IS IT LOVE

2.7K 14 0
                                    

HANNAH's SECRET written by
AthenRossent29

Please, follow AthenRossent29 Salamat! Po.

These are the revised version of the story. Hope you like it! Saranghae <3

************************************************************************





HANNAH'S SECRET Chapter 11: Is it love?

Sakto namang pabalik ako sa kwarto ng lumabas naman si mama sa kwarto niya at sumunod si papa. "Saan kayo pupunta? Di ata ako invited?" Ani ko nalang sabay kamot. "Teka magbibihis ako sasama ako!"

Tatakbo na sana ako papuntang kwarto ng nagsalita si papa. "H-hindi ka sasama sa amin anak. Mahalaga ang pupuntahan namin. Walang magbabantay sa bahay. Sinabihan narin ng nanay mo si Rita na samahan ka muna. Isasama namin si Josiah."

"P-po? Maiiwan ako? Saan naman kayo pupunta? Ayst!" Wala na akong nagawa pa kundi padabog na bumalik sa kwarto saka binulagta ang sarili sa malambot na kama. "Importante? E, hindi ba dapat kasama din ako? Parte ba na naman ba ito sa pagiging strickto nila sa akin? Malaki na kaya ako? At saka naandyan narin si Josiah." Ika ko.

Ilang beses akong romulyo sa kama dahil sa kung anu-anong bagay na naman ang pumapasok sa aking
isipan.

"Kamusta na kaya si Elton D' first?" Bigla kung alala. Ilang araw ko narin siyang hindi na mamalayang nagtetext sa akin, e.

Naisipan ko nang palayawan si Elton para hindi ako malito kung sino nga ba ang tinutukoy ko sa dalawang Elton. Sa buong buhay ko ngayun lang ako nalito ng husto.

Higit pa dun ang pagkainis ko kay Dalton kanina ng sinundo namin ang kapatid ko sa kaniyang iskwelahan. Dahil mas pinili naming sumakay sa kapatid niya na ginagalit ng husto sa akin. Natural, kay Elton kami sumakay dahil safe at bawal mag-angkas ng bata sa motor. Kaya ng dumating kami sa bahay at hindi pa nakakalayo si Josiah papasok ng bahay ay walang paalam niya akong hinila at nilampasan si Elton D' second patungo sa kaniyang bahay

"Why the hell choice my brother over me?" Masama niyang tingin na animo'y gigilitan na niya ako ng leeg. Hindi naman ako natakot bagkus nagkibit balikat akong humarap sa kaniya. "And why the hell giving him perimission to touch your face?"

Inismiran ko siya. Hindi ko sinasagot ang bawat katanungan niyang hindi ko naman malaman ang dahilan kung bakit ganun ang mga pinagsasabi.

Saka lamang ako nagsalita ng halatang naubusan na siya ng sasabihin at tumigil. "Tapos na ba? Abay, kailangan ko ng umuwi at baka wala pang kasama si Josiah sa bahay."

Peru imbes na payagan ay lalo pa niya ako sinandal sa sandalan ng sofa na kinapumiglas ko. "Isa Dalton! Kapag hindi mo ko binitawan. Hinding-hindi na talaga kita kakausapan at papansinin kahit kailan." Seryoso kung pananakot.

Walang halong biro. Walang halong pagsisinungaling. At walang halong kurap sa mata, ngunit may halong pagkitab ng aking dibdib. "At isa pa kailangan ko pa bang isa-isahin kung bakit? Kung anong mga dahilan ko?"

"Then tell me. I want to know." Bumitaw siya sa akin at umaayus sa pagkakaupo.

"Seryoso ka ba?" Irap ko. "Sige gusto mo malaman?"

"Una, mabait si Elton hindi lang gwapo responsable pa. Pangalawa, disente at mas safe kami ng kapatid ko kapag siya ang kasama. Hindi arogante. Hindi iritante. At higit sa lahat hindi tarantado. Nagtataka nga ako kung paano kayo naging magkapatid na dalawa ang layo ng ugali niyo." Mahaba kong ani. "Higit sa lahat ginagalang ako na hindi tulad mo.! Naisip mo ba ang ginawa mo kanina? Talagang sa harapan pa ng kapatid ko nagpakita ka ng katarantaduhan?" Tukoy ko sa pagkwelyo niya sa kuya niya na kinatahimik niya naman.

18+ SEX ON PHONE [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon