21| i n p l a i n s i g h t
LUMABAS mula sa sasakyan si Astrid habang inalalayan niya ang laylayan ng kaniyang mahabang evening gown upang hindi niya ito matapakan.
She was wearing a one-shoulder strap leather-like fitted bodice with a plunging sweetheart neckline. The skirt traverse from full-length hem with a long side slit showing her smooth right leg.
"Wow! I don't know what to say," paunang bati ni Kairo nang salubungin siya nito sa harap ng malaking gate ni Gov. Vladimir.
Napagkasunduan nila na magkita na lang sa venue ng event. She knows that anytime she might be attacked by the killer at ayaw niyang madamay pa si Kairo kung magkataon man.
Malakas ang gut feeling niya na habang umuusad ang kaniyang imbestigasyon ay papalapit din ng papalapit sa peligro ang buhay niya.
Hinawakan ni Kairo ang kamay niya at inalalayan siyang maglakad. "You don't need to hold my hands, I can walk by myself," nakangiting sambit niya. Sinunod naman ito ng binata ngunit napunta ang kamay nito sa baywang niya.
Sabay silang pumasok sa gate at malayo pa lang ay kitang kita na nila ang mga ilaw na nag sasayawan. Kahit nasa gitna ng isang maze labyrinth ang mansion ni Gov. Vlad ay tanaw na tanaw nila ang mga dekorasyon at ang front porch nito na ginawang stage.
She admit that she really like Governor Vladimir's mansion on the other hand this mansion isn't built by his hard earned money rather by using his influence to achieve his goals and twist everything in favor for him.
She admire the mansion but not the work ethic of the said Governor. She wouldn't doubt or wonder why Gov. Vladimir receives threats everyday.
Maya-maya pa'y may isang golf cart na huminto sa harapan nilang dalawa.
"Pasensya na po ma'am na late po ako ng dating, sakay na po kayo," ani ng driver ng golf cart. Kahit madilim ay masusing inaninag ni Astrid ang mukha nito.
"Ok lang po kami kuya. Kami na lang po maglalakad mag pahinga na lang po kayo," wika niya nang makita ito na animo'y humahangos at hinahabol ang kaniyang pag hinga.
"Hindi ko po kayo puwedeng maglakad mag isa baka maligaw po kayo sa hedge maze na 'yan," sambit ng driver sa kanila, bakas sa tinig nito ang pangamba para sa kanilang dalawa.
Saktong paglingon nilang dalawa sa dambuhalang hedge maze ay ang pag bukas ng ilaw sa kada-corner ng maze na iyon. Napahinga ng malalim si Astrid batid niya'y tama ang sinabi ng driver kung hindi sila sasakay ay malamang aabutin sila ng ilaw araw bago makarating sa mansion ni Governor Vladimir.
Binaling niya ang atensyon sa driver na naghihintay sa kanila.
Pumasok sila ni Kairo sa loob ng golf cart at nagsimula na itong umandar.
Animo'y kinain ng hedge maze ang golf cart na kanilang sinasakyan dahil sa nagtataasang palumpong. Sa sobrang kapal ng mga ito ay puwede na itong magsilbing pader.
"Kung naglakad po kayo baka hindi na po kayo umabot sa charity ball," ani ng driver ngunit naka-lock ang paningin nito sa daanan.
Nilingon siya ni Astrid.
"We would be wandering around kuya, thank you," sagot niya.
Ilang beses ding umikot ang golf cart na sinasakyan nila at halos di niya ma-memorize ang kanilang dinaanan. Ang importante ay palapit na sila ng palapit sa mansion ni Governor Vladimir.
BINABASA MO ANG
Make Up, Murders, And Macchiato
Mystery / ThrillerAstrid is a retired modern day Sherlock Holmes / Nancy Drew who stumbled on the gruesome murder of an unknown killer roaming around their university. She was then forced to instigate an investigation together with the one whom she hated the most- Ka...