Chapter 11
Talk
Nang matapos na ang mga palaro ay kanya kanya ng kain ang mga bata. Ngiting ngiti naman si Paige ng makita ang kasiyahan at kagalakan sa mga mukha ng mga bata.
Napapayapa ang puso niya tuwing nakikita niyang masasaya ng mga ito. Napupunan ang nawala sa kanya.
Napalingon naman siya sa kaliwa kung saan naka upo ang asawa kasama ang mga nangangalaga ng orphanage.
Nag-usap ang mga ito, hindi naman niya alam kung ano. Dahil simula ng encounter nila kanina ay hindi na niya muli ito nilapitan.
Napatingin siya sa jacket na nakabaot ngayon sa kanya.
Napabuntong hininga.
Napa-igik siya ng may biglang tumakip sa kanyang mga mata.
"Sino ako?"
Dali dali niyang inalis ang mga kamay na nakatabon sa kanyang mata at nilingon ito.
Nanlaki ang kanyang mata at napanganga.
"ATE!!!!" sigaw niya sa kapatid na ngayoy nakangisi sa kanyang harapan.
Agad niyang niyakap ito.
Hindi siya makapaniwalang naka-uwi ito. Bumitaw siya sa yakap at tinignan ang kabuuan nito.
Napanganga't napapailing siya habang pinagmamasdan ito.
"Paano?"
"Sabi ko naman di ba uuwi ako?" ngumiti ito lalo "Happy Birthday Bebe"
Napangiti siyang napayakap muli sa kapatid.
"Miss mo'ko sobra?" rinig niyang bulong nito.
Maluha-luha naman siyang napapatango. Inilayo nito ang sarili saka pinunasan ang kanyang pisnge.
"Ako rin!" napasimangot siya "Hindi kita na sundo" matampo niyang sumbat.
Natawa ang kapatid saka inipit ang mga iilang takas na buhok sa kanyang tenga.
"I can manage, tsaka kung sinabi ko sayo di ka na masusurprise kaya, surprise!!" itinaas nito ang dalawang kamay. Kaya napatawa siya.
"Si Marcus?" nilingon lingon nito ang paligid. Natigil lang ito nang makita ng mga mata nito ang hinahanap.
Napalingon siya sa kanyang likod kung nasasaan naka upo ang asawa.
Nakatayo na ito ngayon at hindi na kalayuan sa kanyang kinatatayuan. Tuluyan niya itong nilingon saka napa gilid.
"Bayaw! Kumusta?" nilapitan ng kanyang Ate si Marcus saka ito bineso.
"I'm good, ikaw kumusta Nic?" Seryoso ang tingin nito sa kapatid niya. Napa baling siya sa kanyang kapatid at kahit na hindi niya kita ang expression nito'y tila na iimaginee niya na ang itsura nitong mapaglaro.
"I'm good! Sa inyo ako matutulog ah?" Napanganga siya sa sinabi ng kapatid, gusto niya sanang mag protesta ngunit hindi niya na nagawa.
"Sure..." malamig na kalmadong sagot ng kanyang asawa. Nilingon niya ito na may kunot sa noo.
Hindi niya alam kung ilang araw lang ba ang kanyang kapatid, hindi naman sa yaw niya itong patuluyin s akanialng tahanan ngunit natatakot siya.
Hindi pa siya handang malaman nito na palpak ang kanyang marriage.
Kapag tutuloy ang knayang Ate sa kanilang tahanan ay malalaman nitong, hindi sila magkasundo. Na di halos umuuwi ang knayang asawa, ata kapag nalaman nito ay natatakot rin siyang malaman ng kanilang mga magulang.
BINABASA MO ANG
The Perfect Wife
RomancePaige is 5 years married to Marcus. 5 years na ring sira ang kasal nila, dahil sa isang pagkakamali ni Paige na ikinabago ng takbo ng buhay niya. The Perfect Wife ika nga ng ilan sa kanya dahil sa angking katalinuhan , kabaitan at kagandahan. Paano...