Chapter 5
Tinitingnan ko ng mabuti ang aking sarili sa tapat ng salamin. Pinagmamasdan ko ang kasuotan ko mula ulo hanggang talampakan.
Ang dating gusgusin, taga silbi, laking kalye, ngayon ay parang prinsesa na. Para akong... Para hindi ako ito... Nakakapanibago.
Ngayon ang unang araw ng klase ko. Papasok ako sa isa sa mga sikat na school dito sa Cavite. Ang Crawford International School.
Isa lang naman ang ikinakabahala ko, ang ikinakatakot ko... Ang mangyari muli ang nangyari sa akin noon... Maranasan muli ang... mabully.
At ayoko ng maranasan 'yon... Nakakatrauma na.
Bumuntong hininga ako. Hindi pa man din ako nakakapasok ay bumubuo na agad ako konklusyon sa isip ko.
Dapat ay maging positibo ako... Tama! Positibo lang dapat!
Napalingon ako sa may pinto nang bumukas ito. Pumasok si Paps, nakangiti sa akin at mukhang siya pa ang mas sabik sa akin ngayon sa pagpasok ko.
"Ikaw ang pinakamagandang estudyante ngayon, Rylee." Natawa ako sa pambobola niya sa akin.
"Salamat po... Paps," nakangiting pasasalamat ko. Napangiti rin siya sa akin. Hindi pa ako sanay na tawagin siyang 'Paps', pero alam kong darating din ang araw na makakasanayan ko rin ito.
Lumapit siya sa akin, hindi pa rin inaalis ang ngiti sa labi at hinaplos niya ang ulo ko. "Mag-enjoy ka sa unang araw mo sa eskwela. Sana magkaroon ka ng maraming kaibigan."
Nawala ang ngiti ko sa labi dahil sa sinambit niya. Kaibigan? Ayoko na ng kaibigan... Kasi iyong inaakala mong pagkakatiwalaan mo, ay siya rin palang sasaksak sa iyo patalikod.
Wala na atang totoong kaibigan. Sa tingin ko... lahat sila ay peke lang.
"P-Paps, nasa'n na po pala ang iba?" Tanong ko. Pagbaba kasi namin ay ang tahimik ng paligid. Nasabi kasi sa akin ni Paps na sa papasukan kong eskwela ko rin pumapasok ang mga kapatid ni Madam at ang anak nila ni Tito Axel.
"Nauna na silang umalis," sagot niya naman bitbit ang backpack ko at ang baunan ko. Maaga raw siyang nagising kanina para lang ipagluto ako ng ibabaon ko ngayon. At simula rin daw ngayon, siya lang ang magluluto ng ibabaon ko sa araw-araw.
"Kinakabahan ka?" Biglang tanong ni Paps sa akin habang nasa daan kami papuntang school.
Sobra... Sobra akong kinakabahan. Nahalata niya bang kinakabahan ako?
Natawa naman siya nang hindi ako makasagot. "Normal lang naman na kabahan kapag first day lalo na sa introduce yourself. Pero lagi mong tatandaan na masayang pumasok. Isa iyan sa namimiss ko... ang pumasok." Sambit niya.
Kinakabahan lang ako dahil halos dalawang taon din akong tumigil sa pag-aaral... Dahil sa takot, sa trauma... na naramdaman ko.
Siguro naman ay iba ang mga estudyante sa eskwelang papasukan ko, ano? Hindi naman siguro sila katulad sa eskwelahan ko rati. Na puro pambubully lang ang inaatupag.
Mas lalong kumabog ang dibdib ko nang malakas nang huminto na kami sa tapat ng building ko.
Ito na... Papasok na ulit ako.
Oo, kinakabahan ako. Pero hindi pa rin nawawala sa akin ang sabik. Isa sa pangarap ko ang makapagtapos. Hindi lang para sa akin, kundi para kay Lolo at Ate Eya. Gusto kong maging proud sila sa akin.
Hindi man lang naranasan ni Ate Eya na tumungtong ng stage, makagraduate ng kolehiyo... Dahil nga maaga siyang nawala... Kaya ako nalang ang tutupad para sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Till The Pain Is Gone (Mafia Lovers # 3) - Ongoing
Teen FictionUnahin mo munang mahalin ang sarili mo bago ka tuluyang magmahal ng iba. At mas lalo mo pang mahalin ang sarili mo kung pakiramdam mo walang nagmamahal sa iyo, o kung pakiramdam mo nag-iisa ka nalang sa mundo. Dahil dumarating talaga sa buhay natin...