Chapter2
Paige Colleen David Javier POV
Sinadya kong gumising ng maaga upang ipagluto si Marcus ng agahan, sana magustuhan niya. Naghanda ako bacon, fried rice, fried chicken, toasted bread, scrambled egg, hotdog at siyempre Black Coffee.
"Wow! ang dami mo namang niluto anak!" Napangiti ako sa sinabi ni Aling Cora, nag-iisang katulong namin dito sa bahay. "Lahat ata ng paborito ni Marcus na kainin sa umaga e, hinanda mo na!"
"Naku Nay Cora sana magustuhan niya" nakangiti kong sambit. Sana nga magustuhan niya, sana...
May narinig akong bumaba ng hagdan , panigurado si Marcus na iyon. "Gising na ata sya Nay Cora, sige po babatiin ko lang" agad akong nagtungo sa sala at nakita ko nga ang aking asawa na pababa ng hagdan habang nag-aayos ng kanyang Neck Tie.
"Morning Honey!" bati ko sa kanya ng tuluyan siyang makababa, ikikiss ko sana siya sa pisnge ng bigla siyang umiwas kaya hindi ko nalang ginawa, halata namang ayaw niya, kaya hindi ko na siya pipilitin."Nagluto ako ng Agahan, kain ka muna...." hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang nagsalita.
"Alis na ako, late na ako" hindi ko alam ang sasabihin o irereact sa sinabi niya. Napahing ako ng malalim at kinalma ang puso kong unti-unti nanamang napupunit.
"Pero maaga pa naman ah--"
"I'm not hungry, huwag kang makulit." at tuluyan na nga siyang umalis, hindi man lang ako hinalikan sa pisnge. What's the point of cooking... kung hindi ko naman napapakain sa asawa ko.
I grab my things na nasa sala "Nay sa inyo nalang po yan, nawalan na po ako ng gana, Kung ayaw niyo naman po, ibigay niyo sa mga batang kalye"
"Pero anak---"
"Alis na ako Nay"
*
"GoodMorning Maam" bati sa akin ng mga empleyada ko "Morning" Agad akong pumasok sa office ko "Jess!"
"Yes Maam?"
"Ano ang Schedule ko ngayon?"
"Ah, 8:00 to 9:00 po, meeting with Mr. Angelo, 10:00 to 11:30 interview po sa Showbiz News Ngayon with Miss Carmina, 2:30 to 3:00 po meeting with Mrs. Tuazon, 3:00 to 5:00 visiting the orphanage."
"Salamat Jess" at pina-alis ko na ang aking Sekretarya. Mabuti naman at medyo busy ako, hindi ko maiisip ang mag nangyari kanina.
*
"So Mrs. Javier ano ang iyong naramdaman ng tinagurian ka ngayon na "Perfect Wife" ng sambayanan?" tanong sa aking ni Carmina
"Hindi ko po alam kung matutuwa ba ako sa binigay na titulo ng sambayanan sa akin. " medyo natawa pa ako saka muling nagsalita. "Hindi naman po ako perpekto, wala naman po sigurong perpekto sa mundo..."
"O... malaman ang mga binitawan mong salita ah! may pinaghuhugutan ka ba diyan?" natawa ako sa naging turan ng host na si Miss Carmina. Tawang hindi ko alam kung saya o lungkot. napayuko ako ng sandali at muling tumitig sa babae.
BINABASA MO ANG
The Perfect Wife
RomancePaige is 5 years married to Marcus. 5 years na ring sira ang kasal nila, dahil sa isang pagkakamali ni Paige na ikinabago ng takbo ng buhay niya. The Perfect Wife ika nga ng ilan sa kanya dahil sa angking katalinuhan , kabaitan at kagandahan. Paano...