Chapter 12

10.4K 373 36
                                    


Yessa Jaycee

He already knows what I was trying to hide. He already knows the story of my life, everything about me. Alam ko, ang diary na 'yon ang ang summary ng buhay ko.

He knows every single bit of pieces about me, napapikit na lang ako, I felt the crave to cry again, pinikit ko ang mga mata ko, and as expected, nagsituluan ang mala-ulan kong luha, lumabas ako ng school gamit ang nakatagong butas ng pader na nalaman ko kay Hiro, ayokong dumiretso sa classroom dahil gusto ko munang mapag-isa at sigurado makikita ako ni Hiroki roon.

Nang nakalabas na ako sa school ay agad akong pumara ng tricycle, "saan ang punta mo, hija?" Tanong ng driver.

"Sa abandoned playground po, Kuya..." sagot ko naman, tumango naman siya at agad na nagmaneho. Nang nakarating na kami sa harap mismo ng playground ay nagbayad na ako ng pamasahe at bumaba, agad naman akong pumasok sa abandoned playground at saka tumungo sa may damuhan, sa ilalim ng puno kung saan ako palaging nakatambay, walang tao rito. Sino nga ba namang papasok dito sa lumang playground na ito?

Pinikit ko ang mga mata ko, ramdam ko ang mainit na likidong dumadaloy sa pisngi ko, basang basa na rin ang panyo ko.

Alam kong napaka-immature ang tumakbo paalis since kahit na anong takbong gawin ko ay hinding hindi ko matatakasan ang reyalidad, he is my reality.

I am afraid of facing my one and only reality.

Matapos ang ilang sandali ay nagulat na lang ako nang may biglang lalakeng pumasok sa playground at may pinaskil siya sa pader, mula sa pwesto ko ay nababasa ko iyon.

Isang tarpaulin lang naman ang kanyang dinikit, binasa ko ang nakasulat roon...

THIS PLAYGROUND WILL BE DEMOLISHED SOON AND WILL BE TURNED AS ROYALLE ACADEMY KINDERGARTEN. PLEASE DO NOT ENTER THE BOUNDARIES OF THIS ABANDONED PLACE TO AVOID ACCIDENTS WHILE THE OPERATION IS ON GOING. PLEASE BEAR WITH US. THANK YOU FOR YOUR COOPERATIONS.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nabasa ko, they'll be demolishing this playground? Itong lugar na kaisa isa na lang alaala ko with my Mom and Dad together? Itong lugar na ito na naging tambayan ko na dahil tahimik at malaya akong ilabas ang lahat ng gusto ko? Itong lugar na natitirang pag-asa sa akin para ipagpatuloy ang buhay ko?

Itong lugar na ito kung saan kami unang nagkita at nagkakilala? Itong lugar na ito kung saan kami naging magkaibigan? Itong lugar na ito na punong puno ng mga alaala ko?!

Biglang sumikip ang dibdib ko, hinugot ko ang inhaler ko at agad namang lumuwag ang paghinga ko.

This place meant everything to me, to us, this place is worth more than my life, dahil nang dahil sa lugar na ito, naramdaman kong buhay pa ako, nakilala ko siya rito.

Lumabas na ang lalakeng nagpaskil ng tarpaulin, ako naman ay naiwang nakatunganga, "so this place won't last as well, pareho pala tayo ng hahantungan, ano?" Tanong ko sa playground, naramdaman kong biglang humangin ng malakas kaya naman gumalaw ang swing, naalala ko tuloy noong bata pa ako... at nakasakay ako sa swing tapos sina Mom at Dad nanonood sa akin habang magkayakap.

Biglang nagsihulugan ang mga patay na dahon sa puno, pinikit ko ang aking mga mata saka ko ito minulat ulit, nagulat na lang ako nang may nahagip ang mata ko na parang nakaukit sa may puno, agad akong tumayo mula sa pagkakaupo at hinawakan ang nakaukit habang bumibilis ang tibok ng puso ko.

HIRO&YESS <3

Iyan ang nakaukit sa puno, at may puso pa nakapalibot rito, that penmanship is familiar to me, it is his... mukhang matagal na itong nakaukit rito sa puno, sa tagal ko nang tumatambay rito bakit ngayon ko lang ito nakita?

Siguro dahil gabi lang akong tumatambay rito at parating nagkakataong madilim, doon bigla na namang nagsituluan ang mga luha ko.

Hiro loves me too...

***

Teardrops of An AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon