THE TRUTH

940 7 0
                                    

HANNAH's SECRET written by
AthenRossent29

Please, follow AthenRossent29 Salamat! Po.

Hope you like it! Saranghae <3

Sa mga hindi po nagbasa o nakabasa sa original version ng kwento.

Pangalawa dapat si Leandro na makikilala ni Hannah. Peru nang nagkaroon na po ng revision ang kwento pangatlo po si Leandro na nakilala ni Hannah sa kwento.

Umaasa parin po ako na nagustuhan niyo ang unang update ko sa HANNAH's SECRET

HUWAG NIYO PO SANANG KALIMUTANG I-FOLLOW SI AUTHOR SALAMAT.

VOTE AND COMMENT PO SALAMAT!

New characters from the revised version:

Ang mga magulang ni Hannah
Ropuerto at si Shone

Ang kapatid nitong si BERT at ang asawa niyang si Jenny at anak nilang si Ben

Ang kaibigan ni Hannah na si RITA na isang guro.

Ang kapatid sa labas no Hannah na si JOSIAH,  Isang batang babaeng ulila sa ina.

At si ELTON na minsan napagkamalan ni Hannah na kaniyang ka SOP nakapatid ni DALTON.

Paano bigkasin ang pangalang MARIA sa kwento?

Maria- ma-ri-yah o ma-ri-ya

************************************************************************

HANNAH's SECRET Chapter 12: The Truth

Maaga akong nagising at hindi ko narin napansin si Dalton sa kama. Napahilot ako sa akingbsintido. Nakaramdam ako ng kaunting lungkot nalilito ako kung para saan. Marahil dahil kagabi. Ang napagdisiyunan kong paglayo pansamantala kay Dalton. Alam kung makakatulong iyon sa akin. Pakiramdam ko kase, hindi ko namamalayan na baka mahuhulog na ako ng tuluyan sa kanya. Pakiwari ko'y mas maganda na ito habang maaga pa. Ang bawat lapit niya sa akin ay may epekto sa aking dibdib na nagpapalito pa lalo sa aking isipan. Na para bang sinasabi ng aking puso na mali na ang aking ginagawa at habang ang dinidikta naman ng aking isipan ay layuan ko na siya ng tuluyan upang hindi masaktan pa ng lubusan.

Ngayon ko lang din napagtanto na halos dito ko lang naranasan na ang puso at isipan ko ay pwedeng magkaisa upang bumuo ng isang self defense mechanism upang protectahan ang sarili sa ano mang threath. Iyon ay ang masaktan ng lubusan.

Walang buhay kung tinungo ang ginagamit kung tsinelas sa loob ng bahay at saka tinungo ang kabinet na mayroong malaking salamin. Naupo muna ako saglit upang pagmasdan ang aking sarili. Dumako ako sa aking mata. Malungkot at tila may roong ninanais. Ang labi kung namumula ngayon ay natutuyo hindi ko alam kung bakit. 'Stress lang ito, hannah'. Puntong ko.

Ngunit taliwas iyon sa tumulong luha na lumiligid sa aking mata.

"Anak gising ka na ba?" Boses iyon ni Mama.

"Oo mama. Sandali lang po at maglilinis lang ako." Sigaw ko.

Tumayo na ako at pumasok sa banyo habang hawak ang tuwalya. Pagkatapos kung maghilamos at magpunas ng mukha ay lumabas narin ako ng kwarto pagka linis ng kama.

"Good morning pa." Halik ko sa lalaking nakaupo sa upuang gawa sa kahoy. Mayroon itong binabasang diyaryo at mayhawak pang kape. Naupo ako sa bakanteng upuan. "Papa, anong nangyari sa pinuntahan niyo kahapon?"

18+ SEX ON PHONE [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon