Chapter 15
Mabilis kong pinunasan ang mga mata ko nang maalalang may exam pa pala ako. Kahit nanghihina ay tumayo na ako at mabilis na inayos ang sarili ko. Buti nalang at medyo natuyo na ang uniporme ko. Kanina pa ata ako nakatulala rito. Mag-iisang oras na rin simula nang magsimula ang exam. Baka nagtataka na si Satchie lalo na si Dadsy kung bakit wala pa ako sa classroom.
Nang makalabas ng banyo ay napahawak ako sa pader. Nanghihina pa rin ako. Gusto kong matumba at muli na namang umiyak. Pero hindi dapat ako ngayon panghinaan ng loob. May exam pa ako! At ayokong mamiss iyon!
Nanghihina ang mga tuhod ko habang naglalakad kaya natumba ako ngunit... may taong sumalo sa akin.
"Hey, are you okay?" Hindi ko man nakita kung sino ito pero isang tao lang ang natutukoy ko mula sa boses na narinig ko...
Si Harvey.
"Okay lang ako." Sabi ko bago humarap sa kaniya.
"Are you sure? You look pale." Nang tingnan ko siya sa mga mata, nakita ko roon ang pag-aalala niya.
Ngumiti ako ng tipid kahit mahirap para sa akin na gawin iyon. Kasi hindi talaga ako okay. "Puyat lang," sagot ko.
"Where have you been? Bakit late ka?" Sunod-sunod niyang tanong. Hindi agad ako nakasagot sa kaniya. "Kanina ka pa hinahanap." Dagdag pa na aniya. Hindi na ako nagulat.
"Napa... Napaidlip ako sa may library." Pagrarason ko. Napatango tango naman siya. Pero mukhang hindi siya naniniwala sa akin. "Sige na, papasok na ako." Matamlay na sabi ko. Tsaka baka maubusan na ako ng oras sa pagtetake ng exam.
Tumango lang siya ulit at tumalikod na rin ako sa kaniya saka nagsimulang maglakad ngunit hindi pa man din ako nakakalayo nang hawakan niya ako sa braso.
"Are you... Are you sure you're okay, Rylee?" Napangiti ako. Ngayon niya lang ako tinawag sa pangalan ko.
Tumango tango naman ako. "Okay lang talaga ako." Hindi ko inalis ang ngiti ko sa labi para hindi na siya mag-alala pa.
Nagpakawala ako nang malalim na hininga pagkarating sa tapat ng classroom. Hindi ako kinakabahan dahil ngayon lang ako. Mas kinakabahan akong makita ang dalawang taong may dahilan kung bakit ngayon lamang ako.
Pero hindi dapat ako mabahala. Ligtas ako rito sa loob ng klasrum dahil nandito si Satchie lalo na si Dadsy. Hindi sila papayag na may mangyaring masama sa akin o may manakit sa akin. Sarili ko lang talaga ang hinayaan ko na may manakit sa akin... Dahil takot at naduduwag akong lumaban.
Nanginginig man ang buong katawan ko... ngunit pumasok ako ng buong tapang kahit hindi ko alam ang bubungad sa akin.
"Rylee!" Napatayo si Satchie sa upuan. Siya ang unang nakakita sa akin kaya napagaya na rin ang iba ko pang mga kaklase. Nang tumingin ako kay Dadsy, nakatayo na rin siya at napalapit sa akin, sinuri ang lagay ko.
"Where have you been?" Seryosong tanong niya. Makikita ang galit sa mga mata niya ngunit nandoon pa rin ang pag-aalala.
Gusto kong yakapin si Dasdy. Gusto kong umiyak at magsumbong sa kaniya ng mga ginawa nila sa akin, nang dahilan kung bakit ngayon lang ako. Gustong gusto ko ng may masasandalan ngayon.
"I'm asking you, Rylee!" Napatungo lang ako at pinigilang umiyak sa harapan niya. Tsaka ako tumingin kina Aira at Elena. Diretso lang din ang mga tingin nila sa akin. Wala man lang makikitang takot sa kanila. Parang walang mga pakialam kung magsumbong man ako o hindi.
"I-I'm sorry, Sir, I'm late," sagot ko. Ngayon lamang ako pinagalitan ni Dadsy ng ganito. Pero naiintindihan ko naman iyon.
"Where have you- Take a sit. You only have thirty minutes to take your math exam." Tumango lang ako. "I'll talk to you later." Dagdag niya sa mahinag salita nalang.
BINABASA MO ANG
Till The Pain Is Gone (Mafia Lovers # 3) - Ongoing
Teen FictionUnahin mo munang mahalin ang sarili mo bago ka tuluyang magmahal ng iba. At mas lalo mo pang mahalin ang sarili mo kung pakiramdam mo walang nagmamahal sa iyo, o kung pakiramdam mo nag-iisa ka nalang sa mundo. Dahil dumarating talaga sa buhay natin...