Chapter 13
"Kakausapin ko si Colin patungkol dito! Tanginang tindera 'yan!" Nakalabas na kami ni Hakirvy sa labas ng Cafeteria ngunit si Paps ay patuloy pa ring galit doon sa tindera na namahiya sa akin kanina.
"Paps," tawag ko sa kaniya at sabay silang napalingon ni Madam sa amin ni Hakirvy.
"Alam mo ng sinisigawan ka na, hindi ka man lang lumalaban?!" Nakatungo lang ako pero agad din akong napatingin kay Hakirvy na nasa tabi ko lang nang bigla nalang siyang tumawa. Wala naman kasing nakakatawa.
"Ba't ka tumatawa?" Sabi ko sa kaniya.
"Ganyan pala magalit si Kuya Raven. Hindi lang ako sanay, haha," paliwanag niya naman kung bakit siya natatawa.
Sabay kaming naglakad ni Hakirvy papunta sa Auditorium. Naroon na ata ang iba dahil kakaonti na lamang na mga estudyante ang nadaraanan namin. Naroon na rin sina Satchie, nauna na. Tinext niya lang ako kaya nalaman ko.
Hindi na rin sumama sina Paps at Madam dahil ang pagpupulong daw na iyon ay para lamang sa mga estudyante. Gusto rin sana ni Madam na makinood dahil wala naman daw siyang gagawin ngunit pinigilan naman siya ni Hakirvy. Nahihiya ata dahil magsasalita siya mamaya.
"Para saan ba ang meeting?" Tanong ko sa kaniya.
"Malalaman mo mamaya," iyon lang ang sagot niya.
"Sobrang mahalaga ba n'on at inabot pa kayo ng madaling araw?" Tukoy ko nang makita ko sila kaninang mga alas tres na mga gising pa.
Tumango tango naman siya. Ngunit ang pinakanapansin ko ngayon sa kilos niya... ay ang mga mata niya. Kung saan-saan ito tumitingin na para bang... may hinahanap?
Siguro ay masyado lang siyang mapagmasid sa paligid? Ganoon naman siguro talaga ang responsibilidad niya bilang isang Headboy... At bilang isang mafia na rin.
Ganoon kasi palagi ang napapansin ko sa kanilang lahat. Mapagmasid at malakas silang makaramdam lalo na si Madam.
"Omg, akala ko ba sila ni Pres?"
"Baka inaahas din niya ang Headboy natin!"
"Malandi naman pala!"
"Pabida lang 'yan kaya sumama sa kanila! Feeling high class, tsk!"
"Feeling maganda!"
Napatungo nalang ako nang marinig iyon sa nakasalubong naming mga babae. Dapat ay masanay na ako sa mga ganito dahil palagi naman akong nakakarinig ng mga masasakit na salita mula sa mga estudyante rito. Tahimik lang ako at walang imik sa tuwing nakakarinig ng mga ganito. Gusto ko man lumaban, ipagtanggol ang sarili ko, ngunit... ang hina-hina ko. Salubungin pa nga lang ang mga tininginan nila ay hindi ko na matagalan pa.
"Excuse me?" Nilingon sila ni Hakirvy. Nakalagpas na kasi sila sa amin. "Kakaiba rin kayo magchismisan, ano? Harap harapan?"
"P-pasensya na, Hakirvy, hindi na mauulit," saad nung isang babae na kasama rin nila, mukhang natakot. Nilingon tuloy siya nang mga kasama niya pa, nagulat sa paghingi niya ng despensa. Mukhang sasagot pa sana 'yung mga kasama niya ngunit hinila niya na ang mga ito palayo sa amin.
"Lapet!" Malakas na sabi ni Hakirvy kaya napahinto sila. "2 offense for each of you. Gossiping and improper uniform."
Nagsisalubong naman ang mga kilay nila. "Gossiping, huh? Eh, narinig niyo naman!" Sumagot na 'yung isang babae, mukhang hindi na nakatimpi pa.
"Gossip is still gossip. And it's not just gossip... It's also a defamation of character, am I right?" Taas kilay na sabi ni Hakirvy. Sa huli ay nagbigyan sila ng tig dalawang offense form. Hindi nila kinaya si Hakirvy. Bawat sagot nila ay may katumbas ding sagot ang lalaking ito.
BINABASA MO ANG
Till The Pain Is Gone (Mafia Lovers # 3) - Ongoing
Fiksi RemajaUnahin mo munang mahalin ang sarili mo bago ka tuluyang magmahal ng iba. At mas lalo mo pang mahalin ang sarili mo kung pakiramdam mo walang nagmamahal sa iyo, o kung pakiramdam mo nag-iisa ka nalang sa mundo. Dahil dumarating talaga sa buhay natin...