Chapter 7
"Kumusta ang first day? Nag-enjoy ka naman ba?" Iyon agad ang bungad sa akin ni Paps habang pauwi kami sa Hacienda.
"Ayos lang naman po," sagot ko. Kahit ang totoo ay naninibago pa rin ako. Ito kasi ang unang beses na pumasok ako sa private school.
Wala pa naman kaming assignment ngayon kaya hindi ko na naman alam ang gagawin ko. Narito lang ako sa loob ng maganda kong silid, tahimik, nakaupo, at walang magawa. 'Di tulad dati, mga ganitong oras ay nasa lansangan pa ako. Nagbebenta para may makain.
Inisip ko nalang ang mga nangyari kanina sa eskwelahan. Hindi naman siguro ako pinaplastik ni Satchie, ano? Mukha naman siyang totoo sa akin? Pero kung paano tumingin sa akin ang mga kaklase ko... Parang... Para bang ayaw nila sa akin...
Hindi ba nila gusto ang presensya ko?
Si Satchie lang kasi ang kumausap sa akin. Parang hindi sila masaya sa pagdating ko.Bumuntong hininga ako. Nag-ooverthink na naman pala ako. Sinandal ko ang ulo ko sa kama ko habang nakaupo sa sahig.
Wala ka na bang ibang gagawin kundi ang mag-isip nang mag-isip, Rylee?
Tumayo na ako at nagpalit na ng pambahay. Naka uniporme pa rin kasi ako hanggang ngayon. Hindi pa kasi ako nakapagpalit agad simula nung umuwi kami kanina.
Bumaba ako sa baba, sa kusina para sana magmeryenda dahil nakaramdam ako ng gutom. Pero naabutan ko roon si Harrison, kumukuha ng ice cream sa freezer.
Nang makita niya ako ay inalok niya ako nito. "Do you want some ice cream?"
Tumango naman ako. "Pwede ba?" Paborito kasi nila ng kakambal niyang si Harleigh ang ice cream. Ayoko namang maki-agaw pa sa kanila.
Natawa naman siya. "Of course! Here!" Inabot niya sa akin ang isang ice cream. Magnum iyon. Tinanggap ko rin agad iyon dahil natakam agad ako. Ngayon lamang ako makakatikim ng mamahaling ice cream. Puro kasi natitikman ko noon ay puro lako lang. Dirty ice cream ba kung tawagin.
Nagpaalam na rin si Harrison pagkakuha ng ice cream niya dahil may gagawin pa raw siya. Ako naman ay lumabas na muna sa may garden at naupo muna roon, nagmuni muni habang kumakain ng ice cream.
"Ang kalat mo naman kumain ng ice cream!" Nagulat ako nang biglang sumulpot si Hakirvy sa tabi ko. Inabot niya rin sa akin ang isang panyo na ipinagtaka ko.
"Huh?" Mas lalo pa akong nagulat at medyo napalayo ko pa ang ulo ko nang mas lumapit pa siya sa akin... at punasan ang labi ko gamit ang panyo na pagmamay-ari niya.
"Mas makalat ka pang kumain ng ice cream kesa kina Harleigh," iiling-iling niya pang sabi. Ako naman ay naestatwa sa ginawa niya. Ngayon lang may lumapit sa akin na lalaki na ganito kalapit. Pero hindi ko dapat bigyan malisya iyon dahil nagmamalasakit lang naman siya sa akin.
Kinuha ko ang panyo sa kaniya dahil naiilang pa rin ako. Ako na ang nagpatuloy sa pagpupunas ng bibig ko. "Salamat."
"Walang anuman." Kinindatan niya pa ako.
"T-type mo ba ako?" Pandidiretso ko sa kaniya. Nagulat naman siya, hindi inaasahan ang sinabi ko at napatitig pa sa akin.
Natanong ko lang naman dahil kung oo ang sagot niya, wala pa akong planong magkanobyo. Wala pa iyon sa isip ko.
Biglang naman siyang natawa. "Gentleman lang talaga ako so don't get me wrong sa ginawa ko sa 'yo. Tsaka isa pa, gusto ko ldr relationship."
Long distance relationship? Bakit naman kaya gusto niya na malayo sila sa isa't isa ng magiging nobya niya? Eh, 'di ba mas mahirap iyon kung ganoon?
BINABASA MO ANG
Till The Pain Is Gone (Mafia Lovers # 3) - Ongoing
Teen FictionUnahin mo munang mahalin ang sarili mo bago ka tuluyang magmahal ng iba. At mas lalo mo pang mahalin ang sarili mo kung pakiramdam mo walang nagmamahal sa iyo, o kung pakiramdam mo nag-iisa ka nalang sa mundo. Dahil dumarating talaga sa buhay natin...