Sally's P.O.V.

7 3 0
                                    

At dahil nasa hospital nanaman ako ngayon ay hindi ko maiwasang isipin si Yuhan, paniguradong natutuwa 'yon kasi wala ng kumukulit sa kanya. Simula nung nagpahula ako at sa sinabi nung manghuhula ay natuwa ako kasi of all people, si Yuhan pala yung makakatuluyan ko, why not 'di ba? Pero agad naman akong sinampal ng reyalidad na si Porscia nga pala ang gusto niya kaya malabong maging kami at kahit lagi niya akong tinataboy at hindi pinapansin, ito pa rin ako sunod ng sunod sa kanya. Habang tumatagal kasi mas lalo ko siyang nagugustuhan at hindi ko mapigilan kahit masaktan man ako.

Sana.. sana ako na lang si Porscia.

Bakit ako nasa hospital? Simple lang, dahil na mahina ang baga ko noong bata pa ako, palagi nga akong dinadala dito sa hospital kaya parang nagsilbi na ring bahay ko itong hospital at nagiging komportable ako. Tapos ngayong highschool ako, hindi na ako dinadala sa hospital dahil nagiging ok na daw ako kaya ngayon na lang ulit ako na-hospital. Namimiss ko na nga si Yuhan e, sana naman bumisita siya. Teka, imposible namang bumisita 'yon kasi 'di ko naman sinabi sa kanya kung nasaan ako at kung ano na ang nangyayari sa akin. Pero umaasa ako na sana.. dumating siya.




"Sally!" Nagulat ako sa dumating saka niya ako niyakap. T-totoo ba 'tong nakikita ko? Hindi ba ako nananaginip?

"Y-yuhan..?" Agad siyang tumango saka pinunasan ang luha niya at kahit ako naiiyak na rin dahil hindi ako makapaniwala na nandito siya.

"P-paano mo nalaman na nandito ako Yuhan?" Agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinalikan kaya nagulat ako.

"Sally, hindi na mahalaga 'yon basta ang mahalaga ay gusto rin kita" nanlaki ang mga mata ko at tumulo ang luha ko.

"T-talaga? Gusto mo rin ako?" Agad siyang tumango.

"Oo, Sally gusto rin kita at sorry kung late ko ng ma-realize na gusto rin kita" saka pinunasan ang luha niya.

"Yuhan.. 'wag kang mag-sorry dahil sobrang saya ko ngayon, akala ko kasi 'di mo rin ako magugustuhan.." saka ako napahagulgol kaya niyakap niyab agad ako at hinimas ang buhok ko.

"Ngayon Sally, bakit ka nandito sa hospital? May sakit ka ba?"

"M-mahina ang baga ko, Yuhan" saka umiwas ng tingin.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Dahil ayaw kong mag-alala ka"

"Sally, may karapatan akong mag-alala sayo at isa pa mas lalo akong mag-aalala kung hindi ka nagsasabi ng totoo"

"Sorry.."

"Basta, magsasabi ka na sa akin ng totoo ha" tumango na lang ako na parang bata.

"At 'wag kang mag-alala nangako ako sa nanay mo na kapag naging boyfriend mo ako mas aalagaan kita ng higit sa sarili ko" napaiyak na lang ako sinabi niya saka ulit siya niyakap.

I'm so glad that I met this man, the man that I like and soon to be my love.





THE END.

Yuhan Laude's Diary Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon