Chapter 4

91 50 88
                                    

"Halaaaaaaaaaa!!"
"30 minutes nalang exam na namin!" nagulat sa nakitang oras at tumayo na sa higaan.

Dali dali akong naligo at nag-ayos ng aking gamit. At siyempre 'di ko laging kinakalimutan ang aking mahiwagang calculator. Umalis ako nang hindi nagpapaalam sa aking boardmate.

Sumakay agad ako sa nakita kong jeep. Natatarantang nilabas ang index card at saka bumubulong sa hangin ng mga formula na nailapat doon.

10 minutes nalang ay nakarating na ako sa aming assigned room. Lumingon ako sa buong klase kung may bakanteng upuan. At may biglang kumaway sa bandang dulo. Ha! Si Kendrei lang pala.

Agad agad akong pumunta sa pwesto niya. May upuan na pala ako. Di ko inaasahan iyon. Akala ko maghahanap na naman ako ng upuan sa kabilang room.

"Hi Kendrei! Salamat nireserbahan mo ako ng upuan." wika ko.

"Oo, naman. Ikaw pa. Malakas ka sa akin nuh" pabirong sabi niya sabay alis ng kanyang bag sa uupuan ko.

"Kamusta pala? Nakareview ka ba ng mabuti kahapon?" tanong niya sa akin.

"Hay nako di ako nakatulog kagabi." tugon ko sa kanya.

"Nagreview ka siguro ng mabuti noh?" sambit niya.

"Hindi eh. Di ako nakatulog kasi... Di ba naalala mo yong ka-date ko noong 14?" nauutal na sabi ko.

"Oo, bakit?" napakunot noo na lamang siya.

"Nagtext siya sa akin, kung may bakante raw ako. Sabi ko meron kaso walang susi. Ang malas ko nga eh. Tapos di na ako makapagfocus sa mga nirereview ko at di rin makatulog." ngiti kong sinabi sa kanya.

"Haha malas nga niya" pabulong niya.

"Ha, ano yun?" nalilitong tanong ko.

"Wala, sabi ko mag ayos na tayo malapit nang mag-exam." sambit niya habang nag aayos ng kanyang gamit.

At tinago ko na rin ang aking mga review sa bag at saka inilabas ang bond paper at calculator.

Dumating na ang tagabantay ng aming exam. At nagbigay siya ng instructions kung anong gagawin namin bago, habang, pagkatapos namin mag-exam. Inilagay muna namin ang bag namin sa harapan ng room.

Saka ipinasa na ang questionnaire.

Kinakabahan na ako. Kaunti lang ang namemorya kong formula. At saka di ko rin gamay ang ibang problem solving. Nakalimutan ko na rin ang mga objective part. Paano na yan. Ano ang maiisasagot ko.

Nasa isang oras na at seryosong nakayuko lahat ng aking kaklase. Pawang tunog ng calculator at kaluskos ng ballpen sa papel amg tanging maririnig mo. Wala pa sa kalahati ang aking nasasagutan. At blanko rin ang parte ng problem solving. Lumingon lingon ako sa mga katabi ng biglang lumingon din si Kendrei.

Nagulat siya sa nakita niya.

"Wala ka pang sagot?" pabulong na tanong niya.

Tumango lang ako.

Pasimple niyang inilapit ang kanyang papel para makita ko ang kanyang sagot. Umiling ako ngunit mukhang nagalit siya. Wala na akong magagawa. Kinopya ko na lamang ang kanyang sagot. Alam kong mali ngunit dahil sa kagustuhang kong pumasa ginawa ko na lamang ito.

Marami na siyang sagot dahil siya ay kasama sa Dean's Lister. Matalino siya ngunit mapagkumbaba. Di halata sa kanya na matalino. Di siya active sa mga organisasyon at sa klase. Tahimik lang siya pero makikita sa written works niya kung gaano siya kagaling.

Natapos na nga ang aming examination. Nauna na sa labas si Kendrei dahil kanina pa siya natapos sa sumagot. At ako ang pinakahuling sumagot. Dahil hirap na hirap akong alalahanin ang identification part. Pinapakopya ako kanina ni Kendrei ngunit di ko na siya nilingon dahil baka mahuli na ako ng aming proctor.

Lumabas na ako sa aming room. At hinanap ko si Kendrei. Nandoon nakangising lumalapit sa akin.

"Uy, salamat pala kanina ha!" pabulong ko sa kanya.

" Wala yon. Naawa ako sa yo eh haha" Natatawang sagot niya.

"Nangloloko ka ba sa akin. Bakit ka tumatawa." siniko ko siya sa braso.

"Aray hindi ah. Sige na alis na ako magrereview pa ako sa next exam ko. Ikaw may exam ka pa?"

"Oo, meron. Sige Goodluck sa exam mo. Galingan mo " sagot ko sa kanya.

"Oo, ako pa. Ikaw galingan mo since di ka nakareview kagabi magreview ka ng maayos ngayon" seryosong sinabi niya.

Umalis na siya. At nagtungo naman ako sa library. Doon ako nagpalipas oras at nagreview.

Last day na, at natapos na rin ang aking exam. Makakagala na rin ako sa wakas. Ay hindi pwede na pala akong makipagdate. Nang biglang nagvibrate ang aking phone.

Uy may nagtext.....

To be continued.....

Blessing In DisguiseWhere stories live. Discover now