09

147 7 0
                                    

Chapter 9

"Nakapasok na tayo't lahat sa loob, hawak niyo pa rin ako?!" Umalingaw ngaw ang isang boses ng babae habang nakaupo ako rito sa may salas.

"Bitawan niyo na nga ako! Mukha ba akong manlalaban?!" Napatayo na tuloy ako lalo na nang mapagtantong pamilyar sa akin ang tinig na iyon.

"Bitawan niyo na siya," bumaba si Hakirvy sa hagdan at sinambit iyon sa dalawang lalaking may hawak kay Thala. At saka siya tumingin sa likod ni Thala kung nasaan naman sina Tito Akiro at Tito Johann.

"Mga kuys, sa susunod, pakitapalan ng bunganga ng babaeng 'to! Nakakarindi amputa!" Saad pa ulit ni Hakirvy, parang naiirita.

Natawa naman nang sarkatisko si Thala. "Edi takpan mo 'yang tainga mo!"

"Tinakpan ko na! Kaso 'yung sigaw mo, rinig hanggang mars!" Sabat uli ni Hakirvy.

"Mag-aaway nalang ba kayo palagi?" Pagsingit naman ni Harvey saka tumingin sa akin. Nag-iwas tuloy ako ng tingin at tumingala nalang sa taas, sa may chandelier. Baka sabihin niya hindi naman ako kasali sa usapan nila tapos nakikichismiss ako.

"Gusto mo ikaw awayin ko?" Rinig kong sabi ni Thala, nakabaling naman kay Harvey.

"Sige nga!" Puna naman sa kaniya ni Hakirvy, mukhang nang hahampon. "Baka kapag inaway mo 'yan ikaw pa ang maasar."

"Epal ka talagang lalaki ka!"

"Sure ka lalaki ako?"

"Sml?!"

"Malay mo trans pala kami ni Har—" nakita ko sa gilid ng mata ko na binatukan siya ni Harvey. "Aray!"

"Buti nga!"

"Bobo ka talaga, dre! Kaya ka napagkakamalang bading sa school, e." Pagsingit naman ni Darzen na kakapasok lang, nakasukbit pa sa isang balikat niya ang bag niya. May nakaipit ding bola sa braso niya. Nalaman ko na, na anak pala siya ng mafia doctors, sina Dra. Gaean at Dr. Renz.

"Ano na naman ginagawa mong hinayupak ka rito?" Bwiset na sagot sa kaniya ni Hakirvy.

"Malamang makikikain ulit!"

"Your parents are still in the hospital?" Lahat kami ay napalingon nang dumating si Madam. Nakakapagtaka pa nga dahil hindi niya kasama si Tito Axel. Para na nga silang kambal tuko, hindi mapaglayo  sa isa't isa palagi.

"Yes po, Madam. Bukas pa raw ang uwi nila," may respetong sagot ni Darzen kay Madam.

"Mas masaya nga 'yon. Walang kasama sa bahay, tahimik." Sabat naman ni Thala, nakaupo na sa arm top ng sofa at magkakrus ang mga braso.

"Follow me." Maawtoridad naman na sabi ni Madam kay Thala. Napatikom ko nalang tuloy ang bibig ko.

"Lagot ka!" Tinakot pa ito ni Hakirvy na agad ding sinundan ni Darzen. Inirapan lang sila ni Thala saka sumunod kay Madam sa opisina nito dito sa Hacienda.

Wala na akong magawa kaya umakyat na muli ako sa aking kwarto para gawin ang assignment ko. Tapos na raw kasi itong linisin. Nilapitan lang ako ng taga silbi kaya nalaman ko. Kaya nandito rin ako nakatambay sa may salas, e dahil nga nililinis ang kwarto ko kanina. Hindi ko naman sinasadya na marinig ang mga diskursyon nila.

Mabilis ko lang natapos ang assignnent ko. Patungkol lang naman ito sa pagkakalinlan namin sa pambansang bayani natin na si Jose Rizal. Naghanda na rin ako at mas kinilala pa si Rizal dahil magkakaroon ata kami ng recitation bukas patungkol sa ginawa naming assignment. Ayoko namang walang maisagot at mapahiya sa klase kaya nag-aral talaga ako.

Till The Pain Is Gone (Mafia Lovers # 3) - OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon