Chapter 8

50 29 12
                                    

Ilang buwan na ang nakalipas at nakasanayan ko nang magtrabaho rito. Pupunta sa site. Gagawa ng report at magrereport kay Sir Gabby. Hindi madali ang gawain na ito araw araw ngunit kinakaya ko.

Ako ay nagtatype ng aking report at seryosong nakatingin sa desktop at keyboard nang may lumapit sa akin. Hindi ko pinansin ito dahil gusto ko nang matapos ang ginagawa kong report.

"Carla, tara na maglunch" sabi ni Kendrei.

Oo nga pala. Magtatanghaling tapat na 'di ko namalayan ang oras. Kung 'di pa ako pinuntahan ni Kendrei ay baka mamaya pa ako manananghalian.

"Sunod nalang ako. Marami pa akong tatapusin." napatigil ako sa pagtatype at tumingin sa kanya.

"Mamaya mo na tapusin yan. Marami ka pa naman oras hahaha." biro niya sakin.

"Hindi naman ako kasingbilis mo gumawa ng report. Kaya mauna ka na." pilit ko sa kanya.

"Sige na. Tutulungan kita mamaya." nakangusong sabi niya

Hindi na ako makatanggi sa kanya dahil sa itsura niya mukhang nagmamakaawa sa akin. Talagang sabay kaming kumakain sa lunch. Minsan kapag busy siya. Ako mag isa ang kumakain. Minsan kapag busy ako hinihintay niya ako para magsabay kaming kumain. Ewan ko ba sa kanya at bakit pa niya ako hihintayin eh sobrang dami niyang ginagawang report.

Tumayo na ako na ako at pumunta sa paborito naming karenderya. Malapit lang ito sa pinagtratrabahuan namin. Pumwesto na kami sa isang table.

"Kamusta 'yong ginagawa mong report?" tanong ko sa kanya.

"Malapit na ako matapos, ikaw?" balik na tinanong sa'kin.

"Ito naii-stress na ako. Mukha na nga akong haggard." biro ko sa kanya.

"Saan 'yong haggard diyan? Maganda ka naman." sabay tingin sa mukha ko.

"Anong maganda ka diyan. Wala naman akong jowa." sabi ko habang kumakain.

"Huh! Sa ganda mong yan, wala ka pang boyfriend?" nangunot ang noo niya

"Binibiro mo naman ako Kendrei." tugon ko sa kanya.

"Hindi, 'yong totoo. Bakit wala ka pa boyfriend?"

"Alam mo naman 'yong nangyari sa akin. Naoperahan ako tapos nagfocus ako sa pag-aaral sa kagustuhan ko rin na makatapos." seryosong kong tingin sa kanya.

"Ahh, Bakit hindi ka na nag omegle tulad ng dati?" biro niya sa'kin

Natawa ako sa kanya. Naalala pa pala niya ang kwento ko sa kanya. "Busy ako kaya 'di ko na magawa yan. Atsaka bored lang ako noon kaya nagawa ko 'yon."

"So, ikaw kamusta naman ang lovelife mo?" tanong ko naman sa kanya.

"Wala" napailing iling siya.

"Anong wala? Paki-explain naman." sabi ko.

"Busy ako sa work. At saka may espesyal na babae sa puso ko kaso hindi pa siya handa." seryosong tingin sa akin.

"At sino naman ang maswerteng babae na 'to?" ngumiti ako sa kanya.

"Basta. Di mo rin kilala." sagot niya sabay iwas ng tingin sa akin.

Halatang namumula ang kanyang tenga at pisngi. Di siya makatingin ng diretso sa akin. Pilit kong tiningnan ang mukha niya.

"Sige na. Sabihin mo na. Tayo lang naman dalawa. Tapos pinagsasabiham naman din kita ng secret ko eh." pilit ko sa kanya.

Ngunit mapilit din siya na 'di sabihin sa akin, kaya napailing na lamang siya.

Pagkatapos namin kumain ay bumalik na kami sa workplace namin. Tahimik lang kaming naglalakad papunta sa company.

Pinagpatuloy ko na ang aking ginagawang report para maaga akong matapos at makapagpahinga na rin sa bahay.

Hindi ako makapagconcentrate dahil sa sinabi ni Kendrei. Sino kaya ang babaeng tinutukoy niya. Naintriga naman ako. Bakit ko ba iniisip 'to? Wala naman akong kinalaman kung sino man ang espesyal na babaeng yan.

Ibinaling ko nalang ang aking sarili sa desktop na kaharap ko ngayon. Marami pa akong itatype kaya kailangan kong i-concentrate ang aking isip sa ginagawa ko.

Ilang oras ay malapit na akong matapos, nang bigla akong tinawag ni Sir Gabby. Nagulat ako ng nandoon din pala si Kendrei sa loob ng opisina ni Sir Gabby.

Ano kaya ang pag uusapan namin at bakit dalawa kaming pinapunta sa office? May ginawa ba akong mali? Baka kailangan na ang report. Patay 'di ko tapos.

"Hi, Carla at Kendrei. Siguro nagtataka kayo kung bakit ko kayo pinapunta rito. Pinapunta ko kayo rito dahil may kailangan kayong puntahan."

Puntahan? Saan naman?

"Saan naman po sir" tugon ni Kendrei.

"Pupunta kayo sa Davao para dumalo ng seminar." sagot ni Sir Gabby.

Akala ko kung may kasalanan na naman ako o kaya ipapagawa si Sir.

Wow Davao! Hindi pa ako nakakapunta doon. Gusto kong i-grab ang opportunity. Sasama ako pero bakit ako ang napili?

"Sir, Bakit po kami ang pupunta?" tanong ko

"Dahil kayong dalawa ang may alam sa mga ginagawa sa site." napangiti si Sir Gabby.

Napatango na lamang at si Kendrei.

"Sir, kailan naman po ang seminar?" tanong ni Kendrei.

"Next week. Friday to Sunday. May time pa kayong makapagprepare." sagot ni Sir.

Lumabas na kami sa office ni Sir Gabby. Tiningnan ko si Kendrei. At nakangisi itong lumabas. At halos 'di ko rin maipaliwanag ang aking nararamdaman sa tuwa dahil first time kung makapunta sa Davao. Gustong - gusto kong makapunta ng Davao. At hindi ko rin ini-expect na ako ang makakasama sa seminar.

To be continued...

Blessing In DisguiseWhere stories live. Discover now