EXTRA: Reasons Why I Love You | 5

11.9K 239 14
                                    

Reason # 15: You say I look beautiful when I don't think I do.

"Hindi nalang ako maglilive. Dito nalang ako sa dressing room mo." sabi ni Karylle kaya naman tiningnan siya ng masama ni Vice. "Ehhhh..." sabi naman ni Vice na parang bata.

"Vice, tingnan mo nga 'yung suot ko... tapos ang dami ko pang iniisip para sa Childhaus..." sabi naman ni Karylle.

"Magopening ka lang kahit wag mo na tapusin 'yung show." pilit ni Vice kaya naman nakatanggap siya ng weird look from Karylle. "Syempre, para may pictures natin mamaya sa twitter. Favorite part of the day ko kaya 'yon... yung pagbukas ko ng twitter puro pictures natin 'yung nakatag sakin."

Hinatak naman niya ang bewang ni Karylle at pinindot ang ilong nito, "Talaga? Kahit ganito itsura ko?"

Natawa naman si Vice at niyakap si Karylle. "Ano bang mali sa itsura mo? Eh, kung ganyan mukha ko kahit paghubadin ako sa TV kaya ko, eh. Pero wag mo gagawin 'yon.. pero alam mo kahit anong suot mo, kahit anong sabihin nilang mas bagay sayo, kahit nakatapak ka pa, kahit hindi bagay 'yang skirt mo dyan sa pullover mo, ikaw pa rin ang pinakamagandang babae para sa'kin. Ang ganda kaya ng girlfriend ko, kasing ganda ko!"

"Maniniwala na ko na maganda ko, eh." natatawang sabi naman ni Karylle. "Sige nga kung hindi mo ko binobola, palit tayong outfit today."

Napalunok naman si Vice at tiningnan ang pink na skirt ni Karylle. Natawa naman si Karylle sa reaksyon ni Vice at nagnakaw ng halik sa boyfriend. "Joke lang.

~

Reason# 16: You are my biggest fan in all I do.

"@vicegandako: Beauty and BRAIN. Isn't she perfect? ♥ #TeamKurba #TEDxManila youtu.be/hjhfskehfsk"

"@vicegandako: Nakita niyo na ba yung cover ng Women's health? *heart eyes emoji*"

"@vicegandako: Catch @anakarylle 's gig later sa Route 196! 8PM! See you there ♥"

"@vicegandako: Crush ko po.... *Karylle's picture*"

"@VhongX44: @annecurtissmith Anne, ang ingay nung fan account ni Karylle, no?"

"@annecurtissmith: "@VhongX44: @annecurtissmith Anne, ang ingay nung fan account ni Karylle, no?" HAHAHA!!!"

"@anakarylle: @VhongX44 @annecurtissmith Kayo talaga inaaway niyo na naman si Vice!;)"

"@vicegandako: @annecurtissmith @Vhongx44 *belat emoji*"

~

Reason # 17: Every now and then, you ask for my advice and I love you for that.

"So 'yun nga hindi ko naman alam na big deal pala sakanya 'yung hindi ko pagpunta sa birthday party niya." kwento ni Vice kay Karylle. Pumihit naman siya at dumapa para matingnan niya si Vice habang nagkkwento ito. "Nagsorry na ko pero ayaw pa din niya ako kausapin. Halata naman sa Showtime kanina na iniiwasan niya ko."

Napayuko naman si Karylle hiding her face gamit ang buhok niya para hindi makita ni Vice na natatawa siya. "Huy, tinatawanan mo na naman ako." sabi ni Vice na nakapout.

Tiningnan naman siya ni Karylle, "Wala ka bang naalala?" Napaisip naman si Vice saka umiling habang nakapout pa rin. "Wala talaga?" Pailing iling na tanong ni Karylle. "Hindi ba parang nangyari na 'to? May nagalit kasi hindi pumunta sa party.... kaya nadeadma sa show?"

Napangiti naman si Vice nang marealize ang point ni Karylle saka niyakap ito. "Iba naman 'yon, syempre bet na kita noon. Hindi ko lang masabi... kaya syempre noong hindi ka pumunta nahurt ako. Tinatamad, sus."

ViceRylle One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon