Eun's POV
Kinabukasan matapos ang kasal namin ay agad kaming nag-handa ng aming dadalhin para sa aming honeymoon. Sa Palawan namin balak mag-punta. Ang totoo ay isa yun sa pangarap kong lugar na mapuntahan. Hindi lang namin napuntahan nung magkasintahan pa kami sa kadahilanang busy kami pareho sa trabaho.
Hinatid kami ng mga magulang ko sa airport. Alas-dos ng hapon ang byahe namin papuntang palawan kaya dapat 2hrs before ay nasa airport na kami naghihintay.
Mahigit isang oras lang ang naging byahe namin papuntang El Nido Palawan. Nang makarating dun ay agad kaming nagpunta sa resort na tutuluyan namin.
Nang maibaba na namin ang aming gamit at nakapagpahinga saglit ay naisipan naming maglakad-lakad sa labas habang may konting liwanag pa.
Kumaen kami at nag-kwentuhan habang nag-ga-gala. May iilang tao ang nakilala ako at nagpapa-picture saken. Hindi naman sila nakaka-istorbo at kaunti lang naman sila.
Nang mejo padilim na ay bumalik na kami sa resort. Napaka-ganda sa lugar na ito. Excited na kong gumala sa mga susunod na araw.
Habang nag-papahinga ako sa loob ng kwarto namin, biglang nag-paalam ang asawa ko . May kakausapin lang daw siya na kakilala niya at saktong andun din daw sa El Nido. Hindi naman na ko tumanggi, andito lang ako sa terrace ng room namin. Maganda ang view dito dahil nakikita mo ang dagat.
Mabuti na lang at hindi pa ganon kalaki ang tummy ko kaya naman naka-byahe pa kami papunta dito sa Palawan.
Actually, hindi pa namin nababanggit sa mga magulang namin na buntis na ako. Balak namin ipaalam pagbalik namin sa Maynila. Pero mukhang nararamdaman na nila Mom at Dad gawa ng ang dami kong cravings nung mga araw na hindi kami nagkikita ni Yul bago ang kasal .
Grabe! Nakaka-fresh dito! May bench pala dito sa terrace na pwedeng higaan, para niya akong hinihila kaya naman nahiga ako dun. Hanggang sa naramdaman ko na lang na unti-unting bumibigat ang aking mga talukap.
Naalimpungatan ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa kabilang kwarto. May party ata dun, dahil nasa terrace ako ay narinig ko ang ingay ng musika na tugtog nila. Naka-idlip pala ako dito.
Kaya naman pumasok na ako sa loob ng kwarto namin at ni-lock na ang terrace dahil pababa na ang araw.
Ngunit napansin kong wala pa ang asawa ko sa loob, parang napaka-tagal naman ata nung lalaking yun . Mag-iisang oras na siyang hindi pa bumabalik, ang tagal ko rin pa lang naka-idlip.
Nagulat na lang ako nung may mag-doorbell. Nagmadali akong buksan yun sa kadahilanang akala ko ay si Yul na. Pero nagtaka din ako kase bakit pa siya mag-do-doorbell kung may card naman siya para makapasok.
Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako sa isang lalaki na sa tingin ko ay tauhan sa resort na yun dahil sa kanyang uniporme. Parang nasa edad 20+ pa lang ito.
"Good Evening Mrs. Anderson. Pinapa-abot po ito ni Mr. Anderson" ani ng lalaki at inabot ang maliit na sulat .
* * * * * * *
Maganda ka sa gabi Mrs. Anderson, kung iyong mamarapatin ay nais kong sumunod ka sa lalaking iyong nasa harapan. Ituturo nito sayo ang susi sa iyong kaligayan. Pag nasa reception na kayo ay lalagyan ka niya ng piring sa iyong mata at sana ay wag kang mag-alala. Makikita mo rin ako aking mahal.
Nagmamahal ang iyong asawa,
Mr. Anderson ♥
* * * * * * *
Napa-kunot noo na lang ako .
Ang daming arte ng asawa kong ito. Kinuha ko lang ang cellphone ko at nagsuot ng jacket dahil mukhang malamig na sa labas.
Sumunod ako kay Kuya mong boy, na ang pangalan pala ay Ken, Yun kasi ang nakalagay sa uniporme niya. Pagkarating nga namin sa reception ay nagpaalam ang lalaki na pipiringan na ko, hindi naman na ko tumanggi. Iginayak niya ako sa kung saan, naramdaman ko na lang sa tinatapakan ko ay ma-lupa na.
Hindi naman ganon katagal ang inilakad namin. Naramdaman ko na lang na huminto na kami.
Nagulat ako ng may narinig pa kong pamilyar na boses. Boses yun ng lalaking pinakamamahal ko, na asawa ko na ngayon.
"Mawalang galang na Binibina, maari mo ng tanggalin ang iyong piring sa mata"
Natawa naman ako sa inasta ng asawa ko. Masyadong pormal .
Tinanggal ko ang piring sa mata ko at nagulat ako sa aking nakita.
A Private Dinner by the pool.
May lamesang hugis parisukat. May magkatapat na upuan. May kandila sa lamesa at may mga pagkaing naka-handa doon. May mga ilaw din sa paligid nito. Masasabi kong napaka-romantic ng lugar na iyon, idagdag pa natin ang lalaking nasa harap ko ngayon. Napaka-swerte ko sa asawa ko .
Inalalayan niya akong umupo pagkatapos ay umupo na rin siya sa kabila.
"Kaya pala napaka-tagal mong nawala ah. Kunwari ka pang may kakausapin." sabi ko .
"Syempre, honeymoon natin to eh. Dapat memorable"
"Salamat Mahal ko "
"No! Thank you! Kase mula ng dumating ka sa buhay ko, nagkaroon na ng kulay ito. Mahal na mahal kita Mrs. Eun Anderson" sabi nito at hinawakan ang kamay ko sa ibabaw ng lamesa.
"Mas mahal na mahal kita Mr. Yul Anderson" ganti ko sa kanya at nginitian siya.
Tumayo ito sa upuan niya at payukong tumungo saken at dinampian ng halik ang labi ko. Nagwala naman ang mga laman-loob ko haha. Ganito ang epekto saken ni Yul hanggang ngayon kahit na kasal na kami.
Nagsimula na kaming kumaen at inenjoy ang mga sandaling iyon. Nagulat pa ko at may pa-violin ang asawa ko, niyaya pa niya akong mag-sayaw sa ilalim ng napakagandang buwan at mga bituin.
Indeed, one of the best days of my life together with my loving husband. He never fails to amaze me in his own little ways everyday.
YOU ARE READING
Deja Vu
FantasyWhen given the chance, can a woman get the same man to fall in love with her all over again?