Chapter1
"Sobrang Ganda mo talaga Paige, kaya na inlove agad sa iyo si Marcus e!"
"salamat" ngumiti nalang ako atsaka umalis nakakapagod mag entertain ng mga costumer lalo na kung wala namang bibilhin, pero okay lang dahil kung hindi sila papasok sa Flower Shop ko e, hindi ito sisikat.
"Maam, okay lang po ba kayo?" napatingin ako sa nagtanong sa akin, ngumiti ako sa kanya at tumango "Okay lang ako"
"Gusto niyo po ba ng tubig? halata na po kasing pagod kayo"
"ganun na ba kahalata?" tumango naman siya "O sige paki kuha nalang ako ng tubig, salamat"
Umalis na siya upang kumuha ng pinag-uutos ko
*Kring*
"Hello?"
"__"
"Nasa Shop, bakit?"
"__"
"sige kita nalang tayo sa Brew... sige, bye."
*END OFF CALL*
"Maam tubig niyo po" inangat ko ang aking ulo "Salamat" tumayo na ako at pumunta sa table ko "aalis ako ngayon Alicia ha, ikaw na bahala dito" tumango naman ang empleyado kong si Alicia. I grab my things and went out of my Flower Shop
*
Nang makarating ako sa Brew ay nakita ko agad si Ricky at Anya, mga kaibigan ko. I wave my hand habang papalapit with a smile.
I kiss them on their cheeks "Ano gusto mong Orderin?" tanong ni Anya ng maka-upo ako "Hmm... Iced Americano" "Okay" tumayo si Anya at siya na ang nag order ng gusto ko.
"Anong meron?" tanong ko kay Ricky, nakatingin lang siya sa akin, kaya medyo na concious ako sa itsura ako, naalala ko rin ang sinabi ng isa kong impleyada na halata na daw na pagod ako "RICKY? Mya dumi ba sa mukha ko??"
Mukhang natauhan si Ricky kaya umupo siya ng maayos "Anong problema?" tanong ko ulit. pero bago pa makasagot si Ricky ay dumating na si Anya dala-dala ang Inorder ko "You know what there's something fishy here, bakit ang tahimik niyo? lalo ka na Rick?"
Si Ricky ang pinakamaingay sa aming tatlo, kaya kung tahimik siya ay mag-aalala ka at magdududa.
"Kumusta na kayo ni Marcus?" napabaling ang tingin ko ke Anya na naka-upo na pala, napatungo nalang ako sa tanong nila, alam naman nilang dalawa ang kalagayan namin ngayon ni Marcus "We're okay" hindi ko alam kung kanino ako nagsisinungaling, sa kanila ba o sa sarili ko? Nakakatawang isipin na mukhang ako lang ang naniniwala sa sarili kong kasinungalingan.
"Okay? sigurado ka?" tanong naman ni Ricky na may halong pagkasarkastiko ang tono. "huwag ka ngang manhid Paige" dagdag pa niya "alam mo kung ano ang kalokohan ng Asawa mo" this time inangat ko na ang ulo ko atsaka tumingin sa kanila "kasalanan ko, alam niyo 'yan"
"Ano? 5 years na ang nakakalipas Paige! imposobleng Hindi ka pa niya napapatawad" napabuntong hininga ako sa sinabi ni Anya, 5 years na nga ang nakakalipas pero mukhang hndi parin siya nakakalimot.
"Huwag mong pairalin yang kabaitan mo! Ano yun parang wala kang alam na may babae si Marcus?" napatingin ako ng masama kay Ricky sabay iling "Hindi magagawa sa akin ni Marcus yan dahil alam kong mahal niya ako, kahit na iniiwasan niya ako!" medyo napataas na ang tono ko. Hindi nila ako masisisi dahil asawa ko ang pinag-uusapan dito "Alam niyo kung sesermonan niyo nanaman ako mabuti pang hindi niyo na ako pinatawag" pagakasabi ko noon ay agad akong tumayo at lumabas ng Coffee shop.
Mahal ako ni Marcus, Alam ko yan
*
Mga 6pm na ako nakarating ng bahay at pagkarating na pagkarating ko agad akong nagbihis ng disente at nagtungo sa kusina upang magluto ng hapunan naming mag-asawa.
Nang matapos akong magluto ay hinain ko na ito, 7:35pm na pero wala parin si Marcus, Baka 12 nanaman iyon uuwi. I grab my phone at tinext ko siya.
To: Hubby<3Marcus
Hon anong oras ka uuwi?
nagluto ako ng paborito
mong Adobo..
*END OF TEXT*
*Sent*
mga 10 minuto bago siya nagreply
From: Hubby<3Marcus
tapos na akong kumain.
huwag mo na akong hintayin.
*END OF TEXT*
Napabuntong hininga ako, hindi nanaman siya kakain dito. Nandidiri ba siya sa akin? Ganun nalang ba ang pagkamuhi niya ni sabayan akong kumain ay 'di niya magawa? Hindi ko naman ginusto ang nangyari ah, kung alam ko lang na ganun ang mangyayari edi sana hindina ako nagpumilit.
Arghhhhh ano na yang iniisip mo Paige? Busy lang talaga ang asawa mo kaya ganyan. TAMA BUSY SI MARCUS, BUSY LANG SIYA.
*
nakahiga ako ngayon sa kama namin habang nakatitig sa wall clock 12:00 midnight na wala pa rin siya.
*CLICK*
Hindi ko alam pero agad akong natarandta ng biglang magbukas-sara ang pintuan ng kwarto, kaya nag pretend ako na tulog. All i can hear is a footsteps, after a minute may tumabi na sa akin and I know siya iyon dahil sa amoy niya.
"Bakit ngayon ka lang?" tanong ko. Im on the left side of the bed at nakatalikod siya sa akin.
"O, Gising ka pa pala!' sabi niya sabay tingin sa side ko "matulog ka na, matutulog na din ako,Pagod na pagod ako" tsaka siya tumalikod sa akin ng tuluyan.
Gusto ko nang umiyak, eto nanaman siya hindi niya naman ako kinakausap ng matino. Nakatingin lang ako sa likod niya, I hug him from the back . Napangiti ako, ang tagal ko nang hindi nayayakap ang asawa ko. pero hindi tumagal ang ligaya ko dahil inalis niya ang mga kamay ko na nakayap sa kanya.
"Pagod ako Paige" pagkasabi niya nun ay tuluyan ng natanggal ang mga kanmay ko na nakayakap sa kanya..
----
Zaine_Maria^__^ (Semi-edited?)
BINABASA MO ANG
The Perfect Wife
Roman d'amourPaige is 5 years married to Marcus. 5 years na ring sira ang kasal nila, dahil sa isang pagkakamali ni Paige na ikinabago ng takbo ng buhay niya. The Perfect Wife ika nga ng ilan sa kanya dahil sa angking katalinuhan , kabaitan at kagandahan. Paano...