Yul's POV
Ang tagal naman niya umuwi. Kanina pa ko andito sa kanila. Ilang tawag at text na nga ang ginawa ko kaso hindi sinasagot. Saan ba siya nagpunta at di man lang nagpaalam?
Yung babaeng yun talaga.
Di naman ako galit, nagtatampo lang!
Napapansin ko din na ang pagiging weird ko this past few days. Makaamoy lang ako ng isang pagkain, nagke-crave na ko. Ang weird pa ng taste of food ko ngayon.
Katulad ngayon, gusto ko na namang uminom ng chuckie, yung chocolate milk. Samantalang ayaw ko ng ganon dati, ang lakas kase maka-bata. Weird!
Kaya naman naghanap ako ng pwedeng makain habang naghihintay sa aking kasintahang gala, ng may makita akong pwedeng kainin ay sinimulan ko ng lantakan yun habang nanonood dito sa sala.
Umalis sila Tito at Tita dahil may date daw sila. Naol!
Nakarinig ako ng pagpihit ng pinto habang pumapapak ng Milo. Yes! Yun ang nakita ko sa kusina kaya pinapak ko, na hindi ko naman dati ginagawa.
Ano bang nangyayari saken? Haayy Lifeee!
Bumukas ang pinto at niluwa nga nun ang Future Misis ko. Grabe ang ngiti ng babaeng to, kala mo walang ginawang kasalanan eh.
Nakasimangot lang ako. Tumabi siya saken at niyakap ako.
Wala na! Wala na yung tampo ko. Alam talaga nitong babaeng to kung paano ako lambingin.
"Mahal ko, galit ka?. Wag ka na magalit, sobrang importante lang naman nung pinuntahan ko eh" pag-aalo nito sakin.
"San ka ba kase pumunta? Di ka man lang nagsabi? Sana nasamahan kita. Malay ko ba kung tumakas ka na pala kase biglang ayaw muna magpakasal?!?" sabi ko.Totoo yun! Mamaya nagbago na pala bigla ang isip niya.
"Hindi mangyayari yun! Baliw to! Pumunta kasi ako kay Liezel." ngiting-ngiting sabi naman niya.
"Tumambay ka na naman sa office niya?? Hindi ba siya busy?" tanong ko.
"Hindi naman ako tumambay dun. Pasyente niya ko kanina, well syempre kasabay na nun ang chikahan" abot langit na ngiti na naman niya.
"Pasyente? Bakit may masakit ba sayo? Bakit di mo agad sinabi sakin? Saan ha? San yung masa------------------- Teka??!!! OB si Zel diba??" naalala ko bigla.Tumango lang siya habang nakangiti pa din.
"Kung pumunta ka dun bilang pasyente ibig sabihin. . . . . . " unti-unti ng nagiging malinaw ang lahat saken. Ang slow ko naman!
May inabot siya saking papel. Binuksan ko yun at nakita ko ang balitang nagpahinto ng mundo ko. .
"Buntis ka Mahal??" di makapaniwalang sabi ko.
Tumango lamang to. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Halo-halong emosyon eh! Maya-maya naramdaman kong may namumuong kung ano sa tiyan ko at naghahanap ako ng CR.
Napatakbo naman ako sa CR nila at dun naglabas ng sama ng loob. Wengya! Nagsuka kase ako! Di ko napansin na nakasunod pala si Eun saken. Hinahagod niya ang likod ko.
"Pasensya ka na Mahal ah? Konting tiis lang. Sabi kasi ni Zel, baka sayo daw napunta yung paglilihi ko. Pero mawawala din naman daw agad yun." sabi nito.
Napatingin naman ako sa sinabi niya. Seryoso?? Kaya pala ang weird ko. Takte! Ganito pala maglihi. Sakit sa ulo!
Nagbonding na lang kaming dalawa ni Eun ng buong araw. Mula kasi bukas hanggang sa araw ng kasal ay di kami magkikita. Alam mo na, pamahiin diba?
Kaya ko kaya yun ???
Ok lang yan YUL !!!! Kaya mo yun~~~~
Pagkatapos naman ng kasal niyo palaging masarap gumising kasi siya na ang lagi mong makikita.
Can't wait to wake up every mornings with my wife.

YOU ARE READING
Deja Vu
FantasyWhen given the chance, can a woman get the same man to fall in love with her all over again?