Chapter 1

27.6K 634 76
                                    

Hiroki Yoshiro

"Hiro, mauna na kami." Paalam sa akin ng mga teammates ko.

I nodded, "sige, maliligo lang muna ako."

I watched all of them as they get out of the locker room, I am Hiroki Yoshiro, a fil-jap, and Royalle Academy's basketball team's captain.

Dumiretso na ako sa shower room, mag-isa na lang ako dahil umuwi na ang lahat ng mga kasama ko, late na rin kasi at alam kong napagod sila dahil sa walang tigil na training namin, sabi kasi ni coach ay kailangang paghusayan at doble ang training namin ngayon dahil may laban kami next week sa pinakakalaban na basketball team ng Royalle Academy, kailangan naming manalo dahil kung hindi magbi-beast mode na naman si coach sa amin lalo na sa akin. Brokenhearted kasi siya eh. Sa amin ata binabaling 'yong galit niya sa ex. Tch.

Kung akala niyo ay cool ang pagiging captain then you're entirely wrong, dahil lahat ng kamali ng teammates mo ay ikaw ang sasalo, it is like I have to carry every burdens my team commits, at kapag may palpak na mangyari sa gitna ng labanan or anything else, coach would yell at me especially when she is in a bad mood, yeah, our coach is a 'she', pero kahit na babae siya ay nakakatakot siya.

After a nice cold shower, I changed into my cyan shirt and pants, I went back to the basketball team's locker room which is connected to the shower room; I took all my things and my ball and decided to go back to my own condo.

Oo, may sarili akong condo na malapit lang sa school dahil malayo ang bahay ng pamilya ko dito at sayang lang sa oras 'yong pagbiyahe ko kung sa mismong bahay pa namin ako manggagaling kaya naman napagdesisyunan ng mga magulang ko na tumira na lang ako sa condominium nila na malapit lang sa school, yes, may parents own the condo building I'm living in so it's a free rent.

Since walking distance lang naman ang condo ko dito sa school ay naglakad na lang ako, wala nang katao tao ang school dahil kanina pang mga 3PM na-dismiss ang klase nila, I looked up and realized how cloudy the sky was kaya madilim na kahit na 4:30 ng hapon pa lang. Sana hindi umulan, wala pa naman akong payong.

Habang naglalakad ay biglang tumunog ang cellphone ko, agad ko naman itong kinapa sa bulsa ko and saw Mom's caller ID, I immediately answered her.

"Ohayo?"

"Hiroki, your Dad and I will go to Japan tomorrow for a very important workshop... we will be gone for a week or two since we will also be visiting your godfather in Kyoto, if you need anything financially, I already deposited half a million in your bank account, is that enough?" Mom said on the other line, basing on the background's noise, pauwi pa lang siya at nagbibiyahe siya.

"Yeah, Mom, it is more than enough." I answered, "where's Dad?"

"Tulog siya Hiroki, since he got himself exhausted again with work, masyado niyang pinu-push ang sarili sa kanyang limitasyon, you must understand since he is workaholic man." Sagot niya, "habang wala kami ay magpakabait ka, Hiro! If I hear that you get yourself involved in bad things whatsoever, malilintikan ka sa akin. I love you, baby. Sayonara!" Binaba na niya ang tawag, napailing na lang ako sabay lagay ulit sa bulsa ang cellphone, ganito maglambing si Mama, banta muna.

But I hate it when she calls me baby -I have the name of a man's pride at hindi na rin ako baby! Tch.

Habang naglalakad ako sa sidewalk ay dini-dribble ko na lang ang bolang hawak ko, may mga nadadaanan akong mga estudyante rin ng school na pinapasukan ko, titingin sila sa akin sabay bati pero nilalampasan ko lang sila dahil hindi ko ugaling pumansin ng hindi ko kilala, snob raw ako kumbaga.

Maraming nanliligaw sa akin, minsan nga may naga-assume pa na sinagot ko na raw siya dahil tinignan ko lang siya, na kami na raw dahil tumango raw ako, like what the hell? Why is the world filled with assuming persons? I don't understand how their brain works or if their brain is loose or if they even have one. Nakakaasar lang.

They even named me as Royalle Academy's Mr. Heartthrob, Tear-Jerker, Charmer, Playboy, Silent Chick, Mysterious Player, Heartbreaker, and blah blah blah!

Where are they getting those farfetched pet names? Do I look like I am a pet to tame?

Lalagpasan ko na sana 'yong playground na nadadaanan ko lang nang may nahagip ang mata ko sa may ilalim ng puno sa playground, nawala agad ang atensyon ko sa bolang dini-dribble ko kaya hindi ko nasalo 'yong pagtalbog ng bola dahilan upang patalon talon itong pumasok sa loob ng playground, hinabol ko naman agad ang bola.

"Tch." I hissed out of frustration.

Napatingin ako sa direksyon ng bola, ito ay patalon talong pumunta sa may ilalim ng puno ng playground, nanlaki ang mga mata ko nang napagtanto kong may nakaupong tao doon sa ilalim ng puno -isang babaeng maputla at maputi -she have the pale skin with natural blush on her cheeks, may mahaba siyang buhok na nakatakip sa kanyang mukha kaya hindi ko gaano makita kita ng buo pero alam kong maganda siya, medyo namumula ang kanyang mga kamay na nakahawak ng basang panyo, naka-uniporme siya ng uniporme ng mga babae sa Royalle Academy, wait... so schoolmate ko siya? Ngayon ko lang siya nakita, is she a new student?

Teka... humihikbi ba siya?

Is she crying?

Before I could even stop the bouncing ball from reaching her, it landed and hit the crying lady below the tree.

Napatingin naman agad siya sa bola, tapos sa akin.

My eyes met hers, mugtong mugto ang kanyang mga mata at sobrang pula, halatang kagagaling lang niya sa matagal at walang tigil na pag-iyak at hanggang ngayon ay tumutulo pa rin ang kanyang mga luha sa kanyang basang pisngi, sobrang pula na ng kanyang labi at ilong, pati na rin ang kanyang pisngi.

She looked like a fragile angel that needs to be handled with care.

Bigla akong nakaramdam ng kakaiba-maybe sympathy to her, everything in my sight went in slow motion making me freeze to where I was standing, parang napako ang mga paa ko sa kinakatayuan ko at hindi ako makagalaw para kunin ang bola malapit sa kanya. Everything went in a blur, except her.

When I finally regained myself, napatingin agad ako sa may puno, hindi ko namalayang napatulala pala ako habang mabilis ang pagtibok ng puso ko, my eyes scanned the spot where this crying lady was but much to my dismay, the mysterious girl was already gone and all that was left behind was my ball.

Gaano ba ako katagal na natulala at hindi ko man lang namalayan ang pagkaalis ng babae?!

Nagbuntong-hininga ako sabay kuha sa bola. Tumingin ulit ako sa may puno kung saan ko siya nakita.

"Will I ever see her again?" I muttered, teka lang, Hiro, ano ba ang nangyayari sa 'yo at parang nalungkot ka agad dahil umalis ang babae habang tulala ka? At bakit parang umaasa ka na magkikita ulit kayo e hindi mo naman masyadong nakita ang mukha niya?

Bakit naman ako natulala?! Bakit naman ako aasa na makikita ko ulit siya?!

Sighing in defeat, hinawakan ko na lang ang bola at naglakad paalis ng playground.

***

Teardrops of An AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon