THE WRONG NUMBER

16K 22 1
                                    

HANNAH's SECRET written by AthenRossent29

Please, follow AthenRossent29 for faster update. Salamat! Po.

These are the revised version of the story. Hope you like it! Saranghae <3

************************************************************************








HANNAH's Secret Chapter 1: "The wrong number"

Naglakad nalamang ako ng mabilis para maiwasan ang humahabol sa aking lalaki. Kanina pa niya ako sinusundan hanggang dito sa may corridor ng hospital. Kabado akong lumiko at mabilis na nagpatuloy hanggang sa hindi ko na siya maramdaman. Saka lamang ako nakahinga ng maluwag ng makita ko si kuya at nakaupo sa lounge. Nang makita niya akong palapit agad siyang lumapit. 

"O, bakit ganiyan ang itsura mo Hannah?" Sabi niya sa akin saka sabay inilahad ang kamay sa bitbit kung bag na mayroong lamang pamalit ni mama at papa. 

"Pasensya na at naabala pa ata kita. Hayaan mo at si Ben nalang ang aking uutusan kapag mayrun kailangan sa hospital."

"H-hindi ayus lang kuya. N-napagod lang akong tumakbo. Kamusta si tatay?" Balik kong tanong sa nakatatandang kapatid na si Kuya Bert. Pasimple akong sumulyap sa kaninang pinanggalingan na nahallway. Salamat naman at hindi niya ako nasundan! 

Ganun nalamang ang takot ko kanina ng napansin ko na sinusundan ako ng isang lalaki papasok ng hospital. Hindi na bago sa akin ang mga ganitong iksena lalo pa't may angking ganda akong hindi matatanggihan ng mga kalalakihan. 

Pinagpala nga kase ako! Tulad ng sabi ni mama na halos ginagawa nila ang lahat malayo lang ako sa mga masasamang tao. Hindi rin ako pinapayagang lumabas ng bahay para makasiguradong walang makalapit sa akin o merun mang hindi magandang magyari. Ni hindi nga ako pinapasali sa mga patimpalak lalo na si Kuya Bert. Pano naman kase hindi nila maatim na pagsuotin ako ng maikling damit o bikini man lang. Para sa kanila manggas na ang ganung klaseng tela. Hindi ko naman iyon tinutulan dahil wala naman akong balak na patulan ang mga ganung klaseng patimpalak.

"Kanina ka pa niya hinihintay. Nangangati na nga siya at gusto ng maligo. Puntahan na natin sila."

Pagkapasok sa loob ng kwarto nakita ko si mama na tulog at si papa naman ay napuno ng galak ang mukha ng makita niya kaming dalawa ni kuya na pumasok saka niyugyuog ang braso ng katabi upang magising. 

"O, nandiyan kana pala, iha. Kanina pa dito nagrereklamo ang tatay niyo dahil kating kati na ang katawan at gusto ng maligo." 

Lumapit si kuya. Ang butbit nitong bag ay binigay kay mama. Si mama naman ang kumuha na ng masusuot ni papa. "Sinigurado mo bang maayus ang bahay bago ka pumunta dito sa hospital?"

Kahit na abala ito sa pag-aayus ng susuotin ni papa alam kung ako ang kaniyang kinakausap. "Opo mama. Gaya ng sinabi mo, pinakiusapan ko si Aling Neri na paki tingin-tingin ang bahay."

"Anu ba iyan, Shone. Sinisimulan mo nanaman ang dalaga natin?" Bumaling si papa sa akin. Nginitian ko nalang si papa bilang tugon. "Akin nayang damit at tuwalya at maliligo na ako. Talagang nangangati narin itong aking balat."

"Hmm… kampihan mo yang si Hannah Ropuerto." Bigay pa nito sa damit na para kay papa. "Bert, ayus lang ba na nandito ka? Baka naman kung anu-ano na ang sinasabi niyang asawa mo samin? Abay! Malilintikan ka sakin kapag nagkataon." 

"Si mama naman, oh! Hindi na nahinto ang bibig. Huwag kayong mag-alala dahil nasabihan ko na si Jenny na nandito ngayun si papa sa hospital dahil sa Altapresyon."

18+ SEX ON PHONE [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon