Chapter 7

56 35 18
                                    

Dalawang taon na ang nakalipas at ako na ay tutuntong sa entablado para tanggapin ang diploma na pinaghirapan ko ng ilang taon. Napakasaya ko sa araw na ito sa wakas may maipagmamalaki na rin ang magulang ko. May itatawag na sila na engineer. Makakagapos na rin kami sa kahirapan.

Habang nasa entablado ako, laking ngiti ang makikita sa aking mukha. Kinakamayan ko lahat ng naging professor ko at pati na rin ang presidente ng university. Di maalis sa aking mukha ang kaligayahang nararamdaman ko.

Natapos na rin ang aming graduation at nagsilabasan na kami. Sinalubungan ako ng aking mga closest friend ko sa college. Binigyan nila ako ng mga bulaklak.

Isang namumukadkad na sunflower. Ang paborito kong bulaklak. Di nila nakakalimutan ang sinabi ko sa kanila. Napakasweet naman nilang kaibigan.

"Congrats, Carla!" masayang bati ni Shelly

"Congrats sayo gurl, nakagraduate ka na" sabay abot sa akin ng bulaklak ni Francine.

Pumunta na kami sa isang restaurant kasama ang aking magulang at kaklase. Doon kami nagkwentuhan at nagkumustahan habang kumakain.

"Kumusta ka na Shelly? Saan ka na pala nagtratrabaho?" tanong ko sa kanya.

"Ah sa isang Steel Company ako nagtatrabaho." ngiting sagot ni Shelly.

"Ikaw naman Francine, saan ka nagtatrabaho ngayon?" ulit kong tanong.

"Naghihintay pa ako ng tatanggap sa akin." sambit ni Francine.

"Okay lang yan. Dadarating din na magkakatrabaho ka na. At least engineer ka na." pagpapanatag ko sa kanya.

"Oo, darating din yan. At darating din na magiging engineer ka na."

"Yeah, speaking of that. Saan ka magrereview?" seryosong tanong ni Shelly.

"Di ko pa alam kung sa Baguio o Manila." tugon ko sa kanila.

"Nag-seself study na ako noong nagpapahinga ako sa bahay." sambit ko.

"That's good. Narerefresh mo pa mga pinag aralan noon." aniya ni Francine.

Pagkatapos ng aming group dinner ay umuwi na kami sa boarding house para magpahinga. At kami ay uuwi na bukas sa La Union.

Ako'y naghihintay sa aking kapalaran. Naghihintay sa walang kasiguraduhan na bukas. Nagbabakasakaling maibabalik pa ang kahapon ngunit ito ako ngayon hinaharap ang kasalukuyan.

Ilang buwan na ang nakalipas at napagpasyahan namin na ako'y papasok sa review center para magreview. Kailangan ko ito upang makapaghanda sa board exam. Napagpasyahan din na sa Baguio ako magrereview dahil doon din ang aking mga kaklase.

Hindi ko aakalain babalik ako rito sa Baguio. Dito kung saan ako sumaya at nakatagpo ng iba't ibang klase ng tao. Kung saan nahanap ko ang aking sarili ngunit para bang may kulang. May hinahanap-hanap pa rin.

Napatigil ako sa aking pag iisip ng paparating na ako sa review center. Doon ko napagtanto na kailangan kung pumasa sa Board Exam. At magseryoso sa aking paghahanda dahil para ito sa aking kinabukasan.

Araw araw akong nagrereview. Pagdating ko sa bahay galing review center ay magpapahinga at kakain. Pagkatapos noon balik na ako sa pagrereview. Ito ang naging routine ko sa ilang buwan kung paghihirap. Tiniis ko ang pagpupuyat ko. Tiniis ko ang hindi ko pagsama sa paggala ng aking kaklase pero worth it ang lahat. Nandito na ako ngayon sa PRC at mag-ooath taking na kami. Isa na akong electrical engineer. Isa na akong license engineer. Di ako makapaniwala. Nagpapasalamat ako sa Diyos at ako'y nakapasa at tinulungan.

