing In DisguiseWhere stories live. Discover now