Epilogue
<<<His POV>>>
Love? Naranasan mo na bang magmahal? Masaktan dahil sa pag-ibig? Umiyak dahil naiwan? Pero naging masaya ka rin ba dahil nagmahal ka? Ngumiti ka ba dahil andoon siya?
Sa liit ng panahon ng pagsasama namin ng isang babaeng nagkaroon ng mahalagang parte sa buhay ko ay naranasan kong magmahal, masaktan, at umiyak, ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay naramdaman ko rin ang maging masaya at ngumiti salamat sa kanya.
Nagsimulang magbago ang pananaw ko sa mundo simula noong nakita ko siya, sa una naming pagkikita ay umiiyak siya at sa huli na'y nakangiti. Bakit may mga taong dumarating sa buhay natin ngunit umaalis rin sa huli? Bakit hindi na lang pwede na maging permanente sila?
Iisa lang ang litrato naming dalawa na magkasama, lahat na ng alaala namin sa lumang palaruan ay nabura ngunit gumawa ako ng paraan para mabago ito, gumawa ako ng bagong alaala na sigurado akong nakatago sa puso ko, ang iparanas sa kanya ang labis na pagmamahal.
Lagi kong tinititigan ang litrato namin, ang huling alaala ko kasama siya, parang wala siyang problema na nakangiti lang, abot langit ang mga ngiti niya sa litrato habang wala ni lubos isang kalungkutang nakikita sa kanyang mga mata, she was happy despite knowing she'll pass soon, maybe that's what she wants, she just wanted to live her life to the fullest while time is still running, ito ang litrato na kinuha ko noong pumunta kami sa amusement park habang nakahawak kamay, sa ilalim ng fireworks display. This picture means so much to me.
Ang dami kong plano kasama siya. Planado na sana ang lahat, nagdasal ako sa Diyos, nanalangin ng himala, pero para sa babaeng minahal ko ng lubos, nangyari na ang miracle niya, ako ang kanyang himala.
Minahal ko siya. Minahal niya ako. Sa ikli ng panahong pagsasama nami'y marami akong natutunan sa kanya, na hangga't buhay pa ang mahal mo't lumalaban para makasama ka ay huwag mong iyakan, maniwala ka lang... magkakaroon rin ng himala.
Sa kabila ng pagpanaw ni Yessa Jaycee sa mundo'y nakilala ko naman ang isang babae, tulad ni Yessa, nagkita kami ng babaeng ito sa ilalim ng puno, sa isang playground, umiiyak siya pero hindi naman siya natamaan ng bola, AKO ANG NATAMAAN!!!
Masaya na ako ngayon, sana ganoon rin siya sa kabilang mundo, ako nga pala si Hiroki Yoshiro, minsan na'y naging super hero ni Yessa Jaycee noong nabubuhay pa siya.
Be happy...
Tama nga naman, hindi man naging madali at kinailangan ng mahabang oras at proseso ay naging masaya naman ako, masaya kasama si Sammine Tah-Yoshiro, my newly wedded wife.
Dahil sa babaeng ito na iyakin, dahil sa babaeng ito na malakas ang loob, dahil sa babaeng ito na naging first love ko... ay natuto ako.
I loved you, Yessa.
**THE END**
BINABASA MO ANG
Teardrops of An Angel
Teen FictionThis is the story of a girl named Yessa Jaycee. She is diagnosed with a Congenital Heart Disease. She has always asked herself this... "how do you live when you are dying?" This is her story on how she will find the answer in a man named Hiroki Yosh...