Chapter4(edited)

31.1K 396 33
                                    

I edited the whole chapter, maraming nagbago... 

Gusto kong ayusin muna ang bawat chapter , bago tapusin ang storyang ito. 


Chapter4

Nagising si Paige dahil sa sikat ng araw, sinilip niya ang kabilang parte ng kama, only to find out na wala na ang kanyang asawa. Napabangon siya ng tuluyan. "Linggo pa naman sana ngayon" nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. Tumayo na siya at nagtungo sa banyo upang maligo.

"Goodmorning anak!" masayang bati ni Nanay Cora sa kanya, ngumiti siya dito bilang ganti "Goodmorning din posi Marcus po ba kumain na?" napatingin siya sa mga pagkaing nakahain sa lamesa.


"Kumain naman siya anak..." kalmadong sagot ni Nanay Cora sa kanya. Napa-angat ng kaunti ang kaliwang bahagi ng kanyang bibig. Siyempre ganito ang inaasahan niya, na kakain ito kung wala ang presensya niya. "Nasabi niya po ba kung saan siya pupunta?" sabay baling sa matanda. "Hindi niya nasabi anak e.." napatango siya "Sige po aalis na po ako" 


"Hindi ka man lang ba kakain ng agahan Paige?" she look at the old woman as she slid into her car. "Hindi na po Nay, drive thru nalang po..."


8:12 am palang naman ng umaga kaya hindi masyadong traffic, napagpasyahan niyang tumuloy muna ng simbahan bago siya kakain ng agahan. Masyado kasing hassle kung mag da-drive thru pa siya. Baka kako mamamsiyahan pa ang damit na suot niya. She was wearing a white long sleeve top with buttons paired with jeans and a 3-inch heel. She wasn't called a model for nothing. She was Paige Colleen David before she met Marcus, the model actress slash singer. She's been in the industry for quiet long and considered as one of the celebrity royalty. 


Although halos anim taon na siyang hiatus, simula ng makilala niya si Marcus ay may panaka-naka parin siyang  nag gi-guesting, cameo on movies or tv series, interview on some show and press at siyempre nag-momodel kung makakayanan ng schedule niya. Simula ng maging sila ni Marcus she promised to herself na magiging hands on siya sa pagiging maybahay.


8:30 am siya, saktong kakasimula palang ng misa. Nag-sisimba siya sa isang maliit na chapel malayo ng konti sa siyudad. Dito malayo sa mapanghusgang mata ng media at mga taong nakakakilala sa kanya. The chapel is located near the orphanage na ini-sponsor niya. 


Nang matapos ang misa ay sumaglit siya sa orphanage upang mabisita ang mga bata. She once wanted to have a family with atleast 5 children. Gusto niya ring magka kambal para kahit papano e isang sakit lang, natawa siya sa sarili dahil sa naisip. But that was years ago, before the tragedy. 


"Miss Paige!!!!" salubong sa kanya ng mga bata. Napangiti siya ng sobrang tamis at saya, s alahat ng nangyayari sa kanya ang mga bata nalang ang nagpapaligaya sa kanya. Niyakap niya ang mga it. "Sorry, hindi ako nakapag dala ng pasalubong pero, sa susunod na balik ko pramis wala ng mintis!" sabay kurot ng pisnge sa isa sa mga ito.


"Misis Javier!!" bati sa kanya ng isa sa mga namamahala ng orphanage "Magandang umaga po!" "Pasensya ka na sa kakulitan ng mga bata at agad kang pinugpug ng yakap at halik, namiss ka talaga nila e!" napangiti naman siya sa turan ni Miss Oliv. "Naku wala po yun sa akin, this kids parang mga anak ko na rin po sila... kung bibigyan po ng pagkakataon e mag aampon po ako." napatungo siya ng kaunti bagi muling binalik ang paningin sa babae "Pero sa susunod na po kung kailan handa na kami, at ayos na po ang lahat"

The Perfect WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon