Chapter 5

82 44 38
                                    

May biglang nagtext sa aking phone

Carla, we need raw materials for our reseach next week.

Text ng aming leader na si Steven.

Oo nga pala di pa pala tapos ang hell week. May aasikasuhin pa kaming research. 5th year student ako ng engineering kaya halos di ako magkadaugaga sa mga dami ng requirements at activities ko.

Napagkasunduan ng aming group na kumuha ng raw materials na oyster shell sa amin para mabawasan ang mga basura sa aming lugar. Di ko narin maalala kung bakit yan ang napili namin sa dinarami ng raw materials na pwede angkatin dito sa Baguio, yan pa ang napili. Kaya iyon ako palagi ang kumukuha ng raw materials namin para sa research namin.

Napakaraming steps para gawin ang aming research. Tulad na lang ng pagkukumpuni ng oyster shell tapos didikdikin namin ito ng pinong pino. Nasira na kasi yung ball miller ng ibang department kaya mano-mano naming gagawin ito.

Hay naku! Tama na nga ang pag iisip sa research. Ayaw ko pang maistress kakaisip ng research katatapos lang ng exam namin tapos research na naman ang sssalubong sa akin. Di ba pwedeng chill muna tayo. Gusto ko munang mag stress eating. Saan ba ako tatambay nito? Ah doon nalang sa may corndog. Masarap corndog nila ate doon malapit sa palengke.

Naglakad ako patungo sa main gate. Nang makasalubong ko si Kendrei.

"Kendrei, wala ka na exam?" tanong ko sa kanya.

"Uhm, oo bakit?" napakunot noo siya.

"Gusto mo bang sumama?" yaya ko.

"Saan naman" ngiwi niyang tanong.

"Doon sa may palengke" sagot ko.

"Ha, mamalengke tayo?" napakunot noo na naman siya.

"Hindi, doon tayo kakain ng corndog" tawa ko sabay hampas ng kamay sa kanya.

"Di mo naman sinabi agad eh. Sige ba! Tara naa!" ngiting sabi niya.

Naglakad kami patungo sa may bilihan ng corndog. Nakita na namin na maraming estudyante ang bumibili rito. Pumila kami sa mga bumibili. Habang naghihintay kami bigla siyang lumingon.

"Kamusta ang exam?" tanong niya.

"Ayos naman maliban doon sa major subject natin na magkaklase tayo haha" napangiwi ako sa kanya.

"Yun ba. Buti nalang pinakopya kita. Kung hindi one digit na naman score mo." birong sabi niya.

"Oo na. Nakakahiya naman grade ko sayo. Dean's lister kasi eh." naiinis kong sinabi.

"Uuwi ka ba sa inyo? since walang pasok sa Lunes. Mahaba haba rin 'yong bakasyon" seryosong tingin niya sa akin.

Oo nga pala people power anniversary pala sa lunes. Di ko alam na walang pasok sa Lunes. Kaya pala ako pinapauwi ni leader eh.

"Ah oo. Pinapauwi nga ako ni Steven para kumuha ng raw materials namin sa research? Ikaw uuwi ka ba?" aniya ko.

"Hindi kasi aasikasuhin din namin yong research namin." napangiti siya.

Blessing In DisguiseWhere stories live. Discover now