Eun's POV
Posible nga kayang buntis ako ? Malamang naman babae ako eh. Haha. Pero pwede kayang kay Yul napunta ang dapat paglilihi ko? Kailangan kong makompirma. Para mas sure ay sa OB na ko dederetso at di na ko magP-PT.
Maaga akong nag-ayos at pumunta sa isa sa mga kilala kong OB. Actually, college friend ko siya. Nang makarating ako ay pinaderecho na ko ng tao sa front desk sa office niya. Tambay kaya ako dito. haha.
Dr. Liezel Dela Paz, nakita kong nakalagay sa desk niya pagpasok ko. Umupo na ko. haha.
"Goodmorning Doctor. haha." bati ko.
"Oh Eun! Anong meron at napabisita ang isang tanyag na ballerina? " biro nito saken at tumawa.
"Bakit bawal ? psh." pagsusungit ko
"Sungit! Meron ka ?" sabi nito at tinawanan lang ako
"Haha. Well, eto na nga! Delay kase ako. Baka kase. . yuuuun! Alam mo na!" naiilang na sabi ko. haha. Di ko pa kase sure.
"Oh My! Seryoso? naka-goal na si Yul. Hahaha. Binata na!" pang-aasar ulit nito.Kilala niya kase si Yul, nag-dinner na kami kasama siya at ang asawa niya. Double date?? haha. Siguro. Pero dati pa yun. haha.
Nagsimula ng gumawa ng test si Zel saken. At CONFIRM . . POSITIVE. . .
I'm 7 weeks PREGNANT .
Magiging isang pamilya na talaga kami. Ngayon ko pa nalaman dalawang araw bago ang kasal namin.
Matutuwa kaya siya ?
Kinabahan naman ako dun bigla. Sana naman! Sa lalim ng iniisip ko ay di ko napansin na kinakausap pala ako ni Liezel.
"Friend, tulala ka jan! Anyare? Wag mong sabihing nag-away kayo ni Yul!? Naku kayo talaga, pipili na nga lang kayo ng araw na mag-aaway eh dun pa sa malapit na kayong makasal." may pag-alalang sabi nito.
"Shunga friend syempre Hindi noh! Baliw to! Nga pala, posible ba na naglilihi na ko kahit 7 weeks pa lang?" tanong ko
"Oo naman, anytime naman pwede kang maglihi." sagot niya
"This past few days kase si Yul may morning sickness, sensitive sa mga naamoy niya, masyadong mapili sa pagkaen, yung mga pagkaing kinakaen niya dati ayaw niyang kainin ngayon, weirdo pa ng mga pagkaing gusto niyang kainin, posible bang siya ang naglilihi para sakin?" mahabang sabi ko.
"Well, posible nga yun pero bihira ang ganong case. Haha. swerte niya at isa siya sa mga nakaranas nun. Hahaha. Jk! Pero seryoso na, hindi naman tatagal ang paglilihi niyang yun. Mga 1-2 weeks na ang pinakamatagal na ganong case ang nahawakan ko kaya walang dapat ipag-alala. Magiging ok din si Yul" sagot naman niya.Napahinga naman ako ng maluwag. Atleast alam ko na ang dahilan kung bakit ang weird ng taste ng Mahal ko ngayon. hahaha.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Liezel ay nagpaalam na ko. Napasarap ata ang pag-uusap namin kaya medyo natagalan ako. haha. Bago ako umalis ay humingi muna ako ng naging resulta ng check-up ko.
Kanina pa ko tinetext at tinatawagan ng Mahal ko. Miss na ko agad, mukhang ok naman na siya kaso for sure magyayaya na naman yun ng mga weirdong pagkain.
YOU ARE READING
Deja Vu
FantasyWhen given the chance, can a woman get the same man to fall in love with her all over again?