NINE

9 3 0
                                    

Eun's POV

The dinner was perfect . The fact that both our families and bestfriends are present. My heart is so full.

Ibinalita na rin namin sa lahat ng naroon na buntis ako at binati naman nila kami ng congratulations .

Mabilis na lumipas ang mga araw at linggo, nakalipat na rin kami sa aming bagong bahay. Hindi naman ako maselan magbuntis at hindi rin masyadong ma-crave ng mga pagkain. Minsan lang kaya naman kapag may gusto akong kainin ay binibigay agad ng asawa ko.

Nung nasa ika-24 weeks na akong nagdadalang-tao ay naisip namin na magpa-ultrasound na. Nung nakahiga pa lang ako at may kung anong pinahid at dinikit sa tiyan ko ay kabado na kami. Hawak ng asawa ko ang kamay ko, nang magpakita na ang baby namin ay grabe ang tuwa naming mag-asawa. Nakita ko pang parang naluha ang asawa ko lalo ng malaman na namin ang gender nito.

It's a baby girl.

Walang mapaglagyan ang saya namin ng mga oras na yun. Kaya naman ay pagka-alis namin sa clinic ng OB slash kaibigan kong si Dr. Liezel Dela Paz ay dumiretso agad kami sa pamilya namin para ibalita ang nalaman namin. Nakikita ko naman na masayang-masaya rin ang mga ito.

Everything is so perfect and it scares me. 

Hindi ko alam kung bakit pero may bagay na nagbibigay sa akin ng kaba o baka hormones ko lang 'to dahil sa pagbubuntis.

Isang araw ay nagkaroon ng get together ang mga kaibigan ni Yul na naging kaibigan ko na rin. Hindi pa nga sana pupunta si Yul.

"Pumunta na tayo Mahal" pagpilit ko dito dahil minsan na lang magkita silang magkakaibigan mula ng ikasal sila.

"Pero bawal kang mapuyat"

"Ganito na lang, uuwi din tayo agad. Maaga naman ang usapan niyo eh"

Wala na itong nagawa sa pagpapa-cute ko. Kahit naman 6 months na ang tiyan ko ay mukhang wala naman masyadong nagbago sa akin, maliban sa nagkalaman talaga ako pero sakto pa rin naman daw 'yon sabi ng Dr. Liezel . Sabi nga ng iba ay blooming pa rin daw ako kahit buntis na. May kasabihan nga na ganito daw talaga pag babae ang dinadala.

Mukhang nakuntento naman ito sa sinabi ko saka ito nagbihis. Pati ako gumayak na rin, naka-dress lang ako ng hindi naman fitted sa akin, kulay yellow ang pangtaas nito na lalagpas sa siko ko at kulay white naman sa ibaba na palda. Nakita ko naman ang asawa ko na naka-blue sweater at cargo pants. 

Ang pogi talaga nito. Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako dito.

Maayos naman kaming nakarating sa paroroonan. Nakita ko na masaya naman ang asawa ko na nakapunta siya. Siguro nga ay pinipigilan niya lang ang sarili niyang 'wag umalis kanina dahil sa akin. Mabuti naman ay napilit ko itong magpunta.

Nag-iinuman lang sila maliban sa asawa ko na tanging juice ang hawak samantalang kaming mga asawa at girlfriends nito ay nag-uusap lang din ng kung anu-ano tungkol sa mga asawa at kapareha namin.

"So kamusta naman ang buhay mag-asawa?" tanong ng bestfriend kong si Vhel na girlfriend ng isa sa kaibigan ng asawa ko.

"So far so good. Ganon pa rin naman kami at nakakatuwang walang nagbago kahit na mag-asawa na kami ngayon" nakangiting sagot ko

"Ayy nakuu! Medyo bago pa din kasi kayo pero pag naka-isang taon na kayo niyan jusko sakit na sa ulo tulad niyang asawa ko" nakakunot noong sabi ni Liezel na OB ko. Kaibigan ko siya ngayon at hindi Doctor. haha.

Nagtawanan naman kaming mga babae ng marinig naming mag-react sa kabilang table ang asawa nito.

Nang mapansin ko ang oras ay napatingin ako agad sa asawa ko na nakatingin din pala sa akin. Saka nag-yaya ng umuwi, naintindihan naman ito ng mga kaibigan namin dahil nga ay buntis ako pero bumawi daw kami nito kapag nakapanganak na ako na sinang-ayunan naman ng asawa ko.

Hindi uminom ang asawa ko dahil alam nitong mag-da-drive na ikinasaya naman ng puso ko. Alam talaga ng ng asawa ko ang responsibilidad niya kaya naman ay mahal na mahal ko 'to.

Bago kami sumakay ng sasakyan ay hinalikan ko muna ito sa labi na ikinagulat naman nito saka ako niyakap ng mahigpit.

"Okay lang kahit nakawan mo 'ko ng halik, willing naman ako magbigay kahit saan at kahit kailan" 

Natawa na lang ako sa inasta nito saka sumakay ng sasakyan at nagsimula na rin itong mag-drive.

Habang binabagtas namin ang daan pauwi ay kinuha nito ang kaliwang kamay ko para hawakan, madalas niyang gawin ito kahit noon pa . Pero parang sumobra ngayon ang sweetness niya dahil hinalikan pa nito ang ibabaw ng kamay ko. Tama lang ang takbo ng sasakyan namin, hindi mabilis at hindi rin naman mabagal.

"Mahal na mahal na mahal kita"

Biglang sabi nito na kinagulat ko, lumingon ako sa asawa ko na nakatingin na sa daanan. Pinagmamasdan ko ang side profile niya. Gwapo talaga ito kahit noon pa. 

"Mahal na mahal din kita" nakangiting sagot ko

Hindi namin namalayan sa may kaliwang intersection ay may rumaragasang malaking truck na dere-deretso ang andar papunta na sa amin. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 23, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Deja VuWhere stories live. Discover now