THREE

18 5 0
                                    

Maagang nag-out si Yul sa kanyang opisina. Isa siya sa mga attorney na in demand at marami ang kumukuha sa kanya dahil na rin sa marami na siyang naipanalong kaso.

Pagkaalis niya sa office ay dali-dali siyang nagpunta sa Concert Hall. Siguradong yari siya pag hindi siya nakaabot sa concert. This past few days pa naman masyadong nagiging moody ang fiancee niya.

Nakaabot naman siya sa last performance ni Eun at naabutan niya din ang pag-aanounce nito sa madla na they want to settle na. Ayaw naman niya patigilin ito sa pagba-ballet ngunit ito ang naging desisyon ng kasintahan niya. Gayunpaman ay masaya naman siya sa naging desisyon nito.

Pagkatapos ng concert ay agad siyang pumunta sa backstage para makausap ang babaeng naging matagumpay ang concert. May dala siyang bulaklak.

"Congratulations Mahal!" malambing na bati niya sa Soon-to-be-Misis niya.

"Salamat Mahal ko! Teka! Baka naman kadadating mo lang at hindi mo talaga napanood kahit ang last performance ko?" mapanuring sabi nito.

"Oy oy! Hindi ah! Kahit pagtanong mo pa! Naabutan ko kaya ang last performance mo. I'm proud of you Mahal ko." sabi ni Yul.

Hinatid na ni Yul ang kanyang future wife sa bahay nito. Kahit naman ikakasal na sila ay nakatira pa rin sila sa bahay ng kani-kanilang pamilya.

Mabilis na lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Isang linggo na lang ay ikakasal na sila Yul at Eun. Ang mga fans ni Eun ay full support pa rin sa kanya kahit hindi na siya nagba-ballet ngayon. Sobra namang naaappreciate yun ni Eun.

Naayos na nila ang lahat para sa kasal nila. Mula sa decoration ng simbahan, sa food tasting, sa reception, sa mga isusuot na damit ng mga abay, lahat-lahat.

Ngunit bago pa man mangyari ang araw ng pag-iisang dibdib nila ay pasama ng pasama ang pakiramdam ni Yul. Nagkakaroon ng morning sickness, palaging nagsusuka,masyadong mapili sa pagkain, ang sensitive ng pang-amoy, ayaw na ayaw niyang kumain ng hotdog eh yun ang favorite niya.

Dinaig niya pa ang naglilihing babae.

Napaisip naman dun si Eun. Ilang buwan na ba siyang delay ? Posible kayang . . . . . . . . .

Deja VuWhere stories live. Discover now