PAIN IN A LUST

5.6K 11 0
                                    

HANNAH's SECRET written by AthenRossent29

Please, follow AthenRossent29 for faster update. Salamat! Po.

These are the revised version of the story. Hope you like it! Saranghae <3

************************************************************************







HANNAH's Secret Chapter 7: A pain in a Lust

Tulala akong nakatingin sa kisami. Ano ba itong nangyayari sa amin? Paano na kami? Si Mama paano niya nagawang tiisin ang lahat? Paano ito nagawa ni Papa sa amin?

Napakadaming katanungan ang bumabagabag sa aking isipan. Lalo na sa nalamanng mayroon pa pala kaming kapatid ni Kuya Bert.

Napaluha ako. Pagkarinig sa katok sa pintuan ay agad akong nagpunas ng luha at tumalikod at nagtalukbong ng kumot. Palapit sa akin ang maliit na yabag. Hindi ako umimik.

"A-Ate galit ka ba sa akin?" Boses ng bata. " Ate K-kase ako kung tatanungin mo ako. Oo galit ako sa inyo ni kuya, kay papa."

Galit siya sa amin? Peru bakit? Kami damit ang galit sa kaniya at sa kaniyang mama. Sa eda'd niyang ito, tiyak kung hindi niya naiintindihan ang nangyayari at ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

"K-kase ngayun niyo lang ako sinundo. Bakit antagal niyo akong kinuha kay Mama Wilma? Alam mo ba kung gaano ako katagal naghintay na sana kahit minsan binisita niyo manlang ako para kamustahin? K-kung a-ayus lang ba ako o masaya ba ako. A-Ate huwag kang magalit kay papa sa akin ka nalang magalit."

Tumulo ang aking luha. Sa mga sinsabi niya, para akong pinupukpok sa dibdib at sinasakal sa leeg. Nagdisisyon akong bumangon. Hunarap ako."H-hwag kang umiyak. H-hindi ako galit!" Ani ko. "Magiging atus din ako."

"T-talaga ate?" Ngiti niya na kinatitig ko sa kaniyang mukha. Ang mala anghel niyang mukha. Ang balat niyang puno ng pasa. Ang malungkot niyang mata.

Nagsalubong ang aking mga kilay. "N-napaano ito?" Lapit ko. "S-sinasaktan ka ba ng mama mo?"

Ganun nalamang tumulo ang luha nito. Hikbi-hikbi niya akong niyakap ng mahigpit. "N-ngayun ayus na ate. Magiging maayus narin ako dito!"

Hindi ko alam kung bakit ko siya niyakap ng mahigpit. Ganito ba ng pakiramdam ng mayroong nakababatang kapatid. Nakakaawa nga lang. Sa mura niyang edad nakaranans na siya ng paghihirap. Nasisi ko tuloy ang aking sarili kung bakit umakta ako na parang bata sa harapan nila mama at papa. Wala pala akong dahilan para magalit o magtampo.

Sa huli ang isang pagkakamali, mayroong magandang maidudulot na pagbabago sa iyong magulong buhay- pag-asa.

"Tumahan kana. Hwag ka ng umiyak. N-natido lang s-si A-Ate H-hannah!"

"Salamat ate." Lalo niyang hinigpitan ang kaniyang yakap.

Napalitan ng tuwa at ngiti ang nakabusangot kung labi. Ang sinabi niyang iyon. Napakagaan sa pakiramdam.

Kakaiba pala talaga ang pakiramdam kapag bukas ang puso sa lahat. Ang gaan ng loob. Pakiramdam ko nakawala ako sa matinding pagpapahirap ng aking damdamin.

Pinunasan ko ang pisngi niyang nabasa ng luha. "Simula ngayun. Dapat masaya lang tayo. Lalo sayo. Hayaan mo ang nakakatanda ang gumawa ng paraan."

Ngayun, hwag nating hayaan na maglaro ang kalungkutan sa ating isipan at huwag itatanim sa ating puso.

18+ SEX ON PHONE [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon