EIGHT

11 3 0
                                    

Eun's POV

Mabilis na lumipas ang araw at ngayon ay huling araw na namin dito sa Palawan. Napaka-dami naming napuntahan at nagawa ng mga nakaraang araw . Islang hopping, visit some caves, jungles and other places and ofcourse food devouring. The last one was my fave thou. 

Sadly, we didn't do wreck diving and scuba diving. Alam niyo na, buntis na ang ate niyo. Ayaw naman ako iwanan ng asawa ko kaya pati tuloy siya hindi na rin sinubukan.

Today, we're going to tour in Puerto Princesa City. Kasama namin si Ken, if you remember him, siya yung sumundo saken sa hotel room namin nung my pa-dinner by the beach ang aking asawa. Day-off nito ngayon kaya naman ay maipapasyal niya daw kami ngayon. 

Iba din talaga ang Attorney ko, ang daming nauuto ng bibig. Biruin mong sa kaunting oras na yun eh naging magkaibigan na sila ni Ken.

May sasakyan na nakuha si Ken para sa paglilibot namin today. Ni-rentahan na lang namin yun.

It was a comfy tour, so many historical sites and places to visit. Hinding-hindi kayo magsisisi pag nagpunta kayo dito. Kapag nagutom ay pwedeng mag-stop by sa mga food stores or restaurants na nadadaanan namin. And also shopping! Bumili kami ng mga souvenirs and pasalubongs since it was our last day here.

Malapit ng lumubog ang araw ng makabalik kami sa hotel. Napagkasunduan kase namin ni Yul na dito namin papanoorin ang paglubog ng araw. Tapos mag-iikot ikot na lang kami dito sa paligid dahil may mga stalls rin naman dito na pwedeng pagbilhan ng kung anu-ano.

Makikita sa terrace ng hotel room namin ang sunset kaya naman andito lang kaming dalawa. Nakayakap sa likod ko ang aking asawa habang sabay naming pinapanood ang paglubog ng araw. It was so romantic, the place, the event, and also the person I'm with.

"I love you wife"

Rinig kong sabi niya kaya napangiti ako at humarap sa kanya.

"I love you hubby"

And then, he kiss me, with so much love. I FELT THAT.

Kissing under the sunset was so perfect.

Nang maghiwalay ang mga labi namin ay lumuhod siya at hinalikan din ang aking tummy. Nakangiti siyang tumayo at humarap ulit saken at niyakap ulit ako patalikod. Magka-hawak ang kamay namin sa ibabaw ng tummy ko.

"Pagbalik natin dito, kasama na natin si baby" sabi nito habang ang ulo nito ay nakapatong sa kanang balikat niya. Tumango ako bilang pag-sang-ayon

"Excited na kong makita siya" sabi ko

"Me too."


Yul's POV

"Excited na kong makita siya" sabi ng asawa ko

"Me too." sagot ko

Napapatitig na lang talaga ako sa babaeng kayakap ko ngayon. I can't believe na asawa ko na ito. Eto ang mukhang masisilayan ko pag-gising ko sa umaga at bago matulog sa gabi. Hinding-hindi ako magsasawa.

And just like that, natapos ang honeymoon namin. Hindi nila alam na nauna na ang honeymoon namin kaya nga nakabuo na eh . Iba talaga ang kamandag ko . Wengya! Hindi naman na siguro sila magagalit kase kasal naman na kami ni Eun .

Maaga kami nagpahinga ng last day namin sa Palawan gawa ng maaga rin ang flight namin pabalik sa Maynila. 

Alam kong namimiss na ako ng trabaho ko, pwes ako hindi ko siya namiss. Ka-stress!

Ang kapatid ko naman ang susundo samen ng asawa ko. Ginulo ko talaga siya para sunduin kami sa airport. Takot lang niyang tumanggi, sirain ko PS5 niya sa bahay eh. 

Nakita ko na ang baliw kong kapatid, may hawak pang bond paper na may nakasulat na 'Welcome back to the PH' ang gago. Narinig kong natawa ang maganda kong asawa saka nagsalita.

"Para naman tayong galing ibang bansa"

"Gag* talaga! Hindi natin kilala yan wife"

"Language Hubby" pinandilatan niya pa ako pero natawa din naman siya.

Nang makalapit kami sa kapatid ko, ay agad kong kinuha yung hawak niyang papel. Natatawa pa itong tinanggal ang shades niya. Nag-shades pa nga! Ang tindi. Alam kong matindi ang sikat ng araw sa labas pero apaka-OA naman ang shades nito. 

May kinuha itong bulaklak sa bag na dala nito, yung bulaklak na sinasabit sa leeg pag may bisitang kapita-pitagang nilalang at nilagay sa leeg ang asawa ko. 

"Hi Ate Eun! Looking good."

"Hi Yuen, salamat sa pagsundo ah"

"No problem Ate"

No problem pa daw, samantalang nung tinawagan ko eh halos ayaw pumayag kung di ko pa tinakot. May hinalungkat ulit ito sa bag niya, ng makita ang hinahanap ay akma niyang ilalagay sa leeg ko yun pero napatigil ako ng makita kung ano yun.

"Sampaguita? Ano ako santo?" Reklamo ko

Nagtawanan naman ang dalawang kasama ko. Pinagtulungan pa nga ako!

"Ginulo mo kasi ako Kuya, may date dapat ako ngayon eh" sabi ng gago kong kapatid habang nilalagay sa bag na dala niya ng sampaguita. Tinanggal ko na din sa leeg ng misis ko yung bulaklak sabay halik sa labi nito at inabot sa kapatid ko.

"Paki ko? Mag-aral ka ng mabuti wag puro date-date. Sus!" sagot ko

Naglalakad na kami papuntang sasakyan ko. Yun ang pinagamit ko sa kapatid ko para sunduin kami, mang-u-uto na naman kasi ito ng pang-gas kung sasakyan ni Papa ang ipa-gamit ko eh. Nang makasakay, kung anu-ano na namang kalokohang naisip ng kapatid ko.

"Saan ho tayo Ma'am, Sir?" sabi ni Yuen

"Sa langit. Mag-drive ka na nga lang. Parang tanga to eh" 

Pagkatapos kong sabihin yun eh kinurot ako sa tagiliran ni Eun. Wengya! 

"Ang sungit! Daig pa naglilihi. Buntis ka ghorl?" 

Natahimik kami ni Eun sa sinabi ng kapatid ko. 

"Sa bahay na lang muna namin Yuen" sabi ng asawa ko

"Masusunod Madam"

Napangiwi naman ang asawa ko at napataas lang ako ng kilay. Nang makarating sa bahay nila Eun ay agad kaming sinalubong nila Tita at Tito. Dapat pala ay Mom and Dad na ang tawag ko, dahil yun ang tawag sa kanila ni Eun at kasal na rin naman kami ngayon. 

Naghanda lang ng meryenda si Mom at pinagsaluhan namin yun. Sinabi na rin namin sa kanila yung kalagayan ng asawa ko. Mabuti naman at hindi na sila nagalit na naka-buo kami ng hindi pa kasal . Nagulat pa nga ang kapatid ko sa nalaman niya.

"Kaya pala napaka-sungit ni Kuya, naglilihi na pala"

Nagtawanan silang lahat maliban sakin na napataas lang ng kilay habang nilalantakan yung champorado na luto ni Mommy. Sa loob-loob ko pinagmumura ko na ang kapatid ko, apaka-daldal eh.

"Actually, pumasok na yun sa isip ko nung mga araw na hindi kayo nagkikita bago ang kasal. Ang takaw kase ni Eun nun. Kung anu-anong nirerequest na gustong kainin. Ang sakit sa ulo" ani ni Mommy habang tumatawa

"Now you know the feeling. Ganyan ka din naman nung pinagbubuntis mo si Eun" dagdag naman ni Daddy. Pinalo lang siya ni Mom at nagtawanan kami.

Nagdala lang kami ng konting damit ni Eun papunta sa bahay. Doon naman kami mag-di-dinner at baka magpalipas na rin ng gabi.

"Mom, Dad, mauuna na po kami. Sunod na lang po kayo sa bahay ah" paalam ko

"Yes Son." sabi ni Dad sabay tapik sa balikat ko

"Don't be late Dad" nakangusong pahabol ng asawa ko

"Bakit ako? Yung Mommy mo ang mabagal kumilos" nakaturo pa siya sa sarili niya at mahina ang pagkakasabi nung huling salita

"I can hear you Dad" reklamo ni Mom

"See you later" pahabol na paalam ni Mommy samin

Sumakay na ulit kami ng sasakyan at nag-byahe papunta sa bahay. Ang kapatid ko pa rin ang dakilang driver namin. 

Deja VuWhere stories live. Discover now