ONE

37 6 0
                                    

Stage . . . .

Audiences . . .

Ballerina Shoes . . .

Damit na parang kay Barbie . . .

Musika . . . . .

Yun ang mga bagay na kinasanayan ni Eun (Yoon) . Bata pa lang siya ay sinanay na siya sa ganong bagay kaya hindi na nakapagtataka kung bakit isa sya sa kinahahangaan ng maraming tao pagdating sa Ballet.

Lumalaban siya sa iba't-ibang paligsahan, dito sa Pilipinas at pati na rin sa ibang bansa. Actually, naging bida na siya sa isang broadway sa New York.

Masasabi nating mabait si Eun kaya siguro pati ang mga nakakatrabaho niya ay nakukuha niya ang loob. Dagdag na natin yung pagiging maganda niya. Pero Sorry na lang sila dahil Loyal yata to. Haha. Nasasabi na lang niya sa sarili.

Kasalukuyan siyang nagtatanghal. Ipinagbuti niya ang kanyang performance.

Ikot-ikot . . .

Very Smooth ang kanyang pag-kilos. .

Ikot-ikot . . .

May puso ang bawat galaw niya. . .

At higit sa lahat ay nag-e-enjoy siya sa ginagawa niya . . . .

Nag-bow siya bilang pagtatapos.  Nagpalakpakan ang mga nanonood. Makikita sa mga mukha ng audience na nagustuhan nila ang kanyang concert.  Nakangiti siyang kumaway sa mga audience at kinuha ang mic na inabot sa kanya ng isa sa mga organizer ng concert niya.

Ngayon niya na balak sabihin ang mga bagay na dapat ng ikumpirma.

Deja VuWhere stories live. Discover now