05| t h e n u i s a n c e

93 26 96
                                    

05
t h e  n u i s s a n c e

AT exactly 6:00 PM Astrid went home and her car pulled over in front of their house. Agad naman siyang sinalubong ng isa sa mga driver nila upang ito na mismo ang mag park sa loob ng kanilang garage. Dali dali siyang bumaba sa kaniyang sasakyan at dire-diretsong naglakad sa dahang dahang bumubukas na kanilang gate.

"Nasa lamesa na 'yong dinner mo hija," paunang bati sa kaniya ni Aunty Celine habang binubuksan ang gate. Ngunit nagmamadali siya kaya napasigaw na lang siya dahil malayo layo na rin ang kaniyang kinatatayuan kay Aunty Celine niya. "It's okay Aunty sa labas po ako mag di-dinner kasama yung mga friends ko" pagsisinungaling niya at binuksan ang kanilang glass door.

Hindi na niya binisita ang kanilang dining room bagkus ay umakyat siya at pumasok sa kaniyang kwarto.

Binagsak niya ang dalawang walang lamang maleta sa kaniyang queen sized bed. Pinagmasdan niya lang ang maletang nakabukas sa kaniyang kama. Contemplating kung ano ba ang dadalhin niya sa AKT sorority house.

Astrid went to a certain room. Bumungad sa paningin niya ang kaniyang mga mamahalin at branded na damit. A row of coats, blazers, shirts, polo, camisole, brassiere and undergarments are proportionally aligned at nakasabit sa mga cabinet rods. Boots and high heels are safely secured under the cabinet. The temperature of the said room is controlled in order to protect the sensitive properties of the fabrics.

Her hands scanned through the rows of hanging clothes.

"Here we go again, aabutin nanaman ako ng ilang oras dito," sambit niya sa sarili habang nakatulala sa mga damit.

HILA HILA ni Astrid ang tatlong maletang puno ng kaniyang plotted outfit for the whole month sa AKT Sorority Manor. Ilang oras din siyang nag babad sa loob ng kaniyang closet.

"Ate, patulong naman po," aniya sa isa sa mga katulong nila nang dumaan ito sa sala. Ipinasa ni Astrid ang dalawang maleta rito.

"Thank you," pasasalamat niya habang bumababa.

Pakiramdam niya'y dala niya ang buong buhay niya sa kaniyang maleta.

"Walang anuman po." Sagot ng katulong niya.

Bago pa siya makaabot sa kanilang glass door ay biglang nag ring ang kaniyang cellphone. Dali daling kinapa ni Astrid ang katawan at hinahanap ang nag ri-ring na phone. Binuksan niya ang kaniyang Hermes Clutch Bag at kinuha doon ang cellphone.

It was her Mom!

"Yes ma?" paunang wika niya sa linya.
"Nandito na kami ng Daddy mo sa Iloilo! Where are you?!" nag aalalang tanong nito sa kabilang linya
"Um. Mom, something came up and I need to finish this muna. Thesis stuff, akala ko kasi postponed yung defense but i will inform you as soon as possible kung papunta na ako jan," paliwanag ni Astrid but under her subconscious mind she's wishing na sana umepekto ang pagpapaawa niya sa kaniyang Mom na malakas din ang pang amoy sa mga sinungaling.

Narinig niya sa kabilang linya ang malalim na pag hinga ng kaniya Mom.

"Are you sure na thesis stuff 'yan?" Tanong nito

"Yes. Ask Claire and Gigi," ani niya habang dinadamay ang pangalan ng mga kaibigan niyang di niya naman ka grupo sa thesis but she've already briefed her friends na in case her Mom called them sasabihin lang nila na may thesis silang tinatapos pati na rin ang title ng thesis nila upang hindi sila magkagulo kapag tinanong ang mga ito ng kaniyang Mom tungkol sa topikong tinatalakay sa thesis. Nothing more and nothing less.

"Ok ok. Mag ingat ka. Always call or text us or else uuwi kami ng Dad mo d'yan"

"Yes Mom! I will. Bye. I need to hung this call may gagawin pa ako. I love you both. Take care." Ani niya.

Make Up, Murders, And MacchiatoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon