Chapter 3

117 54 85
                                    

Maaga akong pumasok sa ethic class namin. Nagmamasid sa aking mga kaklase. Hinihintay pa ang mga iba. At biglang dumating ang aking closest friend sa klase.

"Uy Carla, bakit ka absent kahapon?" tanong ni Kendrei sakin habang inaayos niya ang kanyang upuan sa tabi.

Kendrei Lance Acosta ang buong pangalan niya. Siya ay kaklase ko sa ibang major subject. At electrical engineering din siya.

"May ka-date ako kahapon" pabulong kong sinabi sa kanya.

"Uy, sino? Buti ka pa may ka-date ako nga wala eh." pabiro niya sakin

"Basta! Secret! Akin nalang yun."

"Sige na, tayo tayo lang naman eh." pilit niya.

"Sige na nga. Huwag mo sasabihin ha. Nakita ko lang sa omegle iyong ka-date ko." natatawang pagsabi ko.

"Huh! Paano yun?" Napasigaw siya sabay tingin ng aming mga kaklase.

"Shhh! Tahimik ka nga diyan baka marinig nila tayo eh. Ganito kasi iyon. Kumakain ako noon sa porta vaga tapos naisip ko na maghanap nalang ng kadate sa omegle kaya 'yon."

"Paano? Di ko gets? Bigla na lang ba siyang pumayag sayo?"

"Hindi niyaya ko siya. Tapos sabi niya KKB kami. Sumang ayon naman ako. May pera pa naman ako sa bahay eh."

"Ngii! Bakit KKB? Dapat siya nanglibre. Lalaki siya."

"Sumang-ayon nalang ako kasi no choice na eh. Wala na akong mahanap. At saka okay lang yun. 'Di naman niya obligado na ilibre ako kasi ako naman nagyaya hindi siya. " sabi ko sa kanya

"So kamusta? " seryosong tanong ni Kendrei

"Ayun, masaya! Nakakilig. Nanuod kami sa sine tapos pumunta ng Burnham." proud na sinabi ko sa kanya.

"Ayieee, haba ng hair mo gurl!" panunukso niya sa akin.

"Kaso nga lang di niya ako binigyan ng flowers. Gusto ko sana ng flowers eh. Kaso di niya ako binigyan."

"Ay yun lang. Pero at least nag enjoy ka." sabay hawak sa balikat ko

"Oo naman" sabi ko

"Buti nalang di ka dinala sa hotel hahaha." biro niya.

"Niyaya niya nga akong uminom kaso sabi ko 'di ako umiinom kaya umuwi nalang kami. Hapon na kasi nun."

"Ohh, may balak pa ata si kuya."

"Ewan ko lang. Siguro wala naman."

"Hay naku Carla. Ang masasabi ko huwag kang basta basta maniniwala sa strangers at huwag mong ibibigay yang puri mo kung kanino lang. Napakahalaga niyan para sayo." seryosong nakatingin sakin si Kendrei.

"Oo naman, ako pa. Kaya ko yan. Strong independent woman kaya to!!" sabi ko.

Biglang pumasok na ang aming instructor sa ethic class. At malapit na rin ang aming exam week. Kaya kailangan ko nang magfocus sa aking subjects.

Lunes na naman, simula na ng aming exam. Isa na namang hell week ito para sa aming estudyante. Buti wala akong exam ngayon. At makakapagreview pa ako ng maayos at marami. Dahil gising na rin ako nang maaga, magluluto na lang ako ng pang umagahan.

Habang nagluluto ako ng itlog, may lumapit sa akin. Lumapit ang aking karoommate.

"Beh, may extra susi ka ba diyan?" nagmamadaling nagtanong si Noela.

"Wala eh, bakit?" sagot ko naman

"Ay, nawala ko kasi 'yong susi ko. Pwede sana hiramin ko 'yong susi mo tapos ipapaduplicate ko." ani niya.

Blessing In DisguiseWhere stories live. Discover now