Prologue:
Ang gusto ko lang naman ay ang maging masaya, maging malaya, gawin ang mga bagay na gusto kong gawin, pero hindi ko rin alam kung ano ang mga bagay na gusto ko. Sumusunod nalang talaga ako sa daloy ng buhay ko.
Isa lang akong bata, kuntento sa buhay pero hindi masaya. Kuntento sa pamilya pero hindi masaya, laging may kulang. Kuntento kung anong meron ako, pero may kulang pa rin, laging may hinahanap.
Minsan, tinatanong ko ang sarili ko. Kilala ko ba talaga ang sarili ko? Kilala ko ba talaga kung sino ako? Pero kahit sa tanong na 'yan, hindi ko alam ang sagot.
Marami akong tanong na hindi ko masagot. Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung okay lang ba ako. O, kung ayos lang ako. Dahil magkaiba 'yung okay sa ayos lang, kasi minsan, hindi ka okay pero ayos lang.
Mahirap lumaki ng walang totoong magulang, may kumumkop nga sa akin ngunit maaga rin silang nawala tulad ng mga totoong magulang ko.
Bakit lahat ng mga importante sa akin... ay maagang nawawala? Sumpa ba ako? Bakit hindi nalang ako ang mawala imbes na sila?
Tutal, wala na rin namang silbi ang buhay ko.
Ipinanganak ako sa San Lucas Hospital. Namatay ang nanay ko dahil sa panganganak niya sa akin. Ang tatay naman ay naaksidente.
May dalawang mag-asawa ang kumupkop sa akin, tatlong taong gulang palang ako n'on.
Kasama ko pa rin naman ang Lolo ko. Ang tatay ni tatay. Pero may bago na akong mga magulang. Sila si Papa Emer at Mama Emi, ayun nga ang mga kumupkop sa akin.
May ate rin ako, si Ate Eya. Maganda, matalino, mabait at sobrang maalagain.
Kaso lahat sila... nawala na... Iniwan ako.
Hanggang sa nakatagpo ako ng isang lalaki. Napalapit na siya sa akin. Lagi siyang nandyan para sa akin. At hindi ko rin akalain na mahuhulog ako sa kaniya.
Siya na ba ang makakatulong sa akin, para mahanap ko ang sarili ko? Makalimutan ang mga sakit na nararamdaman ko?
Umakyat ako sa stage, malawak ang pagkakangiti sa aking labi. Nakuha ko nga ang inaasam ng bago kong pamilya ngayon, ang maging cum laude.
Malawak ang pagkakangiti nila sa kanilang mga labi, tuwang tuwa sa nakamit ko. Pero ako... hindi ako masaya... Dahil alam kong pagkatapos na naman ng araw na ito... may bagong hamon na naman akong kahaharapin.
Alam nila na mataas ang grado ko, pero para makamit iyon... Iyon ang hindi nila alam. Gabi-gabi akong umiiyak. Pinagdarasal na matapos na ang lahat... Lahat ng mga sakit na nararamdaman ko ngayon. Gusto ko na itong matapos... Dahil ang bigat-bigat na sa kalooban ko, parang kaonti nalang at sasabog na ito.
Bakit nung nagpaulan ng hirap o suliranin sa buhay, bakit parang ako lahat ang sumalo?
BINABASA MO ANG
Till The Pain Is Gone (Mafia Lovers # 3) - Ongoing
Teen FictionUnahin mo munang mahalin ang sarili mo bago ka tuluyang magmahal ng iba. At mas lalo mo pang mahalin ang sarili mo kung pakiramdam mo walang nagmamahal sa iyo, o kung pakiramdam mo nag-iisa ka nalang sa mundo. Dahil dumarating talaga sa buhay natin...