****

Nag aayos sa aking sarili. Naghahanda sa unang pasok ng aking trabaho. Maaga akong gumising para di ma-late sa trabaho. Im so excited dahil makakapagtrabaho na rin ako sa wakas.

Nakarating na ako sa workplace namin. Nagtatrabaho ako ngayon sa isang Telecommunication company. Though hindi ito ang gusto kong kompanya, di ko alam bakit dito ako nakapasok.

"Good morning, maam" pagbati ko sa katrabaho sabay ngiti sa kanya.

"Good morning din" ngiying sabi niya.

Nilingon ko ang paligid dadalawa lamang kami rito sa office. Wala pa ang aming boss sa office. Umupo muna ako sa gilid upang magpahinga dahil sa sobrang layo ng biyahe.

Ilang makalipas pa ay dumating na ang aming boss. Ipinakilala ako sa mga katrabaho ko.

"Good morning everyone. This is Carla Estrella, a new employer. Please welcome her." sabi ni Sir Gabby.

Pinalakpakan nila ako at nginitian.

"Thank you" yan lamang ang nasabi ko sabay kaway sa kanila.

"Before that, come with me Carla. Ituturo ko sa'yo 'yong table mo." sabi ni Sir Gabby.

Sinundan ko si Sir Gabby nang makita ko si Kendrei sa harapan ng mga table na nakatayo. Nagulat ako dahil di ko inaasahan nandito rin siya magtatrabaho.

"This is your table. And by the way, si Kendrei ang mag-totour guide sa'yo dito sa company." sambit ni Sir Gabby.

"Okay po Sir. Thank you po, Sir." sagot ko sa kanya.

Nang makaalis na si Sir Gabby, agad naman tumayo si Kendrei para ilibot ako sa kompanya.

"Tara na, marami pa tayong pupuntahan" yaya ni Kendrei.

Ngumiti ako at sumunod sa kanya.

Ipinakilala niya ako sa mga empleyado sa iba't ibang departamento.

"Di ko aakalain na nandito ka nagtatrabaho. Mga ilang taon ka na rito?" tanong ko sa kanya.

"Mga isang taon na ako rito. Nakakatuwa nga dito ka rin pala magtratrabaho." ngiting sagot niya sa akin.

"Oo nga, di ko alam bakit dito ako napadpad sa dinami rami kong inapplyan. Dito ako tinanggap." natawang sabi ko.

"Don't you notice, sometimes we're link together." seryosong sinabi ni Kendrei.

"Huh?" Napakunot noo ako. Di ko alam pinagsasabi ng lalaking ito.

"Wala. Nevermind. Tara na sa site kung saan ka nakaassign." ani niya.

Tumango na lamang ako at sinundan siya.

Pagdating namin ay doon niya pinaliwanag kung anong gagawin. Di ko pa rin maiwasan humanga sa kanyang kagalingan. Ang galing talaga niyang magsalita.

Hanggang sa bigla niya akong tinapik.

"Oy, naiintindihan mo ba sinasabi ko. Nakatulala ka na lang eh" sambit niya.

"Oo naman." 'yan lang ang nasabi ko para di niya mahalata na 'di na ako nakikinig.

At nang matapos ang paglilibot namin bigla siyang humarap sa akin.

"That's all. How was it?" ang tanong niya.

"Uhm, it's good. Masaya pala rito." ang sagot ko sa kanya.

"Oo, sasaya ka pa kapag nagtagal ka rito. Sana magtagal ka rito tulad ko." payo niya sa akin.

Bumalik na kami sa office namin at nagreport siya kay Sir Gabby. Wala pa naman akong ginagawa ngayon sa first day ko. Observation lang muna raw ako sabi ni Sir Gabby.

Natapos na rin ang araw at makakauwi na ako. Kahit wala akong ginawa, napagod din ako kakaikot sa kompanya.

"Bye, Sir Kendrei." sabi ko sa kanya habang siya ay busy nagtatype ng kanyang report. At kumaway lamang siya senyales na narinig niya ang aking paalam.

To be continued...

Blessing In DisguiseWhere stories live. Discover now