Chapter 9

61 22 23
                                    

Isang linggo na ang nakalipas at pupunta na kami sa Davao para sa seminar. Napag usapan na namin ni Kendrei na magbabarko nalang kami dahil nahihilo akong sumakay ng eroplano. Sumang ayon naman si Kendrei para na rin makatipid kami, dahil nakahanap kami ng promo papunta sa Davao.

Heto ako ngayon nag aayos ng aking damit na susuotin sa seminar. Na-eexcite na ako dahil gustong gusto kong makapunta ng Davao as if naman na makakagala kami.

Tiningnan ko ang aking phone mga 5:00 na ng umaga. Kailangan ko nang maligo. Dapat nakarating na kami sa daungan ng barko bago mag 10:00 ng umaga.

Nagluto na ako ng almusal. Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa banyo para maligo.

Pakanta-kanta ako habang naliligo. Nakaugalian ko nang kumanta habang naliligo. 'Di naman kagandahan ang aking boses pero masasabi kong nasa tono naman ako.

Natapos na akong naligo at saka nagbihis na rin ako ng peach na blouse at trousers. Komportable ako sa suot na ito. Nakakagalaw tuwing biyahe. Kaya ito ang napili ko.

Napatingin ako sa orasan. 7:15 am na pala. Natagalan ako sa banyo. Nadala ako sa aking pagkanta. Nag-text ako kay Kendrei.

'Saan ka na?' text ko.

From Kendrei:
Nasa daan na. Ikaw?

Me:
Nasa bahay pa. Paalis palang.

Kendrei:
Sige... Kitakits nalang sa seaport.

Me:
Okay. Ingat ka.

Sinarado ko na ang aking condo. At sinigurado ko bago umalis kung naka-lock ito ng mabuti.

Nakasakay na ako sa taxi at papunta na ako bus station. Iyan ang sasakyan para makapunta sa daungan ng barko.   Napalingon ako sa labas. Nakatitig ako sa mga nagtataasang gusali. Hindi ko inaasahan na balang araw ay dito ako magtatrabaho sa mga nagtataasang gusali.

"Dito na po tayo ma'am." sabi ng taxi driver.

"Salamat manong." tugon ko.

Bumaba na ako sa taxi at hinanap ang bus na sasakayan ko.

Sumakay na ako sa bus. At naghanap ng magandang puwesto. Doon ako sa pumwesto sa pangalawa sa harapan para makita ko ang daanan. Inilabas ko ang aking earphone. At isinuksok ko ito sa aking tainga. Siyempre hindi mawawala ang aking earphone. Gusto kong makinig ng music habang nasa biyahe.

Iidlip lang ako. Alam kong mahaba-haba pa ang biyahe ko. Kailangan ko rin kumuha ng lakas at saka inaantok pa ako. Maaga kasi akong nagising at matagal akong nakatulog kagabi due to my reports.

Ilang oras na ang nakalipas at nakarating na ako sa daungan. Lumingon lingon ako at nakita ko si Kendrei. Tatawag na sana ako sa kanya pero agad siyang kumaway sa akin.

Lumapit ako sa kanya. At sabay ngumiti.

"Aga mo naman ah. Excited masyado." sabi

"'Di ah.  Baka naman ikaw ang excited. Tingan mo parang 'di ka nga nakatulog kagabi." biro niya sabay tawa.

"Hmm. Ikaw talaga kung ano anong pinagsasabi. For your information, 'di ako nakatulog kasi tinapos ko 'yong mga reports." sagot ko saka biglang umalis.

"Tara na. Baka malate pa tayo." sambit ko.

At sumunod din si Kendrei. Hinanap namin kung saan ang ticket booth. 'Di kalayuan nakita na rin namin kung saan kukuha ng ticket.

"Ako na magbabayad." sabi ni Kendrei

Binigay ko ang aking bayad kay Kendrei tapos umupo ako sa gilid. Medyo mahaba ang pila kaya natagalan siyang nakapagbayad.

Blessing In DisguiseWhere stories live. Discover now