22| v e r d a d y m e n t i r a s

18 1 0
                                    

21 | v e r d a d  y  m e n t i r a s

NAPAKAGAT ng madiin si Astrid sa labi habang pigil ang pag hinga niya na animo'y  pakiramdam niya'y maririnig iyon ni Gov. Vladimir.

If she'll be caught tonight its the end of her career, school, and the progress of her investigation will go to waste.

Ramdam ni Astrid ang malakas na pag kabog ng dibdib niya.

Batid niya'y napakamalas niya kung mamatay siya ngayo't malapit na ang pasko nang hindi man lang nakikita ang magulang niya.

"Felicity? Help me," bulong niya sa kaniyang microphone habang hinihintay ang sagot ni Felicity.

Maya-maya pa'y narinig niya ang yabag na papalapit sa opisina ni Gov. Vladimir.

"Tanggap ko ng mamamatay ako ngayon at least suot ko ang damit na binili ko sa Istanbul," aniya sa sarili na pinapagaan ang loob.

Isang matangkad na lalaki ang nakita niya mula sa anino nito. Madilim ang opisina ni Gov at tanging ang ilaw lang mula sa labas ang nagbibigay ng kakarampot na liwanag sa loob.

Nang tuluyan nang makapasok ang lalaki sa opisina ay iniluwa ng pinto ang isang lalaki na pamilyar ang mukha.

Si Genesis!!!

He was wearing a metallic-like suit and pants. His wavy hair was in a messy style.

Agad na tumayo si Astrid at tumakbo palapit kay Genesis hindi niya namalayan na napayakap na pala siya sa kaibigan.

Ginantihan siya ng yakap ng kaibigan, marahan siyang ikinulong ni Genesis sa pagitan ng mga matitikas na braso nito.

She sighed but it's not just a normal sigh but a sigh of relief.

"Let's get out of here, Felicity told me you're here and paparating na sila!" Sabi ni Genesis nang magkalayo na ang kanilang katawan mula sa pagkakayakap.

Hinawakan ni Genesis ang kamay niya at sabay nilang nilisan ang kwarto ni Gov. Vladimir.

Binaybay nilang dalawa ang daanan papunta sa guest hall ngunit hindi niya pa rin mawari kung bakit naroon ang litrato ng ina ni Kairo sa notebook ni Gov. Vladimir.

May kinalaman ba ito sa pagkamatay ng ina ng binata?

Kung mayroon mang kinalaman si Gov. Vladimir sa pagkamatay ng ina ni Kairo ano ang motibo ang nag udyok sa gobernador para paslangin ito.

Do Kairo's mom knows something? Something that might actually destroy his political stance?

Habang tinatahak nilang dalawa ang daan ay biglang nag hiyawan ang mga tao.

"Tulong!" , "Yung lalaki ni-hostage ang anak ni Gov!"

"Tuloooong! Tulongan ninyo si Seelie!!" Sigaw na babae na nakasuot ng puting evening gown. Nilingon nila ang tinuturo ng babae.

Laking gulat nila nang makita nila si Seelie na hawak hawak sa leeg ng lalaki habang nakatutok ang kutsilyo sa tagiliran leeg nito.

Nakapaligid ang mga body guards ni Gov. Vladimir at nakatutok sa hostage taker. Walang pulis na nasa party ni Gov at tanging mga PSG lang ang naroon para proteksyonan ang lahat ng bisita.

"Wag mong gawin 'yan please maawa ka, I will give everything to you!"ani ni Gov. Vladimir. Nakatayo ito malapit sa entrada ng family pool.

Binaling ni Astrid ang pangingin sa lalaking nakasuot ng maskara.

Make Up, Murders, And MacchiatoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon