Chapter 11

61 11 3
                                    

Kinabukasan nakarating na kami sa Davao. Sa wakas, makakatungtong na rin ako rito. Sariwa ang hangin. Totoo ngang isa ito sa pinakamalinis na bayan sa bansa.

Nakasakay na kami ni Kendrei sa taxi para tumungo sa hotel malapit sa venue ng conference.

Nakarating na kami sa hotel na tutuluyan namin.

"Tara na, dalhin ko na ang gamit mo." sabay kuha ng gamit ko ni Kendrei.

"Salamat." tugon ko.

"Magkahiwalay ba tayo ng kwarto, 'di ba?" sambit ko.

"Oo naman. Bakit gusto mo bang magkasama tayo? Pwede naman." nakangising sagot nito.

"Yuck!" bulaslas ko.

"Oy, ano na naman pinag iisip mo. Magsasama lang naman eh.  Anong pinandidirihan mo doon." natatawang tugon ni Kendrei.

"Wala. Nevermind." mahinang sabi ko.

Tumungo na kami sa lobby para kumuha ng aming susi sa kwarto. Tig-isa kaming kwarto ni Kendrei at magkatabi pa ang nakuha namin.

Ilang oras nalang at mag uumpisa na ang conference o seminar. Mga 8-9 am ang registration. Gusto ko sanang mamasyal kaso ayaw ni Kendrei.

Napaka-KJ naman ng kumag na 'to. 'Di lang 'yon. Napakaseryoso pa. Kaya wala siyang girlfriend, subsob sa trabaho.

Dumiretso na kami sa venue ng conference. Napakalaking gusali naman nito. Marami na rin ang mga taong naglalakad at nagpi-picture sa kanilang phone.

"Kendrei, halika rito. Bilisan mo." tawag ko.

"Bakit? Tapos ka na bang nag-register?" sabi niya.

"Oo, kunan mo nga ako ng picture dito para may pang-instagram ako." ngiting utos ko.

Mukhang napilitan ata si Kendrei.
"Sige akin na ang phone mo."

Binigay ko ang aking phone at nag-pose ng kaunti. Sanay na ako kay Kendrei. 'Di na siya iba sa akin. Kaya minsan na lang ako nahihiya sa kagaguhang ginagawa ko.

Tiningnan ko ang picture. Infairness, magaling siyang kumuha ng picture. Pang boyfriend material talaga o kaya photographer siya.

"Kendrei, tara selfie. Halika rito."

Bigla siyang napangiti, at 'di ko maintindihan kung bakit 'di siya mapakali habang lumalapit sa akin.

Mamaya ko na post sa my day ko. Baka makita pa ni Sir Gabby na 'di kami nakikinig sa conference at nagse-selfie lang dito.

Nag-umpisa na ang program. Masaya ang paunang performance nila. Nagsalita na rin ang president ng organization.

Sumunod ng nagsalita ay ang first speaker sa theme na Conquering Problems in site and field as an Engineer.

Lahat ay seryosong nagte-take down notes sa mga sinasabi ng speaker pati rin ako. Pagkatapos ng first speaker ay hinanda ang mikropono para sa ask and question portion.

Biglang tumayo si Kendrei. At pumunta sa harap.

Hay naku, itong si Kendrei talaga pabida. Well, wala akong magagawa. That's what he is. Very competitive noon pang college kami.

Natapos na kami sa first day ng conference at hapon na rin natapos. Hindi na kaya ng aking katawan na lumabas at mamasyal kaya dumiretso nalang kami ni Kendrei sa hotel. Doon na rin kami kumain. Maaga akong natulog dahil na rin sa kapaguran.

Pangalawang araw na ng conference. At maaga akong nagising parang body clock ko na ito. 'Di ko na kailangang mag-alarm para magising ng maaga. Naligo ako at sinuot ang kulay green na blouse at high waist pants. Bumaba na rin ako sa kwarto para kumain. Laking gulat ko dahil nandoon na rin si Kendrei na nakaupo at nagkakape.

Blessing In DisguiseWhere stories live. Discover now