06

148 8 1
                                    

Chapter 6

Nag-iwas agad ako ng tingin at napaharap nang muli kay Satchie. Bakit kasi siya nakatitig sa akin? Ano na naman ba ang nagawa ko? Baka mamaya ay bigla niya nalang akong lapitan at bigyan na naman ako ng violation form. Baka pati ang pagtitig sa kaniya ay bawal?

"May lahi kang hapon?" Bumaling nalang ako kay Satchie at hindi na lumingon pa. Nagtanong na lamang din ako.

"Bakit mo naman naitanong?" Medyo natatawang sambit niya saka sumubo ng mansanas na baon ko.

"Sa pangalan mo kasi," saad ko.

Natawa ulit siya at umiling. "Haha, wala. Mahilig lang talaga si Mama sa mga anime kaya ayun ang naipangalan sa akin." Pagpapaliwanag niya naman.

"Kahit half? Medyo singkit ka kasi."

Umiling ulit siya habang ngumunguya. "Wala talaga! Pure Filipino kami. Ewan ko nga rin kung bakit medyo singkit ako."

Hindi na rin kami nagtagal ni Satchie sa Cafeteria. Nang matapos kaming kumain ay napagdesisyunan na rin naming umakyat at hindi na tumambay pa. Wala na naman din kaming gagawin doon.

Habang papunta kami sa kabilang building, sa building namin, nakasalubong namin 'yung tatlo. Iyong tatlong lalaki na agaw atensyon na pumasok kanina sa Cafeteria.

Napansin ko namang namula si Satchie sa tabi ko lalo na nang magkatinginan sila nung Darzen. May pag-ipit pa siya ng buhok niya sa gilid ng tainga niya. At mas lalo pa siyang kinilig nang kindatan pa siya nito.

Nagkatinginan din kami nung kapatid ni Madam pero hindi niya ako pinansin at hindi ko rin naman siya pinansin kahit nakatira lang naman kami sa iisang bubong. Dahil hindi rin naman kami nagkikita roon kahit sabihin nating nasa iisang bubong lang kami nakatira. Ito ang unang beses na makita ko sila ng kakambal niya.

Nang lumagpas na sila sa amin ay pinalo palo ako ni Satchie sa braso, sobrang kinikilig. "Kinindatan ako ng crush ko, Rylee!"

"Oo, nakita ko nga." Sabi ko at umiiwas sa palo niya. Medyo masakit kasi pero keri naman.

Napalingon kami ni Satchie nang may tumawag sa akin. "Rylee!" Nagulat tuloy ako nang tawagin ako ng kapatid ni Madam. Iyong kakambal nung nagbigay sa akin ng violation forms. Naagaw tuloy namin ang atensyon ng ibang estudyante malapit sa amin.

Naglakad siya palapit sa akin, sa amin ni Satchie kasama nung dalawa niya pang kaibigan.

"Kilala mo 'ko?" Tanong ko dahil panigurado namang ngayon niya lang din ako nakita.

Pero hindi niya ako nasagot agad nang may sumigaw na isang babae sa bandang bench malapit sa amin.

"Sinasagot na kita, Kirvy!" Sigaw nito at may hawak pa na cartolina. Nakasulat doon ang pinagsama nilang pangalan at 'I love you, headboy.'

Kumunot tuloy ang noo ko. May nililigawan na pala si Hakirvy?

"Huh? Hindi naman kita nililigawan." Medyo malakas at natatawang sagot dito ni Hakirvy, medyo nandidiri pa. Nakita ko ring pinipigilan nung dalawang kaibigan niya na tumawa.

Umiyak 'yung babae at umalis na kasama nung kaibigan niya. Naawa tuloy ako roon para sa babae. Alam ko kasi ang pakiramdam ng tanggihan. Hindi man sa pag-ibig pero sa ibang bagay.

"Kawawa naman siya," nalungkot din si Satchie para roon sa babae. Medyo marami rin kasi ang nakakita nang ipahiya siya nito.

"Bonak naman!" Napakamot pa si Hakirvy sa batok niya, parang nakaramdam siya ng guilt sa ginawa. Kung ayaw niya roon sa babae, pwede namang lapitan niya nalang ito at kausapin na silang dalawa lang. Kesa naman 'yung sinigaw niya pa na ayaw niya roon.

Till The Pain Is Gone (Mafia Lovers # 3) - OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon