Chapter 19

12.9K 428 17
                                    


Hiroki Yoshiro

Isang taon na ang nakalipas nang nawala siya, at sa isang taong ito ay naging mahirap sa akin, "Pachoy!"

"Arf!"

Napangiti na lang ako nang nakita ko siya, kapapanganak lang ni Pachoy ng anim na cute puppies, "here is your milk." Sabi ko sabay lagay ng milk sa dog bowl niya.

"Arf! Arf!" Masayang ininom ng Pachoy ang gatas niya kasabay naman ng pagdede ng puppies sa kanya.

Look Yessa, inaalagahan ko ng mabuti ang regalo ko sa iyo, nagkaanak na rin...

"Anak, ready ka na ba?"

Napatingala ako, it was Dad, nginitihan ko lang siya at tumango, "yep."

Bibisita kami ngayon sa puntod ni Yessa for her first death anniversary, maraming nagbago sa school because of her death, sina Marga at ang mga iba pang umaapi sa kanya noon ay hindi na lang nakakibo nang nabalitaang wala na si Yessa.

Halatang nakonsensya sila dahil sa kanilang pang-aapi sa kanya noong buhay pa siya, nang dahil sa kamatayan ni Yessa ay nagbago ang lahat ng mga tao sa Royalle Academy, lahat sila ay tumigil na sa pambu-bully at pang-aapi ng mga mahihina.

Kinuha ko na ang binili kong bouquet ng flowers sa table at saka kandila, "let's go, Dad... Mom..." sabi ko sa dalawa, tumango naman sila.

Nang nasa biyahe kami ay nadaanan namin ang Royalle Kindergarten, kung saan ay dating isang playground, may mga bata na naglalaro doon at nagtatakbuhan, napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan sila.

Pumikit ako, I miss the playground...

I miss her...

Tumigil ang kotse't lumabas na kami, nadatnan namin si Tito Dreig na bumisita rin kay Yessa, noong nakita niya kami ay ngumiti siya ng mapakla saka tumango. Nilapitan ko ang huling hantungan ni Yessa at nilapag ang bulaklak sa gilid nito, nagsindi ako ng kandila at saka ito pinatayo sa gilid ng puntod niya.

"Kumusta ka na, hijo?"

"Ayos lang, Tito." Ngumiti ako ng mapakla, "siguro kailangan na nating maging masaya para sa kanya, iyon ang huli niyang sinabi sa akin, be happy."

Hinawakan ni Tito Dreig ang kamay ko, sina Mama at Papa naman ay tahimik lang na nakatingin sa puntod ni Yessa, hindi man sila nabigyan ng tsansang makilala ang babaeng nagpabago sa takbo ng buhay ko ay halata ang lungkot sa mukha nila sa pagkawala ng unang babaeng minahal ko ng lubos.

Pinisil ni Tito Dreig ang palad ko saka siya nagbuntong hininga, "aalis na pala ako papuntang Russia. Hindi na ako babalik, siguro kapag death anniv ng anak ko." Ngumiti siya sa akin. "Tama si Yessa, hijo, be happy."

Umalis na si Tito Dreig at sumakay na siya sa itim na kotse niya.

Tumingin ako sa mga magulang ko, niyakap nila ako ng mahigpit, "time to go." Saad ni Papa. Tumango naman ako, with one last look to her grave, naglakad na rin kami paalis.

"No matter how short my life is, I'm happy. I'm happy that I met you." biglang sabi ng isang mahinang boses sa isip ko, pinikit ko ang aking mga mata at ngumiti.

"I'm also happy that I met you, Yessa."

***

Teardrops of An AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon