08
a n a g r a mTUMALON si Astrid sa kaniyang kama, tatlong araw din siyang hindi nakauwi sa kanila kaya sobrang namiss niya ang amoy ng lavender fume sa kanyiang kwarto, ang amoy ng favorite fabric conditioner niya sa unan pati na rin ang kaniyang kama na made in bamboo fiber. T'was the most expensive thing inside her bedroom-the Monarch Vi-Spring Bed her dad bought it in Europe kaya gano'n niya kamahal ang kamang iyon.
Habang siya'y nakahilata sinamsam niya ang bawat minutong nakalaan para sa kaniyang pagpapahinga. Nakahinga na rin siya ng maayos nang matapos at makaalis na siya sa kaniyang duty sa Museum at hindi lang iyon ang kaniyang pinagpapasalamat kundi ang paglayo niya kay Kairo na kahit sa'n siya mag punta ay naroon din ito.
Binuksan niya ang kaniyang laptop at unang niyang chineck ang kaniyang email. Habang ito'y nag lo-loading ay pinapanalangin niya na sana ay wala siyang matanggap na work related or school related emails. Nang lumabas na ang summary ng inbox ng kaniyang email nakahinga siya ng maluwag nang makitang wala ang email sa kaniya.
Finally she can spend her time browsing her social media accounts. Matagal tagal din siyang hindi naka bukas ng kaniyang Instagram dahil sa mga sunod sunod na nangyari sa kaniya.
Habang siya'y nag ii-i-scroll ay may nakita siyang litrato ni Alessandra na kasama si Dorothy. The picture was taken somewhere in Indonesia na may caption. "Happy Birthday Roth!" Naka-tag doon si Dorothy kaya chineck niya ang account nito.
Dorothy's instagram account is full of paintings, artworks and videos of herself happily painting a scenery of Alaska under Aurora Borealis it was the painting she saw sa kwarto ni Dorothy. In-open niya ang video na iyon.
"Stop! Masisira yung gawa ko," nakangiting saway ni Dorothy sa taong nag vi-video sa kaniya. Makikitang inaasar ito ngunit hindi makita kung sino ang kasama ni Dorothy.
Muling bumalik sa isip niya ang notes na nakuha niya sa table ni Dorothy, tumayo siya upang kunin iyon sa bulsa ng kaniyang latex bodycon dress. Binuksan niya ito at binasa uli.
"A Cab Cede Eleventh Hostel Iris, Tentacles Cannot Hunt," basa niya.
Napahawak siya sa kaniyang sentido habang nakatingin sa kapirasong papel.
"Anong ibig mong sabihin Dorothy?!" Tanong niya sa sarili
"Is this even the right clue?" Dugtong na tanong niya.
"Or are you protecting a certain message that's why you concealed it in another message which truly doesn't make sense?" Unti-unting nagliliwanag ang kaniyang isipan.
"Anagram!" Aniya. "This is an anagram! Dorothy is using an anagram to hide a secret message!!" Animo'y nanalo siya sa lotto.
She read an article regarding Cryptology and Cryptoanalysis which mainly tackles on breaking and creating a code sought to reveal a secret message wherein she also read on that same article the topic regarding Anagram. Anagram is the rearranging of words to form another words.
She took a deep breath while studying the sentence, hindi niya pa nararanasang mag decode ng isang sentence na anagram. Sa palagay niya'y aabutin siya ng ilang oras dahil maraming words ang puwedeng mabuo doon.
"Lent, Devil, Vent, Ill,..." Halos mabaliw na siya sa kakabaliktad at kakaisip ng mga salita na puwedeng mabuo gamit ang sentence na isinulat ni Dorothy.
Tatlong oras na ang nakalipas at sobra singkwentang salita na ang kaniyang naisulat. Maya maya pa'y nakaramdam siya ng pagod at binagsak ang kaniyang likod sa kama.
"A Cab Cede Eleventh Hostel Iris," pag ulit niya sa sentence.
"A Cab Cede Eleventh Hostel Iris," pakiramdam niya'y nasisiraan na siya ng bait. Sa lahat ng anagrams na kaniyang na-i-solve ay ito lang nag pagtuyo ng kaniyang utak.
BINABASA MO ANG
Make Up, Murders, And Macchiato
Mystery / ThrillerAstrid is a retired modern day Sherlock Holmes / Nancy Drew who stumbled on the gruesome murder of an unknown killer roaming around their university. She was then forced to instigate an investigation together with the one whom she hated the most- Ka...