Chapter 2

17.3K 508 44
                                    

Yessa Jaycee

"Tignan mo nga naman kung sino ang andito, the one and only Royalle's dirty scholar and poor girl." Bungad sa akin ni Marga pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom, napayuko na lang ako at hindi ko siya pinansin, nilampasan ko siya dahil ayoko na naman ng gulo, oo, nag-iisa akong scholar dito sa school but that doesn't make me dirty or poor, my family was very rich, I can even buy this school in just a snap of my hands back then... but things changed when Mom left Dad, and things changed when my condition became more severe.

My colorful life became dull, and gray. I was the Happy Princess, but life didn't lasted that long. Parang nakalimutan ko na nga rin kung paano maging masaya, I know, I will never be happy again.

When Mom left Dad, nagbago ang lahat-napabayaan ni Dad ang kanyang negosyo dahil sa sobrang lungkot, stress, at depression kaya siya nalogi, idagdag mo pa ang paglubha ng kondisyon ko, our wealth was taken away but now, Dad already moved on from the stress of being left and so was I and now, he is trying his best to take back what was taken away.

"Hey freak! How dare you walk past me! A pest like you don't belong here!" Hinila ni Marga ang buhok ko sabay tisod sa paa ko kaya naman napaupo ako sa sahig, nagtawanan naman ang lahat ng mga kaklase ko.

Hindi na lang ako kumibo at saka tumayo na lang ako na parang walang nangyari kahit na namumula na ang aking palad na napasampal sa sahig nang natumba.

"Aba! May gana ka pang tumayo kung saan ka nararapat!" Tinulak ako ni Marga kaya naman napaurong ako, this time ay sa isang silya sa likod ko ako napaupo.

"Marga, tama na iyan." Napatingin ako sa isang babae, si Chasty, she is one of the typical school nerds that a school will always have, and she is also the class rep.

Tinaasan ni Marga ng kilay si Chasty, "you're defending this weak poor insect?" Hindi makapaniwalang tugon niya sabay duro sa aking noo.

Napayuko na lang ako, sanay na ako sa ganitong sitwasyon. Sanay na akong sinasaktan kaya iniisip ko ay manhid na ako, sa sobrang tagal ko nang nasasaktan ay nasanay na ako't namanhid na ang puso ko.

"I'm not defending her, sumusobra ka na kasi." Suway naman niya, "as a class rep, hindi ko ito hahayaan."

Marga rolled her eyes before turning to me, "magtutuos rin tayo, panira 'yang pangit mong mukha ng umaga!" Nag-flip siya ng hair niya at daling nilampasan ako na parang mikrobyo ako na marumi.

Tahimik na lang akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa silya at dumiretso sa pinakalikod na pwesto ng classroom, umupo na ako sa silya at saka ako tumingin sa bintanang katapat ko, wala akong katabi kundi ang pader at bintana lang, forever alone lang ako... pero mas komportable ako dito dahil walang makakakita sa akin at mas sanay akong mag-isa kaya ayos lang dahil ang pinaka ayoko sa lahat ay ang atensyon.

Mula sa bintana ay tanaw na tanaw ko ang malaking puno sa playground sa labas ng school, naalala ko na naman ang nangyari kahapon sa ilalim ng punong nakikita ko.

"Miss Yessa Jaycee, I've been calling for your attention for more than ten times now! There's no cure for flying-to-neverland brains!" Bumalik ako sa huwisyo dahil sa biglang pagsigaw ng first period teacher namin sa akin, nagulat ako... kanina pa ba siya nandito? Nakatulala na naman kasi ako at ang utak ko ay lumilipad na naman dahil sa nangyari kahapon kaya nawalan ako ng track of time.

Lahat ng mga classmates ko ay napalingon sa akin, halatang nagpipigil sa pagtawa. Even some of the teachers here hate me to death. Wala naman akong ginagawang masama para kamuhian nila ako.

Nanginig akong tumayo, since one rule in our school's handbook states that if the teacher calls your name, you have to stand from your seat.

"Miss Yessa, do you mind solving the problem on the board? If not, I'll give you your detention slip for daydreaming in my class." Nakangising hamon niya sa akin, unluckily, math pala ang first period namin, at trigonometry ang topic namin, I don't really like this subject, not that my grade here is flunk-actually mataas naman, but I just hated it to death since the time that letters were mixed with numbers. I used to love Math, but it became very confusing.

Tumingin na lang ako sa nakasulat sa pisara, there I saw an illustration of a right triangle with its' angles and measurements, I gulped the lump in my throat when I saw theta inside it, pumikit ako, I was trying to remember what I read last night since nag-a-advance reading ako ng mga lessons namin.

Tinignan ko muli ang nakasulat sa pisara, "M-Ma'am, can I use a calculator?"

"Miss Jaycee, since you were daydreaming, no." Matigas na sagot niya, isa ang gurong ito sa mga may ayaw sa akin, bakit ba ayaw nila sa akin? Kasi isang hamak na scholar lang ako? Ayoko lang naman maging pabigat kay Papa dahil marami siyang ginagastos para matugunan ang pangangailangan ko... lalo't iba ang kondisyon ko.

Huminga ako ng malalim, that means I have to do a mental solving, why does this teacher hate me so much?!

Naglakad ako papuntang blackboard, all eyed me with confidence, I know they were thinking "She can never solve the problem on the board without a calculator, she's hopeless. Wait until she receives her detention slip." something like that.

Kinuha ko na ang chalk at nag-simulang mag-sulat, I labeled the sides of the triangle from adjacent, hypotenuse, and the opposite side. After that, I wrote the formula when I identified what side was missing. Ginawa ko ang lahat ng steps na nabasa ko sa libro kagabi-good thing I have a photographic memory that makes me remember anything that I've seen or read, and then I got the final answer.

x = 8.14 cm

"M-Ma'am." Kinakabahan akong napatingin kay Ma'am na parang nagulat habang tinignan ang buong formula ko at sagot.

"Your answer is... c-correct." Hindi makapaniwalang saad niya, parang nabunutan naman ng tinik ang puso ko-para nga akong nanghina agad, bawal pala akong kabahan, hindi nga rin pala nila alam ang kondisyon ko, "but next time, I won't tolerate your behavior again." She said before gesturing me to take my sit, bumalik naman ako sa pwesto ko habang pinagpapawisan ng malamig. Calm down, Yessa. Tapos na ito...

'Yong mga ibang classmates ko naman ay nag-disagree sa answer ko, na wrong answer raw iyon at hindi tama, kaya nagalit sa kanila si Ma'am. Napatikom tuloy sila ng labi.

Nang nakaupo ako ay tinignan ko muli ang tanawin sa bintana, nahagip ulit ng mata ko ang playground... tapos sa puno kung saan ko nakita ang lalakeng nagbato ng bola sa akin.

Sino kaya 'yon?

***

Teardrops of An AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon