MADE ME UNTANGLED

562 2 0
                                    

Hi guys this is the second update for the weekend. I hope magustuhan niyo parin

Follow niyo naman po si Author AthenRossent29

Hindi ko alam kung work it tong story. Peru sana magustuhan niyon. Kung meron man. Salamat.

*Kung mabasa niyo man po ang ginamit kung setting ng kwento na San Nicholas. Mali po pala spelling n'yon. San Nicolas po pala ang tama.

Next chapters will be DALTON POV
Bak ilang chapter pa bago ulit magkaroon ng POV si hannah.

HANNAH's Secret Chapter 16: Made me untangled

"Ang aga niyo atang nagising Ma'am? Mukhang maganda ata ang gising niyo. May nangyari ba sainyo ni Sir Atong?" 

Nilakhan ko 'yon ng mata. Napalunok pa ako at mabilis na sumagot kay Kuya Ar-ar upang hindi niya mahalata ang gulat sa aking mukha. 

Nandito ako ngayun sa kanilang bahay. Tumutulong sa paghahanda ng makakain. Ang bahay ay hindi man kalakihan, ngunit gawa naman sa pawid at kawayan. 

Makikita mo talagang masaya ang naninirahan dito. Ang mga taong nakatira dito ay hindi ata marunong umiyak o malungkot. Walang pinagdadaanan o wala man lang hinanakit sa buhay. "Maganda lang gising ko Kuya. Naghahanap ka talaga ng dahilan, e." 

"Sus! Sige, sabi mo iyan Ma'am. Tapos na ba yan?" 

Kaharap ko ngayun ang mayabong na apos mula sa kahoy, at ang nakasaing na kaserolo na mayroong kargang kalahating tubig. "Mukhang kukulo na nga, e!" 

"Ganon ba? Hayaan mo muna." 

"Tulungan nalang kita diyan Kuya Ar-ar. Wala kasing alam si Dalton sa kusina. Alam niyo bang may phobia siya sa apoy? Nakakatawa nga, e. Mamaya nga sunugin ko siya." Biro ko pa. "Kaya siguro ayaw niya ng lampara at solar ang dinala niya. Napakaraming solar sa bag niya."

"Ngayon puro siya namn inaalala mo? Naku, teka tatawagin ko lang si Neri." Sabi bago niya ako talikuran. "Hayaan mo yang niluluto mong tubig dahil hindi naman yan masusunog. Sakto 'yan mamaya kapag dumating ako. Magluluto ako ng dineng deng." 

"P-po? Ano 'yun?" Peru wala na siya ng nilingon ko. Hasyt! Naman, e.

Kumuha ako ng gulay binalatan. Dalawa siguro ang natapos ko ng dumating ang mga ito. Masayang nagtatawanan ng pumasok. "Mukhang masaya tayo Kuya, ate, ah? Anong merun?" 

"Naku wala, iha. Natawa lang ako sa pinagsasabi ni Ar-ar sa inyong dalawa ni Dalton. Hayaan mo. Wala naman magagawa, diba."

"H-ho?" Taka ko. "Anong merun sa amin?" 

"Si Ma'am talaga. Alam niyo. Ganiyan na ganiyan kami ni Ar-ar ng kami pa ay nasa ganiyang mga eda. Mas bata ako at sita naman mas matanda ng limang taon." 

Nagsimula naring ilagay ni Kuya Ar-ar ang mga prepara niyang sitaw. Sinunod niya ang karne ng manok. "Oo nga po, e. Halata nga. Halatang halatang ang saya niyong mag-asawa."

"Diyan ka nagkakamali. Hindi kami kasal ni Ar-ar. Naniniwala kase ako na hindi nadadala iyan ng kasalan. Kapag mahal mo ang isang tao. Hinding-hindi ka niyan iiwan. Hindi yan maghahanap ng iba kahit hindi kayo nakagapos sa isa't isa." Mahabang lintana ni Ate Neri. 

Kung totuosin tama ang sinabi niya. Hindi mahalaga ang kasal. Ang mahalaga ay kung talagang mahal ka ng isang tao hindi siya gagawa ng makakasira ng relasyon niyo. 'Yong tipong kahit alam niyang hindi ka nakagapos sa kanita at may posibilidad na magbago ang isa sainyo ay hindi sita tatalikod ano man ang dahilan ng isa sa kanila. Dahil kung mahal ka talaga ng isang tao ng buong buo wala kang dapat ikatakot. Dapat maging masaya ka. Hoy! 

18+ SEX ON PHONE [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon