Chapter 4
Narito na kami sa Firearms Training sa may labas. Noong si Tito Raven kasi ang nagtuturo sa akin, doon lang kami sa may loob.
Ngayon, kailangan ko ng matuto kung papaano makipagpalitan ng bala habang naglalakad at tumatakbo. At si Madam ang magtuturo niyon sa akin ngayon.
Paano kung tatanga-tanga ako mamaya? Paano kung hindi ko magawa ng tama ang pinapagawa niya? Sana lang ay mahaba ang pasensya ni Madam katulad ni Tito Raven at Tito Seth. Noong mga nakaraang araw kasi, sa tuwing wala si Tito Raven at kinakailangan niya sa opisina niya ay si Tito Seth ang nagtuturo sa akin.
"Huwag kang kabahan, magaling magturo si Madam," sabi ni Tita Trixie sa tabi ko na agad naman ginatungan ni Tito Johann.
"Haha, halos maiyak ka na nga ng araw na iyon!"
"Oo nga!" Tumawa sina Tito Johann at Tito Akiro, mga nang-aasar kay Tita Trixie. Dumaan din pala siya kay Madam. At base sa kaniya, nakakatakot daw talaga si Madam magturo pero marami naman daw matutunan. Pinalakas din nila ang loob ko.
Pero ganoon nalang talaga ang kaba ko lalo na't wala si Tito Raven o Tito Seth man lang ngayon. Maaga kasing pinatawag si Tito Raven sa hideout ng grupong hinahawakan niya, ang Nemesis. Si Tito Seth naman ay may business meeting sa Las Vegas. Kagabi pa siya umalis kasama ni Tita Seah. Baka mga ilang araw din sila roon.
"Ate Rylee, are you nervous po?" Lumapit sa akin ang babaeng anak ni Madam na si Harleigh. Tinulungan ko siyang maupo sa tabi ko. Masyado kasi itong mataas at hindi niya gano'n kaabot.
"Oo, eh," sagot ko. Hindi kami ganoon ka-close ni Harleigh lalo na 'yung kakambal niyang si Harrison. Palagi kasi silang abala sa pag-aaral at kung sa ano. At saka palagi rin kasi akong nasa loob ng kwarto kaya malimit ko lang silang makita lalo na ang makausap.
"Si Mom din po ang nagturo sa amin ni Kuya sa paggamit ng baril," nagulat ako sa sinabi niya.
"Marunong na kayo?!" Ganoon nalang ang gulat ko, hindi inaasahan. Masyado pa kasi silang bata para matuto ng mga ganitong bagay!
Tumango tango naman siya. "She is terror but she's a good teacher po. You'll learn a lot from her po. She's the best when it comes to shooting po." Seryosong sabi niya. Pero kahit na ganoon, kinakabahan pa rin ako.
Napatayo agad ako at napalunok nang dumating na si Madam. Nakasuot lang siya ng simpleng black ripped jeans, black t-shirt at black leather jacket. Naka boots din siya na itim. Iyong boots na flat at walang takong.
Bumaling agad siya kay Tito Johann at Tito Akiro. May sinabi lang siya rito patungkol sa paghatid kay Harleigh at Harrison sa klase nila ngayon. May summer class kasi sila. Pati na rin ata ang mga kapatid niyang si Harvey at Hakirvy kaya wala sila rito.
Pinagtawanan pa nga sila at dinilaan ni Tita Trixie. Paano kasi, gusto rin nila akong panoorin ngayon. Pero mas okay na siguro 'yung kaonti lang ang nanonood sa akin.
"Are you ready?" Baling na sa akin ni Madam, nasa tabi ko na. Mas lumakas tuloy ang tibok ng puso ko at parang gusto ko ng umatras. Sobrang kinakabahan ako talaga ako!
"O-opo." Iyon nalang ang nasagot ko na ikinatawa niya.
"Bakit natatakot kayo kapag ako na ang magtuturo?" Tanong niya, magkakrus pa ang braso na at napalingon pa sa likod niya, kina Tita Trixie. Naroon din kasi si Tita Ella. Hindi naman sila nakasagot at nagkibitbalikat nalang.
Walang pinasuot sa akin si Madam na mga safety gears. Kailangan daw kasi ay masanay na ako sa ingay ng putok ng baril at dapat ay alam ko ang gagawin ko kung sakaling matamaan o madaplisan ako ng bala. Hindi raw dito pwedeng patanga-tanga lang. Kailangan ay malakas at buo ang loob mo.
BINABASA MO ANG
Till The Pain Is Gone (Mafia Lovers # 3) - Ongoing
Teen FictionUnahin mo munang mahalin ang sarili mo bago ka tuluyang magmahal ng iba. At mas lalo mo pang mahalin ang sarili mo kung pakiramdam mo walang nagmamahal sa iyo, o kung pakiramdam mo nag-iisa ka nalang sa mundo. Dahil dumarating talaga sa buhay natin...