Hiroki Yoshiro
"Hoy Hiroki! Ano ba naman 'yan, naturan ka pa namang team captain eh kanina ka pang nakatunganga! Sabihin mo lang kung may balak ka pang mag-training kasi nakakaabala na 'yang pagkalutang mo!" Inis na giit ni coach.
Bumalik naman ako sa huwisyo dahil sa kanyang pagsigaw, hindi ko namalayan na natulala na pala ako sa gitna ng basketball game, nakaka-distract kasi ang babae kahapon, and I'm trying to understand why my heartbeat suddenly became fast when I saw her, and why is it beating fast again when I remember her.
"Bro, ok ka lang ba?" Tanong sa akin ni Mark, siya ang pinaka-close sa akin sa lahat sa amin sa team since we're childhood bestfriends.
I turned my head to him and nodded, "yeah, ayos lang ako." Pinasa niya sa akin ang bola, agad naman akong tumakbo papuntang kabilang side ng court habang dini-dribble ang bola, may mga humaharang sa akin na kalaban pero mas mabilis ako sa kanila kaya naman nalusutan ko sila, noong wala nang bantay at libre ang paligid ko ay pinasok ko na ang bola sa ring, swak!
Biglang tumunog ang buzzer beat, sinyales na tapos na ang laro at syempre, kami ang panalo. Andito kami sa basketball court, naglalaro kaming buong team -parte ito ng training namin, mahahati sa dalawa ang team at maglalaban, ang parusa sa natalong grupo ay ang maglinis ng buong court kaya salamat na lang at nanalo kami. Masyado akong napuyatan kagabi kakaisip sa babae.
Nakipag-bro fist sa akin si Mark pati na rin ang ibang kasama ko, "whoa! We are safe from cleaning this court, guys!" He grinned, 'yong mga natalo naman ay nagreklamo, "that means makakasama ko si Steff!" Excited na hiyaw niya, Steff is his girlfriend, they officially dated last week, masaya naman ako para sa kanila.
Biglang pinalakpak ni coach ang kanyang kamay kaya naman napatingin kaming lahat sa kanya, "guys! Magpahinga kayo at huwag masyadong magpagod! All of you will have a two days rest since today is Friday, but I have reminders, first, palagi kayong magsanay sa umaga, at least five kilometers jog to level up your stamina, make sure your body is fit for the tournament next week to avoid unwanted injuries, lastly, make sure you are physically and mentally fit when we go for the regional competition! Let's win this Royalle Panthers!"
Bumuo kaming lahat ng bilog tsaka namin nilagay sa gitna ang isa sa mga kamay namin, sabay sabay kaming sumigaw, "Royalles for the win!" Sabay taas ng kamay.
"Ok, you're all now dismissed, 'yong mga natalo ay maiiwan para maglinis." Ani coach, pagkatapos no'n ay dumiretso na ako sa locker room para kunin ang gamit ko, may ibang nag-shower muna dahil amoy-pawis na sila, ako naman ay nagpalit na lang ng damit since hindi naman ako pinagpawisan sa laban kanina.
Paglabas ko sa locker room, bumungad sa akin si Steff na nakatayo sa harap ng pinto, "oi, si Mark?" Tanong niya habang nakangiti.
Tinignan ko siya sabay turo sa loob ng locker room, "nagpapalit." Tipid na sagot ko.
"Lalabs!" Mula sa likuran ko ay si Mark na tapos na palang magpalit, nakangiti siyang nakatingin sa kanya, nilagpasan niya ako at saka niya niyakap si Steff, how sweet... and they even have their unique endearment.
"Lolobs..." Pinisil ni Steff ang pisngi ni Mark, they are the cutest couple I've ever seen, feeling ko ay out of place agad ako dito so I decided na umuwi na lang at huwag nang mag-isturbo sa dalawa, medyo late na rin kasi.
As usual, naglakad na lang ako. Sayang lang sa gasolina 'yong motor ko kung gagamitin ko 'yon, magastos pa naman. Yeah, not to brag but my family's rich but I'm not a spoiled brat who doesn't value money, I know how to spend my money wisely, I'm not like those other rich kids who take everything for granted. Para sa akin, pinaghihirapan ang pera kaya huwag lang dapat sayangin sa walang kwentang bagay.
BINABASA MO ANG
Teardrops of An Angel
Teen FictionThis is the story of a girl named Yessa Jaycee. She is diagnosed with a Congenital Heart Disease. She has always asked herself this... "how do you live when you are dying?" This is her story on how she will find the answer in a man named Hiroki Yosh...