12

133 8 0
                                    

Chapter 12

Tulala lang ako habang pauwi kami ng Hacienda. Kasabay ko sana si Thala ngayon umuwi kaya hindi na ako nagpasundo pa kay Paps o kay Dadsy. Ngunit dahil mamaya pa si Thala, sumabay na ako kay Harvey dahil natatakot akong maghintay nang mag-isa kay Thala sa may  quadrangle kung saan ko raw siya hihintayin. At saka sinabay na rin ako ni Harvey kaya hindi na ako humindi pa.

Tahimik, walang kibo, at grabe ang pagkakahawak ko sa jogging pants na suot ko ngayon. Hanggang ngayon kasi ay nabigla pa rin ako sa nangyari kanina. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung sino ang tao sa likod ng pigura na nakita ko kanina.

Gusto ko sanang magtanong kay Harvey kung naramdaman o nakita niya rin ba iyong nakita ko kanina. Ngunit masyado akong nahihiya lalo na sa ginawa kong pagyakap sa kaniya kanina.

Napatingin ako kay Harvey saglit saka binaba ito sa cellphone niya na inaabot niya sa akin. Nagtataka ko naman itong tiningnan, nagtataka kung bakit niya ito inaabot sa akin.

Bumuntong hininga siya saka nagsalita. "This is my number. Save it on your phone," saad niya.
Hindi ko alam pero kinuha ko ito kahit nagtataka ako kung bakit kailangan ko itong i-save sa cellphone ko.

"Call me when this happens again..." Napatingin ako sa kaniya pero ang paningin niya ay wala sa akin kundi nasa labas lang. "Or if you need me..." Napalingon na rin siya sa akin. At nagulat siya nang makitang nakatingin ako sa kaniya. Hindi niya ata inaasahan iyon. "I mean... if you need... my help," dagdag pang sabi niya saka nag-iwas ng tingin.

Napangiti tuloy ako dahil ngayon ko lang nakuha kung bakit niya ibinibigay sa akin ang number niya... At saka, may tinatago rin pala siyang kabaitan sa katawan niya kahit papaano.

"Bakit ba ngayon lang kayo?!" Iyon agad ang bungad sa amin ni Paps pagkababa na pagkababa namin ng sasakyan, nakapamewang pa siya.

"Napauwi pa ako dahil wala ka pa raw!" Saad naman ni Dadsy na prente lang na nakasandal sa pader malapit kay Paps. Mag-aala syete palang naman pero grabe na ang pag-aalala nila sa akin.

Napalingon naman ako kay Harvey. Nasabi ko kasi sa kaniya kanina kung maaari ay huwag niya ng banggitin pa kina Paps ang nangyari kanina. Ayoko lang sila na mag-alala para sa akin. Kaya ko naman ang sarili ko, at nariyan naman si Harvey... kapag nangyari ulit ang nangyari kanina.

Napaupo agad ako sa sahig at napasandal sa kama ko pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng kwarto ko.

Hindi talaga mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Aaminin ko, natakot talaga ako ng sobra... Buti nalang talaga at dumating si Harvey. Paano kung hindi siya dumating? Paano kung hindi niya ako nakita, edi baka naroon pa rin ako hanggang ngayon?... Nanginginig sa takot.

Napailing iling ako. Bakit ba ang duwag-duwag ko? Bakit natatakot ako? Tinuruan naman ako nina Paps kung papaano lumaban. Hindi na.... Hindi dapat ako natatakot dahil isa akong mafia.

Pero ako lang ata ang mafia na duwag. Ako lang ata ang mahina ang loob dito at walang silbi. Ako lang ata ang... walang pakinabang.

Malakas na kumabog ang dibdib ko nang biglang may kumatok sa pinto. Takot at kaba agad ang una kong naramdaman. Muli na namang pumasok sa isip ko ang nangyari kanina.

Isang malakas lang na katok ang narinig ko pagkatapos nito ay wala ng sumunod pa. Dahil sa takot, kinuha ko ang unan ko para magsilbing pananggi ko. Hindi ko rin alam kung bakit unan, pero ito ang una kong nahablot.

Nanginginig ang kamay ko nang dahan-dahan kong pihitin ang doorknob.

"Ba't ang tagal mo palaging magbukas ng pinto?!" Ganoon nalang ako nakahinga nang maluwag nang si Harvey ang sumalubong sa akin. At saka bakit ko naman iisipin na may nakapasok na ritong hindi namin kakampi o kabilang. Dahil panigurado namang hindi basta-basta nakakapasok dito ang kung sino mang magtangka.

Till The Pain Is Gone (Mafia Lovers # 3) - OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon